Chapter 43

59 4 2
                                    

If felt like everything ended just like that

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

If felt like everything ended just like that. Nagkahiwa-hiwalay na kami simula pag-uwi namin galing White Hall. It was the worst. Hindi pa kami nag-usap ni Boss pero para sa akin, tapos na. Ang paghiwalay naming lahat ay paghihiwalay din namin. Mas gusto ko na lang siguro maglaho na lang bigla kung babalik lang ako sa pinakauna.

Umuwi ako sa bahay namin. May ipon pa naman ako mula sa mga naging misyon namin kaya may pag-asa pa ako kahit pakiramdam ko ay nasa dulo na ako ng bangin.

Habang nililinis ko ang buong bahay, nagtaka lang ako kung sino ang kumakatok sa bahay namin. Lagpas 4 AM na tapos may bisita agad ako? Matatakot sana ako kaso sa pagsilip ko sa terrace, nakilala ko si Lawron. Agad akong lumabas para pagbuksan siya.

"Hi, Ma.. pasensya ka na. Wala na talagang tao sa bahay at wala rin akong mapuntahan sa ngayon. Hindi ko alam kung kanino ako tuloy dahil sumama na si Lola ko na lumabas ng Nodawn.."

At kaming dalawa na lang ang magkasama. Siya ang natulog sa guestroom namin. Hindi ko nga lang mabuksan ang kwarto ng magulang ko dahil hindi ko kaya. Sa mga naunang araw, tahimik lang kami. Masyado rin kaming wasak sa nangyari.

Ayos lang din sa amin ang distansya namin saglit. Hindi rin naman din nakakailang. Hanggang sa napansin na rin namin na sabay kaming pumapasok. Kailangan na naming magtipid tuwing lunch kaya nagbabaon na lang kami. Tuwing umaga ay nagugulat na lang ako na nagluluto siya para sa umagahan at tanghalian namin na nilalagay sa baunan. One time, sinadya kong gumising nang maaga para ako naman ang magluto kaso nalungkot siya. Buong almusal ay nakanguso lang siya!

Ngayon, nag-uusap-usap na rin kami. Lalo na kung umuuwi ako galing duty, mabuti na lang na hindi ako nag-iisa ngayon.

Nasa terrace kami ngayon habang umiinom ng gatas. Nakatingin kami sa kawalan matapos mag-rant sa mga nangyari ngayong araw. Pinagalitan daw ng Prof ang group nila kaya ako rin ay pinagalitan ang Prof niya kahit wala siya sa harapan ko. Halos pagmumurahin ko pa pero nakonsensya naman agad ako.

"Ma.. okay lang ba na tinatawag kitang Ma? Hindi ko rin natanong sa'yo dati kasi nasanay na rin ako," tanong niya.

Humigop muna ako sa gatas bago sumagot, "Sobra pa sa okay." Mahina akong natawa. "Gusto ko rin magkaanak balang araw kaso mabubusy ako kaya nawala rin sa plano ko lalo na't nagfocus din ako sa pag-aaral. At simula noong nakilala kita, parang nakumpleto rin ang buhay ko dahil naranasan ko rin maging mother figure mo."

Mahina rin siyang tumawa. "Ako nga dapat magpasalamat sa inyo dahil never akong nahomesick. Kahit na namimiss ko si Lola, alam kong masaya at okay din siya dahil may nag-aalaga rin sa akin."

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Marami naman din kaming napag-usapan bago siya natauhan sa kalagitnaan ng gabi. "Hala! May activity pala kami! Sira laptop ko!" napasigaw siya.

"Magkano magpagawa ng laptop?" tanong ko matapos ubusin ang iniinom ko. May tinabi pa naman ako kaya pwede akong magdagdag.

"May ipon pa naman ako, Ma. Kung hindi maayos ng kaklase ko, hindi pwede 'yon!"

GumdropWhere stories live. Discover now