Chapter 2

141 11 19
                                    


Napaaga bigla nang isang araw ang pagpasya kong umalis sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napaaga bigla nang isang araw ang pagpasya kong umalis sa bahay. Gusto ko kasing makapag-ayos agad sa dorm. Naimagine kong pinapanood ako ng roommate ko na inaayos ko ang gamit ko ay napakauncomfortable para sa akin. Kaya mag-uuna na lang ako at siya mismo ang papanoorin kong mag-ayos ng gamit niya.

Nagkasya ang mga damit ko sa dalawang bag. Pinagkasya ko rin ang mga ibang gamit ko sa box na hahawakan ko. Mas mabuti na lang siguro na maaga akong umalis dahil baka mas lalong magkagulo kung marami nang lumilipat sa dorm.

Sa bus papuntang Nodawn University, umupo ako sa pinakadulo. Nilagay ko kasi roon ang mga bag at box ko para mabantayan ko. Kung alam ko lang magmaneho, hindi na ako maghihirap sa pagcocommute eh.

Pinanood ko na lang ang dinadaanan ko. Bukod sa pinapanood ko, iniisip ko na ang mga gagawin ko sa University. Una, kukunin ko na ang susi at aayusin ang gamit ko roon. Siguro, maglalagay na rin ako ng pagkain kinabukasan sa ref. Hihintayin ko na lang ang uniform ko sa administration ng University kasi ang pagkakaalam ko, iaannounce na kung available na ang uniform.

Tapos na ako sa pagpaplano sa buhay ko sa dorm nang saktong tumigil na ang bus sa harapan ng University. Siyempre, naghirap pa ako sa mga dala ko.

"Miss, pakidalian," naiinip na sabi ng driver. Pinakita ko sa kaniya ang palad ko bago pormal na pinakita na nahihirapan ako sa mga dala ko. Kuya, kung attitude ka, mas attitude ako.

Natamaan ko sa tuhod 'yung lalaking natutulog kaya mukhang nagising siya. "Sorry!" napalakas din ang boses ko kaya tuluyan siyang napabangon at napatingin sa paligid. Hindi ko rin siya makilala dahil nakasuot pa siya ng shades.

"Andito na pala," bulong niya at tumayo sa likuran ko. Kaso sorry siya, nahihirapan pa akong bumaba sa bus.

"Miss, marami nang naiinip. Dalian mo na riyan." Binigyan ko ng blangkong mukha 'yung bus driver. Gusto ko sanang sumabog sa inis kaso sumingit na 'yung lalaki sa likuran ko.

"Ako na magdadala sa isang bag mo." Hindi ako naka-hindi dahil kinuha na niya ang isang bag ko. Napadali tuloy ang paglabas ko kaya nakababa ako agad. Dahil nakakahiya sa lalaking tumulong sa akin, lumingon agad ako para kunin ang bag ko.

"Salamat. Ayos na ako rito," sabi ko at kinukuha ang bag kaso mas lalo niyang sinabit sa balikat niya.

"Magdodorm ka ba? Tulungan na lang kita. Papasok din naman ako ng University." Siya na ang nauna sa paglalakad kaya sumunod agad ako. Sa pagmamadali, muntikan akong madapa. Napalingon siya agad sa akin nang napasigaw ako.

Imbis na magsalita, kinuha niya ang box na hawak-hawak ko. "Nako! Okay na! Ako na lang sa box." Pilit kong kinukuha ang hawak niya pero mabilis siyang naglalakad.

"Nakakahiya, kuya!" Halos hinihila ko na ang sleeve ng jacket niya kaso ako ang nahihila.

"Ayos lang sa akin." At mukhang ayos lang talaga sa kaniya. Napakamot ako ng noo. Tinuro ko rin kung saan ang dorm ko. Nauna siya roon habang kumukuha ako ng susi.

GumdropWhere stories live. Discover now