Chapter 7

44 19 7
                                    

Chapter 7

ANG SAKIT NG ULO KO! ang kaagad na sumigaw  sa isip ko ng iminuulat ko ang mga mata ko. Fuck! Sobrang sakit ng ulo ko kahit pa na sabihin na high tolerance ako sa alcohol ay kapag tinamaan sa alak talagang manginginig ka sa sakit ng ulo mo.

Pati narin puro hard liquor ang ininom namin kagabi at ilang bote rin yon kaya hindi na nakakapagtaka na masakit ang ulo ko.

Napabangon ako dahil biglang may pumulupot na braso sa baywang ko, kaagad kong tinignan ang katabi ko at agad nawala ang kaba ng makitang si Braxton iyon na mahimbing na natutulog.

Eh?

I enjoy myself at the party that much?

Inalis ko ang braso ni Braxton na nakayakap sa baywang ko pero ganun nalang ang gulat ko ng hinila niya ako pabalik sa kama dahilan ng pagkakahiga ko ulit, nahigit ko ang sariling hininga ng mabilis niyang isinubsob ang muka sa leeg ko.

"Sleep." He mumble while hugging me so tight.

Bumuntong hininga ako bago hawakan ang buhok niya at paglaruan iyon, sobrang sakit ng ulo ko pero hahayaan ko muna siyang matulog dahil mukang inaantok pa talaga siya.

Hindi ko alam kung anong oras na siyang natulog basta ang alam ko nakatulog ako sakanya ng hinilig niya ako sa katawan nito.

Makalipas ang limang minuto ay inalis ko na ang braso niya kaso ang Braxton ay wala yata akong balak pakawalan kaya kinuha ko ang unan na gamit bago iyon ipinalit sakin na kaagad niyakap ng binata kaya napangisi ako.

Success!!

Kaagad akong tumayo pero agad ring natigilan dahil iba na ang suot ko ngayon! Napatingin ako kay Braxton na mahimbing paring natutulog. Pinalitan niya ba ang damit ko?

Malaki ang damit na ito parang naging dress na above the knee, so I bet this t-shirt that I'm wearing is Braxton's shirt.

Oh well I'm thankful that Braxton change's my clothes maarte pa naman ako sa katawan ko, kahit na hindi ako naglinis at least napalitan ang damit ko. Sayang naman ang nightgown na dinala ko hindi rin naman pala magagamit.

Pumunta sa banyo habang nag pupuyod para mag hilamos buti nalang merong extrang toothbrush na itim dito si Brax kaya ayon ang ginamit ko. Ng matapos ay kinuha ko ang key card na nakalagay sa table na maliit sa sala at bumaba.

Bumaba ako sa parking lot at hinanap ang kotse ni Braxton buti nalang talaga at nakita ko kahapon ang plate number niya kaya ayon ang hinanap ko dahil maraming nakaparadang kotse dito na audi rin ang tatak.

Kinuha ko sa back compartment ang paper bag kung saan nakalagay ang damit ko bago bumalik sa taas. Na ligo ako ng saglit bago magpalit ng damit sa kabilang kwarto kung saan ako naligo.

Pagkatapos ay pumunta sa kitchen para magluto ng makakain, gumawa lang ako ng Creamy Chicken Soup na pwedeng partneran ng rice. Gumawa lang rin ako ng hot chocolate para mapagpawisan ako hihi.

Habang kumakain ako ay lumabas si Braxton mula sa kwarto nito na mukang bagong ligo. Ngumiti ako sakanya bago siya ayaing kumain, ngumiti ito sakin bago umupo kaya kaagad ko siyang pinaghain.

"Good morning." Bati nito ng makaupo.

Ngumiti ako sakanya bago bigyan ng hot chocolate din. "Good morning to you too."

Sabay kaming kumain ng tahimik. Bago siya marinig na magsalita.

"Your the one who cook this?"

Tumango ako kaya napatango tango.

"Ay! Anong oras na pala tayong nakauwi rito kagabi? Sorry ah kasi tinamaan kaagad ako sa alak I think I enjoyed myself too much." Paghinhi ko ng paumanhin.

THE UNSPOKEN SOULS: Hachiman Series 1 Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα