Chapter 17

52 5 5
                                    

"8:00 PM, meeting!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"8:00 PM, meeting!"

Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan sa sigaw ni Clark mula sa 2nd floor. Medyo sumilip pa ako sa labas para magtanong kay Lawron kung tama ba ang narinig ko. "Ano raw?"

"Meeting?" patanong din na sagot ni Lawron at sumandal sa upuan para tingnan kung pababa na si Clark.

"8 PM! Meeting! Sa sala!" sigaw ni Clark habang dumadaan sa amin nang mabilis hanggang sa labas na siya nagsusumigaw dahil andoon sila Forsythe at Danger na naglalaro ng pingpong.

"Para siyang alarm," sabi ni Lawron saka kumagat sa ginagawa niyang sandwich.

Tumawa ako biglang pagsang-ayon. "Cutie," dagdag ko pa.

Simula nang kumpleto na kami sa iisang bahay, napansin ko kung gaano nag-iba ang hangin sa bahay dahil andito na si Boss. Parang siya ang naging tulay namin papunta sa mabuting pagsasama. Masyado siyang maasikaso, mapagbigay at mabait sa amin. Nakakain pa kami ng Sashimi kahapon kasi nagpaparinig si Danger. Ang mahal kaya nun! Napapaisip tuloy ako kung may pera pa ba si Boss. Narinig ko kasing pera pala niya ang pinambili ng mga grocery. Hindi man lang siya nagsasalita tungkol doon. Isa pa, wala rin naman kaming pera. Pera kaya ng White Hall ang ginagasto niya?

"Pahabol na announcement! May talent show daw sabi ni Boss!" malakas na sigaw ni Clark nang dumaan na naman sa amin.

"Ano?" sigaw ko pabalik pero nasa malayo na ulit siya nag-aannounce.

"Talent show?" pag-uulit ni Lawron.

"Why though?" tanong ko. Tinapos ko na ang ginagawa ko at pinupunasan ang kamay ko sa apron.

"Kantahan ko kayo, ganun?" biro ko pa pero napatikom ang bibig ko nang makita si Boss na kabababa palang sa hagdanan. He was wearning an oversized white shirt, black short and eyeglasses. Ngayon ko lang siya nakitang lumabas sa kwarto niya ngayong araw. I assume na he's getting ready. Pinag-aralan pa ata ang misyon para siya magpresent sa amin mamaya.

"Hindi naman talent show na talent show," panimula niya at kumuha ng tubig sa ref. "Parang skills na pwedeng maging role para sa grupo."

"Pero hindi ko alam kung ano pwede kong maiambag sa grupo?" patanong na sabi ni Lawron. Gusto ko sana sumang-ayon dahil napakaironic namang sabihin na hindi ko nakikilala ang sarili ko. Paminsan, hindi ko alam ang mga pwede kong gawin unless may ibang magsasabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha ng mustard sachet si Boss mula sa ref at walang paalam na hinagis ito papunta kay Lawron. Noong una, medyo nabalisa si Lawron pero nasalo rin niya agad ang hinagis sa kaniya. He caught it neatly and quickly! Kung sa akin hinagis iyon, baka tumalbog pa sa magkabila kong kamay.

Napatango si Boss habang iniinom ang tubig niya. "Nice."

"Ow," mahinang sambit ni Lawron, mukhang nakuha niya agad ang ibig sabihin ni Boss. Samantala ako, parang nalutang pa sa nangyari. Lalo na nang pinadaan at pinaikot pa ni Lawron ang sachet sa mga daliri niya bago tinago sa palad niya. Kung hindi ko lang tinititigan ang hawak niya, hindi ko makikita kung paano niya ito gawin dahil ang bilis niya kumilos.

GumdropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon