Chapter 7

62 3 0
                                    

“MASTRESS BARBIE, kakain na daw po.” si Xerxes iyon.

Abala ako sa pagsipat sa hitsura ng pader, “Ha? Ah, o-oo, thank you.” wala na atah ako sa sarili.

Tumayo ako at iniwan ang pader, wala pala akong dala na kahit isang damit ko.

Ano kayang mangyayari sa buhay ko dito? Paano na kaya sina baby barbie at baby hello kitty? Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa labas ng kwarto.

“Mastress, ayus ka lang?” sinipat niya ang noo ko.

“Ah! Ayus lang, medyo may iniisip lang ako.” nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Ano naman po iyon? Mukhang problemado kayo, ah.” nakangiwi nitong turan na ikinangiti ko.

“Hindi naman gano'n kabigat, hehe. Kaya ko na iyon.” sagot ko sa kaniya.

“Gano'n po ba? Eh, baka lang naman kasi makatulong ako, diba?” pangungumbinsi niya pa ma ikinanguso ko at ikina-isip.

Oo nga, ano! Ngumiti ako sa kaniya habang pinagdidikit ang mga daliri ko, “Sabi mo iyan, ah...”

Ngumiti siya sa akin, “Oo naman, Mastress Barbie! Ano ba ang problema niyo?”

“Paano ba kumiss? Eh, kasi, diba? Kasal kami ni hubby pero hindi ako marunong mag-kiss, nakaka-ano lang, eh...” kamot sa sintido kong sagot ko.

Napangiwi siya sa akin, ang kaninang malapad niyang ngiti ay nabitin, “Mastress Barbie?” tawag niya sa akin.

“Bakit?”

“Inosente po ako, bata pa ako.” bigla niyang bawi.

Humaba ang nguso ko pero nang magkatinginan kami ay sabay na lang kami natawa.

“Pero kasi baka mawalan din ako ng kilay kung tuturuan kita, eh... Siyaka...”

Pinakatitigan ko siya, “Ano iyon? Siyaka? Eh, bakit ka naman mawawalan ng kilay? Kilay ba gagamitin sa pag-kiss? Parang hindi naman, ah!” kamot sintido kong pagtataka.

“Hindi mo pa kilala at masyadong alam ang pasikot-sikot dito sa manor, Mastress Barbie.”

Manor? Ano iyon? Ngumuso na lang ako sa kaniya.

Napansin naman niya iyon at tumikhim, “Anong klaseng halik ba ang gusto mong matunanan, Mastress Barbie? Siyaka, hindi naman sa halik mababase ang pagiging mag-asawa niyo, eh.” nakangiti niyang dagdag.

Tumango na lang ako na mahina niyang ikinatawa, “Ah! Alam ko na—!!”

Isang malakas na tunog ng baril ang nagpagulat sa amin ni Xerxes. Nang lumingon kami sa likuran dahil mas malakas ang tunog doon, na para bang doon ito nanggaling.

Nanlaki ang mga mata namin at nakapagyakap sa isa't isa nang wala sa oras.

“Shut your mouth up or else, those eyebrows will gone, i swear, Xerxes. One more word about suggesting how to fucking kiss then you're done.” umiigting pa ang panga niya habang mahigpit ang hawak sa baril na ipinaputok.

Nameywang ako habang nangungunot ang noo at sinugod siya, walang pasabi na nilapitan ko siya at dinampian ng labi ko ang labi niya nang tumingkayad ako, tinuro ko siya.

“Anong klaseng hubby ka, ha?! Sabi ko, ang wifey mo, na huwag ka nang magmumura, diba?!”

He tsked and looked away, nanlaki ang mga mata ko habang marahang pumihit ang ulo ko.

Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga nasa paligid namin. Nilingon ko sila pero nawala na lang bigla ang mga tumatawang boses na iyon kanina.

“Under pala s—!!”

Possesive Gentleman Series #1 : The Mafia Boss's Innocent Wife Where stories live. Discover now