"So..." Kahit si Pristine, hindi makapaniwala sa mga nakikita niyang nakatupi at nakasampay sa kwarto ko. "Ganito kalala ang nasa isip mo... Now, I can see it."

Mahina akong natawa habang inaayos ang mga pinlano kong isasampay. Sinusulyap ko rin si Pristine na tinitingnan din ang mga natahi ko.

Nakita ko ang sky blue off-shoulder top na tinahi ko noong nakaraang araw. Nawala saglit sa isip ko na si Pristine pala ang naalala ko habang tinatahi iyon. "Pristine?" tawag ko at nang lumingon siya sa akin ay pinakita ko sa kaniya ang tinahi kong top.

"That's so pretty!"

"It's yours."

Nanlaki ang mga mata niya bago napatili. Tumakbo siya palapit sa akin at binigay ang para sa kaniya.

"I was thinking of you while making that days ago. Sa sobrang dami na ng nagawa ko, hindi ko na 'to naalala agad."

"Oh, Bloom.." She hugged the top. "Thank you so much!"

Muli kong hinalungkat ang mga nagawa ko na. "Gusto mo rin ba ang ganitong top? Or skirts? Kung may kasya sa'yong suits, you can take it!" Ngayon ko lang ulit naramdaman ang lakas dahil ilang linggo na akong bagsak.

"Really? Can I take this?" May binalikan siyang lavander suit.

"Sure!"

Pinanood ko siyang magkalkal ng mga ginawa ko.

"Can I also show this to my classmates and friends? For sure, magugstuhan nila! Kailangan lang nila bumayad—oh!" Napatigil siya sa pagsasalita at nakaawang ang labi nang humarap sa akin. "You should open a clothing line!"

Natigilan ako. Parang nagblangko saglit ang buong utak ko dahil ang gandang idea 'yun para sa magiging bago kong buhay. Pero hindi ko pa rin matanggap na kailangan kong magpatuloy na hindi sila kasama.

May kumatok bigla kaya naputol saglit ang tumatakbo sa isipan ko. 'Yung isa sa mga katulong nila Pristine. "Miss Pristine, andito po si Sir Luke."

"Himala? Lumabas din sa laboratory niya," sabi ni Prisrine at busy pa sa pagtingin ng mga tinahi ko.

"Luke...?" mahina kong bulong kaya napatingin siya sa akin.

"Yes, Jon Luke. Junior scholar scientist ng Solance Sciences Department. We became friends kasi galing din siya sa Nodawn." Bigla siyang napalundag. "Kilala mo ba..." pero parang naglaho ang boses niya nang bumagsak din ang liwanag sa mga mata niya. Parang may narealize siya.

"Kilala mo ba siya? Jon Luke? Alfonso?" mahina niyang tanong.

Hindi ako makasagot dahil nabalutan ako ng takot at kaba. Hindi rin malakas ang loob ko na humarap kahit kanino maliban kay Pristine. Pero sa oras na 'to, pumapangibabaw sa isip ko na magkikita kami ni Jon ngayon matapos ang ilang taon.

May kumatok ulit.

"Pristine? May dala akong snack. Kumain kayo."

Si Jon.

Nanginginig man ang kamay ko, napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Hindi ko na kayang umiyak.

"Bloom.. are you okay?" malambot na tanong ni Pristine. Palapit sana siya sa akin nang kumatok ulit si Jon at dumeretso na sumilip sa pintuan.

Nagkasalubong ang tingin namin.

Kasabay ang panlalaki ng mga mata at pagbuka ng mga labi niya.

Tuluyan na siyang pumasok kaya nakita ko siya nang malapitan.

Mas lalong humulma ang features niya sa mukha dahil sa stress at pagbawas ng timbang. Maiitim ang ilalim ng mga mata niya at medyo may kahabaan ang buhok niya. Nakasemi-formal suit siya at mukhang kagagaling lang niya sa laboratory. May nakasabit pa na lab coat sa kaliwang bisig niya.

GumdropWo Geschichten leben. Entdecke jetzt