Chapter 12

57 2 2
                                    

"MERRY CHRISTMAS!!"

Napuno ng sigawan namin sa pagbati sa isa't isa ang kwarto. Kasama na namin ngayon iyong walong mga bata. Si Vik ay inaasikaso ang NatNat niya, ang cute nila!

Si Xerxes naman ay kadaldalan ko habang kumakain kami.

"Huh? Ako siyaka si Xyriel?" natatawa niyang tanong.

Tumango naman ako, "Oum! Diba may something kayo?"

Mahina siyang natawa pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Halaaa!

"Sa ilang buwan mo na dito, mastress barbie, naku! Iyan talaga, ah? Joke lang. Pero hindi, ah. Iba ang gusto no'n, babae. Malay mo, ikaw iyon, eh," nakangiwi siya sa huli.

Napakurap ako siyaka napa-isip, "Bakit naman ako? Bawal ako! May asawa na ako at asawa ko lang pipiliin ko parati!" hindi ko sinasadyang malakasan ang boses ko na ikinatawa ni Xerxes.

"Ang loyal naman! Ito ang sana lahat," pilyo pa siyang kumindat. Nang-aasar lang na ikinatawa ko na lang.

Tinapik ko siya sa balikat niya, "Gusto mo turuan kita, Xerxes?" tanong ko.

He giggled-cutely! Parang gusto ko tuloy pisilin ang pisngi niya, "Ang cute mo humagikhik! Ang sarap ibulsa tapos i-keep sa sarili!"

Natawa siya sa sinabi ko na ikinanguso ko, "Hindi ako nagbibiro, ah."

Mas natawa rin siya, "Mana kasi ako kay kuya, kaya parehas kaming cute."

Nanlaki mga mata ko, "May kuya ka? Si hubby, no?"

Napakurap siya, "Hmm, pa'no mo nasabi?"

Ngumiti ako, "Parehas kayong gwapo, oo. Pero si hubby lang cute para sa akin, eh."

Naghiyawan na lang sila bigla na ikinagulat ko. Juice'me namang mga tao ito! Napangiwi na lang ako sa kanila.

"Ang tamis naman talaga ng pag-ibig, oh!"

"Romeo, oh, Romeo!"

"Mag-Juliet na ba ako, syug?"

"Huwag, hindi ka si-!!"

"Kung pangalan lang din ng kapatid ko sasabihin mo, lumayo ka na, ah."

"Ang sama, ah!"

"Ipapatumba kita kay Xylier!"

"Ipapa-take ko iyan ng lesson ni mastress barbie ng how to be loyal!"

"Ay, wala! Olats na pala manok ko."

Lumingon ako sa paligid, "Nasaan si hubby?"

Ngumisi so Xylier at umupo sa tabi ko siyaka uminom ng wine, "Pinapatulog pa ni Master Cloudy iyong baby girl niyo, mastress barbie."

Nagsitawanan sila na ikinanguso ko, "Xerxes, oh!"

Nanlaki ang mga mata ni Xerxes habang nakanguso, "Hala ka, mastress barbie! Hindi ko din alam gagawin."

Natawa na lang ako, "Ang cute talaga ng mga expression mo!"

Natawa na lang siya, "Bida ako diyan, mastress barbie."

Kumindat din ako sa kaniya at kinindatan niya rin ako pabalik na ikinatawa ko.

"Hubby!" tawag ko kay Runo nang makita siyang papalapit na.

Ngumiti siya sa akin, "Wife, what is it, hmm?"

Ngumiti ako ng malawak at sinalubong siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife Where stories live. Discover now