81: Boy's Talk

154K 3.2K 395
                                    


Hindi ko na kaya ang sitwasyon namin ngayon! Nagka-stiff neck na nga ako simula pa kahapon dahil sa kagagawan nila!

AKO: Ano ba talagang pinag-aawayan niyo?

DEANE & KASPER: (No comment)

AKO: Mag-usap na kayo, pwede ba?

DEANE & KASPER: (No comment pa rin)

AKO: Ah ganun? Kapag hindi kayo nagbati, parehong hindi ko na rin kayo bati!

DEANE: Yecats!

KASPER: Stacey!

AKO: Mag-usap kayo!

Saka ako dumistansya sa kanila para bigyan sila ng private space. Kahit na may kalayuan ang pwesto ko at hindi ko naririnig ang usapan nila, nakatitig talaga ako sa kanila para siguruhing mag-uusap na sila ng matino.

Ilang sandali pa, nakita kong unang bumuka ang bibig ni Deane para kausapin na si Kasper. Para akong nanonood ng palabas na naka-mute ang volume. Pero kung pagbabasehan ang mga expression ng mukha nila, halatang may pinatutunguhan na rin ang kanilang pag-uusap.

Mayamaya pa, biglang napasigaw si Deane...

DEANE: Talaga? Kay Ara ka may gusto!

Bigla siyang kinutusan ni Kasper para patahimikin. But this time, tumatawa na si Deane. Umamin na si Kasper na may crush siya kay Ara! Mukhang nahihiya pa nga ito at napakamot na lang sa kanyang ulo. Pero na-broken-hearted kaya si Deane? Kawawa naman.

Muling naging mahinahon ang kanilang pag-uusap. Ngunit 'di rin nagtagal, si Kasper naman ang napasigaw...

KASPER: Talaga? Si—

Hindi natuloy ni Kasper ang sasabihin niya dahil agad namang tinakpan ni Deane ang kanyang bibig. Hindi pa ito nakuntento, sinakal niya ito para patahimikin. Akala ko nga mauuwi na sa patayan ang eksena. Pero nang mapatayo na ako para sana lapitan sila, pareho nila akong sinigawan.

DEANE: Okay lang kami!

KASPER: Stacey—

DEANE: (Dinaganan pa lalo si Kasper) Okay lang kami, promise!

Hindi pala murder scene ito. Rape scene na yata.

Nakita kong humahalakhak naman pala si Kasper na parang inaasar lang si Deane. Nag-OK pa ito. Nag-eenjoy sa sadistang romansa nila?

Muli akong naupo pero sa totoo lang, sobrang curious na ako sa nangyayari sa kanila. Lalo na sa pinag-uusapan nila. At sa wakas, muling silang naging kalmado. Nag-usap pa ng kaunti. Nagbatukan. Nagtawanan. Nag-fist bump. Nag-kiss. Joke lang 'yung kiss! Pero ayos na sila. At paglapit ko...

AKO: Oh ano na? Bati na kayo?

Nakangiting tumango si Deane. Ganun din si Kasper pero mas kakaiba ang ngiti nito na nakatingin sa akin. Pasimple siyang siniko ni Deane pero natawa na lang ito.

AKO: Pwede na kayong mag-kwento? Bakit ba kasi kayo nag-away?

KASPER: Secret! Walang clue!

DEANE: Ang mahalaga, bati na kami. 'Di ba?

At nag-akbayan sila. DeaPer feels pa rin. Kahit medyo naiinis ako dahil ayaw nilang i-share ang boy's talk nila, mas mahalagang nagkaayos na sila. Bilang gantimpala, nilibre ko sila pareho ng potato chips at Jungle juice.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon