chapter 2

105 13 5
                                    

Michelle

"Hi, gorgeous!" Pigil na pigil akong hindi mapairap ng marinig ang boses na yun at dumiretso na sa unang subject namin.

Sa dinami-dami ng pwede kong makasabay ngayon ay ang grupo pa ni Jazmin.

"Aww, waley ka na naman!" Kantyaw ng isa sa mga kasama nito tapos nagtawanan. Kakatawa?

Ilang araw na akong ginugulo ng grupo na to pero di ko na lang pinansin. Mas maraming bagay akong dapat pagtoonan ng pansin kaysa sa mga taong walang magawa sa buhay tulad nila. Mula sa encounter namin last week ay papagi na silang pumupunta dito sa building namin para ihatid si Jazmin, door to door.

"Hi mads, morning! Nakabusangot ka? Ay, always pala!" Salubong sakin ni Jana. Nakapwesto na ito dahil may exam kami.

"Wag mo akong simulan." Umupo narin ako sa tabi nito at kinuha ang notebook ko. Di na ako nakapagreview kagabi dahil sa pagod.

"Oo na. Tatahimik na." Sabi na lang nito ng makitang akmang magrereview pa ako. Alam nitong ayoko ng kausap.

Maaga pa naman kaya may oras pa ako para magscan ng notes ko kahapon. Ilang sandali ay bigla na lang tumahimik ang paligid. Alam ko na kung bakit pero patuloy lang ako sa pagbabasa.

"Good morning, Jaz."

"Hi, Lexie. You're so pretty po."

"Pwede papicture?"

"Ganda talaga nila!"

Iilan lang yan sa mga narinig ko kaya automatic blinock ko na ang iba pa. Lihim na lang akong nagpasalamat ng umalis na ang mga ito at nagsimula na ang klase.

"Madi, san ka ba pupunta? Lunch break pa lang oh," pansin nitong hindi ako papuntang cafeteria. Naiinis talaga ako pag ganyan tawag nya sakin. Pano bisaya tong babaeng to at kung ano-anong napanuod sa facebook.

"May trabaho ako. Friday, remember?Tsaka, two hours naman ang vacant natin." nagmamadaling umalis na ako. Twenty minutes na lang magsisimula ang shift ko sa isang fast food restaurant.

Di ko na pinansin ang pagrereklamo nito. Marami naman syang kaibigan.

Pagdating ko ay agad na akong nagbihis ng at pumwesto sa counter. Lahat ng mga kasama ko ay napatingin sa akin. "Bakit?" Takang tanong ko.

"Sorry ha pero di talaga bagay sayo ang uniform mo." Ani ni Tori.

" Sabi mo pa." Agree naman ang bakla. "Pansinin mo na kasi si sir para di ka na magtrabaho pa." Sinundot pa nito ang tagiliran ko. Halata daw kasing may gusto sakin ang may-ari nito restaurant at single pa. I mean, byudo.

Napailing na lang ako. Mahigit dalawang linggo na ako dito pero ito parin ang sasalubong sakin.

Madaling natapos ang dalawang oras. Wala namang masyadong customer dahil working at class hours pa. Sa gabi sobrang dami kaya doon ako nahahapo. Four hours pa yun.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko para bumalik ng school. Sa aming lahat kasi ako lang ang nag-aaral pa. Yung iba, may asawa na at kadalasan naman ay high school graduate lang.

"Hatid na kita." Presenta ni sir na ikinangiwi ko. Nauna pa itong lumabas. Todo kantyaw ang inabot ko sa kasamahan ko. Gusto ko sanang tumanggi pero parang ang bastos naman.

"Wag mo sanang masamain. May pupuntahan kasi ako at madaanan naman yung school nyo." Sabi nito. Gwapo naman si sir kahit lagpas kwarenta na ito.

Napatango na lang ako at tumingin sa labas.

"Maitanong ko lang, Michelle," lihim akong napangiwi sa paraan ng pagkatawag nito sa pangalan ko. Sobrang pangit ng pangalan ko pag ito ang bumigkas." May boyfriend ka na ba?"

Half a heart without UWhere stories live. Discover now