Chapter 2

103 9 21
                                    

TUMATAKBO kami nina Zebbi, Jen at Seles nang harangin kami ng dalawang mama na mga maskulado pero hindi kasing maskulado ni Hulk, napangiwi ako na labas ang mga ngipin at napa-atras kasama ang mga kaibigan ko.

Nakatinginan kaming apat, tumingin kami sa magkakabilaang gilid at siyaka sabay-sabay na nagsitakbuhan sa magkaka-ibang gilid.

Pero mabilis, alisto ang mga mama! Agad nila kaming naharang at talagang sobra pa sa seryoso ang mga mukha nila, “Mga ma'am... Sumama na lang po kayo sa amin para wala na pong away at gulo.” brusko na pakiusap ni kuya mama number one na flat ang tiyan, yung isa kasi may tambol, eh.

Napakamot naman ako sa ulo ko, “Mamang maskulado number one, huwag naman po ganyan, oh! May nga babies pa po ako na gusto i-save sa maldita kong frienny!” pagmamaka-awa ko. Napakamot naman sa ulo si kuyang mama number one at umiling-iling.

“Sumama na lang po kayo, gusto ka daw pong makausap ni Master Valeria.” sabi niya habang seryoso ang mukha at boses.

Gustuhin ko mang magpapadyak sa inis ay hindi ko ginawa, tiles kasi, baka madulas ako. Huhu!

Ano na gagawin ko? Baka kinakalbo na nila ang mga babies ko, i cannot! Lumunok ako ng laway at kamot ulong napanguso, “Please na po? Ililigtas ko pa po sina Baby Barbie at Baby Hello Kitty, eh, huhu!” pagmamaka-awa ko ulit kaymama number one. Si Mama number two na may tambol naman ay nag-tsked siyaka ako binitbit mula sa braso ko.

Gano'n na din ang ginawa ng ilan pang mga mama sa mga kaibigan ko, waahhh! Help! Mama ko! Huhu! Tumili ako at pumalag, “May mga pangarap pa po kami, huwag pu!” sigaw ko matapos tumili at nagsimulang pumalag pa.

Ang lakas naman kasi nila kuyang, eh, talo ako!

Mangingiyak akong nagpa-ubaya na lang, sayang ang strength ko sa kanila.

Hinila nila kami papunta sa iba't ibang kwarto, naku naman, oh! Kamot ulo akong napasimangot ng ma-realize ko na sa kwarto ako ni Mr. Valeria dinala. Huhu! Sana naman nandoon si kuyang me and i na gwapo at mukhang nakaka-kain sa sobrang malaman, halos mangiyak ako sa naisip ko, sana tulungan niya ako!

Tinignan ko ang mukha ni kuyang mama na may tambol number two habang bitbit niya ako sa dalawa kong braso at nasa likod ko siya habang nagpapabigat ako at nakasayad na sa tiles na sahig. Sana hindi kita sa tiles ang suot kong Barbie na short! Baka agawin ito sa akin, eh, mwehehe.

Nakanguso ako habang mas nagpapabigat pa hanggang sa pinasok na nila ako sa kwarto, “Aray naman po, kuyang mama na may tambol number two! Sana man lang itinambol niyo na lang ako sa tiyan niyo para di masakit.” reklamo ko.

Napa-amang naman ang bibig ni kuyang mama na may tambol number two sa akin kaya ini-angat ko ang daliri ko at nag-peace sign sa kaniya, mahirap na noh! Malay ko bang nagta-transform pala siya na Hulk, eh, ako ang talo niyan.

Ganda at creativeness lang naman ang iminagic wand sa akin ni Baby Barbie at Baby Hello Kitty, nakasalumbaba iyong lalaking gwapo kanina sa mesa. Nakatukod ang dalawa niyang siko sa mesa habang magkasiklop ang mga daliri niya at seryoso ang mukha pero hindi niya ako maloloko, alam ko na beki siya at may relasyon sila ni Mr. Valeria kaya siya napapa-upo diyan, eh.

“Get off her.” utos niya pa.

Tumango naman ang mga mamang wala namang laban kay Hulk, “Yes, master.”

Binitawan naman ako ng dalawa at nag-bow muna sila bago umalis. Isa din itong si kuya, eh, naka-all in black outfit din siya. May patay ba sa kanila? Hala! Don't tell me... Patay na si Mr. Valeria?!

Nanlalaki ang mga mata ko, "Hala! Sorry, kuyang gwapo!” sigaw ko sa kaniya at maluha-luhang tumakbo papunta sa kanya at yumakap. Nagtataka naman niya akong tinignan.

Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife Where stories live. Discover now