Chapter 3

96 7 0
                                    

“BE MY WIFE.” kaswal niyang sagot sa akin.

HANUUDAAWW?!! Nanlaki ang mga mata ko na tumingin sa kaniya. At halos nanigas na ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Waaahhh!

Mas pinakatitigan ko pa siya at hindi siya nagbibiro! Nanliit ang isa kong mata, “A-Anong b-be my wife? H-Ha? Bakit ako..
Bakit, a-asawa? T-Talaga? Wala bang iba diyang parusa huhu! Baka naman, pwede na ang parusa i-profile ko si Dora kahit na ayaw ko sa kaniya kasi bulag siya tapos dapat may ten tawsands reacts siyaka three hundred tawsands comments.”

Pinakukuskos ko ang dalawa kong paa habang malikot naman ang mga daliri ko habang nakatingin kay Mr. Valeria, he tsked.

“I'm not that easy, Mihaela. Now, go with me, either you want it or not because we're marrying each other.” tuloy-tuloy niyang sabi at bigla na lang tumayo.

Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila kasama niya. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Ngayon ko lang napansin namay nakalagay pala sa labas ng pocket niya.

Para iyong logo, kulay gold at may diamond shape na kulay red sa gitna. Para namang mala-Victoria o Elizabeth iyong frame nito, wow.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hila-hila niya ako. Ang natural kong olandes na may pagkakulot na buhok ay hinangin, ang natural kong asul na mga mata ay tumingin sa kaniya.

Ba't parang siya na ang pinakagwapo kong nakita? Ang kulay malalim na itim niyang buhok na tila may halong kulay kayumanggi at pula ay napakaganda tignan. Gano'n na din ang lila niyang mga mata na hindi ko maiwasang pakititigan.

Ang sinag ng amang araw na kumakalat sa paligid namin na siyang nagpapa-liwanag din sa mga balat namin ay napakagandang tignan.

Para kasi kaming nagmistulang edit, parang iyong mga manipulation edit na nakikita ko sa fb! May mga highlights din kami sa gilid ng balat namin, siguro dahil sa source of light.

Ang nakaka-akit niyang mga mata ay hindi ko na talaga magawnag hindi titigan, nakaka-ano naman iyon. Bakit kaya? Ang weird naman iyong hindi na aalis ang tingin ng isang tao sa isa pa, noh. Ang creepy no'n!

Hinila niya ako hanggang sa makalabas na kami ng kompanya niya, ang mga kaibigan ko naman ay naguguluhan na nakasunod sa amin. Huhuhu!

Bigla ay may itim na van ang tumigil sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko na tumingin sa kaniya, Don't tell me... Ibebenta na niya ang laman namin?! Lalong nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko, waahh!!

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo at binitbit mula sa magkabilaang baywang papasok ng van. Ang mga kaibigan ko naman ay pinasakay sa likuran namin.

Napalunok ako sa kaba, hala! Bigla ay nanubig ang mga mata ko at tumingin sa kaniya na ngayon ay katabi ko. Nasa may bintana ako nakaupo, nangungunot pa rin ang noo niya. Problemado pa rin talaga siya, “Why are looking like that?” inis niyang sita sa akin. Napanguso naman ako, “B-Bakit mo k-kami ibebenta?” pumiyok na ang boses ko, paiyak na din ako. Namumula na din ang ilong ko at pisngi ko.

He tsked and his face crawled up, nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.

“In all of my life, it's my first time encountering such a person like you. The fudge? Pinaglihi ka ba sa sloth o pagong? What makes you think i will sell you and your friends, huh?” mariin niyang tanong sa akin habang sumasabay sa paggalaw ang panga, kilay at mata niya.

Edeh ikaw na mataray! Kumibot-kibot ang labi ko at nanubig ang mga mata na tumingin sa kaniya, “K-Kasi itim van mo. Sabi sa mga balita, sendikato daw ang itim ang van, eh.” sagot ko sa kaniya habang umuurong pagilid, sinisiksik ko ang sarili ko sa pintuan ng van.

Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon