"Sige na nga Honeeey."- sabi ko sabay buka ng bibig ko.

"Kyaaaaaaah~ sana ako nalang si Nam. Ang swerte nya."

"Ang landi naman, hindi naman maganda."

"Girl she's so landi, inagaw nya pa ang ating boyfriend."

Yan ang mga naririnig ko pagkatapos kong kainin yung sinubong pagkain ni Evil Gangster. Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng iba.

"Honeeey, say ah!"- sabi ko habang hawak-hawak yung kutsarang punong-puno ng pasta. Hahaha! Ito pala ang gusto nya ha.

Nabigla naman sya ng makita na punong-puno yung kutsarang isusubo ko sa kanya.

"T--teka honeeey, parang ang dami naman ata nyan."- angal nya.

Ngumiti naman ako sa kanya ng sobrang tamis. ^_______^

"Hindi honeey, gusto lang kitang mabusog. Kaya say ah."- bago pa sya maka-angal ulit, isinubo ko kaagad.

^________^

Tumingin naman sya sakin ng masama. Hahaha! Kala nya siguro hindi ako gaganti sa kanya. Mukang nabubulunan naman sya, hahaha! >:).

"Nem!!"- napalingon kaming lahat maliban kay Evil Gangster ng biglang may tumawag kay Nem.

O___________O

Oh! NO!

"Kevin!"- tawag ni Nem.

Napatingin naman agad sakin si Kevin ng makita nya ako. Katabi nya ngayon si Nem.

Napansin siguro ni Evil Gangster na biglang tumahimik ako kaya agad syang nagsalita na ikinagulat ko.

"Jarvis, boyfriend ni Nam bro."- pagpapakilala ni Evil Gangster kay Kevin.

Agad naman akong napatingin sa kanya.

Ano 'bang pinasasabi nito? >____<

"Kevin nga pala, suitor ni Nem. Boyfriend mo sya Nam?"- tanong ni Kevin na parang di makapaniwala.

So nililigawan na pala nya si Nem? 

Eh' ano naman sa kanya kung boyfriend na nga ako?

'Nam, ipakita mo kay Kevin na nakapag-move on kana, na di kana nasasaktan.'- sabi yan ng isip ko.

"Oo, boyfriend ko sya. Diba honeeey?"- sabi ko sabay tingin kay Evil Gangster. Nakita ko naman na parang napangiti sya.

>_________<

"Oo naman, honeey KO."- sabi nya, at talagang inemphasize pa nya yung 'KO'. Bigla nya akong inakbayan.

Aalisin ko sana yung kamay nya sa balikat ko ng biglang bulungan nya ako.

"Subukan mo honeey na alisin yan, mabubuking tayo. Gusto mo ba yun?"- bulong nya sakin sabay kindat.

>_________<

Mukang mas mali ata yung naging desisyon ko na magpanggap. Parang mas lalo akong mahihirapan nito. >3<

Naku! >______<

"Honeeey, I Love You."- nabigla ako biglang nagsalita si Evil Gangster. Bigla syang lumapit sakin.

O________o

oh! No, anong gagawin nya? Huwag mong sabihing hahalikan nya ako?

O__o

"Oh? Bakit parang natatakot ka honeey? Hindi kita hahalikan. Hahaha! Oh? Baka naman gusto mo, madali naman akong kausap honeey. Saka, mag-i-love you too ka honeey para di tayo mabuking."- bulong nya sakin.

O_o

Ang bastos talaga ng Evil Gangster na 'to. Aaaaaarggh. >______< napahiya na naman ako.

Pero kailangan ko ba talaga yun sabihin? Oh? No! Kapag hindi ko naman sinabi yun baka mabuking kami ni Kevin.

Hay! Bahala na nga.

"I love you too... Honeeey."- sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Ang sweet nyo talaga, paano kaya kung mag-double date tayo? Ano sa tingin mo Nam?"- tanong ni Nem sakin na ikinagulat ko.

"Ano? Ibig mong sabihin? Ikaw at si kevin tapos ako at si Evil este si Jarvis double date?"- tanong ko kay Nem.

"Ayaw mo ba nun honeey? Or gusto mo tayong dalawa lang?"

>3<

to be continued...

A/N: Yehey! Nakapag-ud din ako. ^_____^ Thanks sa lahat ng naghintay. Wotwot ^o^ Dedicated to @jinbeans thanks sa paggawa ng book cover para dun sa dalawa kong one shot. Ang cute nung book cover ^o^.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon