Chapter 1

197 12 7
                                    

BLOOM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLOOM

"Welcome to Nodawn City. A place you never want to leave," pagbabasa ko sa naglalakihang sign na nakapaskil sa billboard ng Nodawn. Sa pagiging makulay nito, alam kong maraming mapapaisip na hindi taga-rito na kapag nakapunta rito ay hindi ka na makakaalis.

Hindi dahil sa ganda ng paligid na iibigin mong dito na lang tumira, kung hindi, masyadong mahigpit ang pamumuno rito.

"Pakinggan niyo kaming mahihirap!" Napatigil ako saglit sa paglalakad sa daanan nang nakita kong nagkakaroon ng protesta sa harapan ng White Hallㅡkung nasaan nagtatrabaho ang mga gumagawa ng batas dito.

Nakita ko na naman ang naglalakihang manika na kamukha ng kasulukuyang Mayor.

Pinili ko talagang tumigil sa pagalakad para panoorin ang mga nangyayari roon. Imbis na maawa dahil ginugugol nila ang oras nila sa pagsisigaw nila at paggawa ng props nila, napapailing na lang ako. Kasi hindi naman nakikinig 'yung mga tao sa White Hall eh.

Pinag-ekis ko ang mga bisig ko habang pinapanood na sinisimulang sunugin ang manika sa gitna ng daan. Napailing na lang ako lalo dahil ninipis lalo ang Ozone Layer nito sa pagsusunog nila isang beses sa isang linggo.

"Palayain! Palayain niyo kami!"

Huminga ako nang malalim at nakawala ng isang mahabang hininga. Alam ko naman kasi ang susunod na mangyayari. May paparating naman na bumbero para bombahin ng tubig ang mga tao roon.

Mga ganitong eksenang nakikita ko, nakasanayan kong makita. Simula ata elementary, pinapanood ko na silang magdusa habang sinisigaw ang gusto nila. Siguro, sa lagay dito, swerte ka na lang kapag wala kang birth certificate. O hindi ka ipinanganak sa Nodawn Hospital. Kasi kapag may nakalagay sa document mo na taga-Nodawn City ka, mahihirapan kang umalis dito. Bilang mamamayan sa lugar na ito, kailangan mong sumunod sa mga nakakataas. 'Yung iba ko ngang kakilala ay iniisip na sana ipinanganak na lang sila sa kanal at namatay nang maaga para hindi na maghihirap habang tumatanda.

Gusto kong balikan ang mga oras na iyon na hindi ko iniisip na nagbibiro lang sila. Dark humor, kumbaga. Kasi ngayon, naniniwala na ako sa mga sinasabi nila.

 Dumating na ang bumbero kaya umalis na ako. Alam ko naman din kung anong mangyayari kaya didiretso na ako sa market. Magpapasukan na kaya kailangan kong bumili ng mga pagkain ko sa dorm. Inaalala ko lang ang mga bilin ng magulang ko bago sila umalis. Ngayong college na ako, kailangang makapag-ipon ng pera sa tuition. Mahal pa naman ang bayaran doon.

"Bakit ang mahal na nitong loaf bread?!" pabulong kong sigaw. Una kong pinuntahan ang bread section dahil alam kong mabubuhay naman ako sa sandwich.

"Nagmahal na raw ang harina eh." May tumabi sa akin na babae na kumuha rin ng loaf bread. Natahimik na lang ako. Mukhang mayaman siya at hindi siya nagdalawang-isip na kumuha kahit mahal.

Napapikit ako at napasandal sa poste. Dahil lang sa loaf bread, napapaisip ako na mabubuhay ka lang dito sa Nodawn kung mayaman ka. Palaging nagmamahal ang mga pagkain. Atsaka hindi ka makakaalis sa lugar na 'to kapag hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan mo ng napakalaking halaga para makuha mo ang documents mo sa White Hall. Kaya marami ring naghihirap dito at tinitiis ang lugar na 'to.

"Living hell," bulong ko at napailing. Nakakailang iling na ba akong araw? Halos araw-araw naman akong ganito kaya hindi ko na mabilang. Imbis na ibaling pa sa iba ang atensyon ko, kumuha na lang ako ng isang loaf bread. Sasabihan ko na lang na magpadala si Dad ng pandagdag para sa baon ko.

Kumuha ako ng canned goods, pati na rin ready-to-eat food. Kailangan kong sanayin ang sarili ko. Ilang buwan na rin namang wala si Mom at Dad sa bahay. Ako na lang mag-isa ngayon at umaasa sa mga padala nila.

Hindi pa rin naman ako puwedeng magtrabaho. Walang tumatanggap ng working students sa lugar na 'to.

Kaya kailangang makapagtapos ng pag-aaral para mabuhay.

Pagkatapos kong bumili, mapapasapo ako ng noo sa presyo ng binili ko. Sarap nga iyakan kung hindi lang weird na iniiyakan ko ang mga pinupunch sa cashier.

Hindi ko lang mapigilang mapaisip tuwing nakikita ko ang daanan ng Nodawn. Kung paano ako mabubuhay kung hindi nakapagtapos sila Mom at Dad. Kung ano ang magiging buhay ko kung hindi sila mga doktor ngayon sa ibang lugar. Feeling ko, kasama ako sa mga nagrarally tuwing Lunes.

Nakarating ako sa bahay namin at pinatuloy na naman ang pag-aayos ng mga gamit ko. After 3 days, ilalagay ko na ata ang mga gamit ko sa dorm. Ang pagkakaalam ko ay bayad na ang advance payment at buong sem ko.

Habang bitbit ang box papuntang sala, napatigil ako nang napadaan ako sa family picture namin na nakapaskil sa dingding namin. May suot sila Mom at Dad na coat habang may nakasabit na stethoscope sa mga leeg nila. Nasa gitna naman nila ako na nakasuot ng uniform ng high school. Sa susunod, magkakaroon ulit kami ng picture na isa na akong nurse.

Hindi ko mapigilang mapangiti tuwing inaalala ang mga sinasabi ko kina Mom at Dad kung anong gusto ko paglaki. Noon, doctor. Sunod, teacher. Pero ngayong college ay Nursing ang kinuha ko sa Nodawn University.

Nakawala ako ng isang buntong-hininga bago sumalpak sa sofa.

Balak ko sanang magpatugtog kaso paghiga ko roon, bigla akong nakatulog. Nagising na lang ulit ako sa tunog ng phone ko.

Pikit-mata akong kumapa-kapa sa paligid ko. Panigurado akong si Mom ang tumatawag dahil simula noong umalis sila rito, palagi na niya akong tinatawagan tuwing gabi.

"Hi Mom," bati ko agad.

["Hi honey. How are you?"] Mukhang nasa office siya pinanood ko siyang magtanggal ng coat at umupo sa upuan.

"Okay lang po. Inaayos ko po ang gamit ko sa school."

I also talked about what happened earlier. Hindi na siya nagulat dahil alam din naman niya ang mga ganap dito sa lugar na 'to.

["That's why I want you to finish college. Susunod ka sa amin dito ng Dad mo. Kahit ayaw kong iwan ka diyan sa lugar na 'yan, wala akong magagawa dahil hindi pa sapat ang sweldo diyan."] Bago pa bumalik ang inis at galit niya sa nangyayari rito, pinakalma ko siya sa ngiti ko.

"Hey Mom. I'm fine here. Mag-iingat ako palagi and magtatapos ng pag-aaral para makaalis dito, okay? Kayo rin po. Mag-iingat kay palagi ni Dad."

Sa totoo lang, natatakot pa rin ako rito. Hangga't nandito pa ako sa Nodawn City, hindi ako mapapanatag mabuhay.

Everything here was a mess. The system, society, justice, governance, and even the atmosphere. Hindi na rin ako magtataka na mataas ang suicidal rates dito.

Mahirap din ang paraan para makaalis dito. You really need to have a huge amount of money to process your papers for migration. Kaya hangga't wala ka pang trabaho, hindi ka talaga makakaalis. Hangga't hindi ka pa nakakapagtapos ng pag-aaral, hindi ka makakaalis.

Wala ring makakarinig sa'yo kung isang hamak na estudyante ka lamang.

Kung hindi mo mababago ang pamamalakad sa lugar na 'to, ikaw mismo ang umalis dito.

GumdropWhere stories live. Discover now