Tumayo si Ferachi at pumila para bumili ng pagkain,sumunod naman si KC.Naiwan akong nakaupo.Sumilip ako sa ginagawa ni JM sa laptop.

Mabilis ang pagtipa nito sa keyboard na parang nagmamadali.

Binasa ko ang mga tinype nito.Paulit ulit kong binasa pero parang may mali talaga.

"Parang may mali ka yata." Tumigil ito at bumaling sa'kin.Nakataas ang isang kilay nito.

"Basahin mo ulit,parang mali eh ,"turo ko sa screen ng laptop.

Muli nitong tiningnan ang kopya,pabalik balik ang tingin nito sa laptop at hawak na kopya.
Bumuntong hininga ito at muling inedit ang sinulat.

"Juice ka muna,"nilapag ni Ferachi ang juice sa gilid nito ."Inumin mo para lumamig ulo mo."

Tiningnan nito ang babae bago kinuha ang baso ng juice at ininom."Salamat dito."

Napangisi nalang ako sapagkat kung kailan niya naubos ang juice ay saka pa siya nagpasalamat.

"Sky, sweetie," pagtatawag sa akin ni Ferachi.Yan na naman siya sa 'sweetie'.Inilagay nito ang pinggan na may pagkain sa harap ko."Kumain kana."

Nakaka awkward namang kumain mag isa habang sila ay hindi pa ."Sasabay nalang ako sa inyo."

Biglang isinarado ni JM ang laptop nito at inilagay sa gilid ganun din ang mga papers nito.

"Kumain kana,"Tiningnan nito ang orasan."12:30 na oh."

"Eh kayo?"

"Kakain na tayo Achi,"Pinaupo nito si Ferachi at kinuhanan ng pagkain.Napalunok na lamang ako ng laway ko habang tinitingnan sila.Sobrang nakaka op naman.

Umupo na rin si KC,napapailing na lamang ito sa dalawa.Nagsimula na silang kumain kaya kumain na rin ako.

Hindi ko mapigilang mapatingin sa dalawa,nakakakuha pansin naman talaga.

"Ehemm!"pagkukunwari'y ubo ni KC .

Napatigil naman sila sa ginagawa nila.Ngumingisi naman si KC habang kumakain.Tumingin ito sa akin at nang aasar ang tingin nito .

Nauna akong matapos sa kanila ,nag excuse muna ako bago umalis para magpahangin lang sa labas.

May nakita akong pamilyar na postura ng babae.Nagtama ang mga mata namin,ngumiti ito habang kumakaway sa akin.

Siya itong tumawag sa akin noon.

"Excuse me po,"tinig ng isang bata.Nakaharang pala ako sa daan.Napako ang tingin ko sa batang hawak hawak ng ama ang kamay nito.

Si papa.Sa tagal ng hindi namin pag uusap ay halos hindi ko na siya naalala.Sobrang miss ko na siya,gusto ko na ulit siyang tawagan.

"Miss Hernandez!"

Pagkabaling ko'y isang mahigpit na yakap ang bumungad sa akin.

Naguguluhan akong kumawala sa pagkayakap ng isang babae."Excuse me po?"

"Ikaw si Nevaeh,ang tawag nila sa'yo ay Sky.
Anak ka ni Gerald at Kara Hernandez."

"Pano mo nalaman?"

May kinuha ito sa bag niya.Isang brown envelope.

"Tingnan mo sa loob."Inilahad nito ang envelope sa akin.

Tiningnan ko muna ang mukha nito bago tinanggap ang envelope .Hindi ko alam pero parang may kung anong tumutulak sa'kin na buksan at alamin ang nasa loob nito.

Bago ko pa buksan ay niyaya muna ako nitong umupo kaya sumunod nalang ako.

"Buksan mo na."

Bumungad sa akin ang mga litrato.Larawan ng dalawang bata.Ang isa ay malaki na at parang nasa walong taon na ang edad at ang isa naman ay sanggol pa lamang.

"Bakit mo ito pinapakita sa akin?"Inusisa ko pa ang iba pang larawan.Hindi ako sigurado pero parang si papa ang lalaking nasa larawan at sa kabila naman ay si mama.

"Huwag mong sabihing—

"Oo,kapatid kita,"putol nito sa akin.Lumuluha ang mga mata nito sa kaligayahan habang hinahawakan ang magkabilang pisnge ko.

"A-ate?..Pero wala akong alam na may kapatid pa ako."

"Mahabang kuwento ,Sky."Hinawakan nito ang kamay ko."Babawi ako sa'yo.Babawi si ate."

Niyakap ako nito ng mahigpit,hindi ko alam pero ginantihan ko ang pagkayakap nito.Hindi man ako sigurado ay kampante ang loob ko sa kaniya.Lukso ng dugo ba ang tawag dito?

"Akala ko kung saan kana—ate Ava?"nagtatakang tanong ng lalaki ng makita ang kayakap ko."Ate,"galak na saad nito at niyakap ang babae.

"Thank you sa pagsama sa kapatid ko."

"Kapatid?"

"Oo,magkapatid kami ni Sky,"Tumingin ito sa akin ,idinikit niya ang mukha sa mukha ko."Hindi ba magkamukha?"nakangiti nitong sabi.

"Magkapareho,"mabilis namang sagot ng lalaki.

Sa unang tingin ay hindi naman magkapareho ang mukha namin ngunit kapag tinutukan mo ay maypagkahawig nga.

Posibleng kapatid ko nga ito.

"Im Ava Hernandez,kilala mo na ako pero hindi bilang kapatid ni Sky,"bahagya itong tumawa at tumingin sa akin."I'm your ate,will you accept me,"sabay lahad ng kaniyang kamay.

Sabi nila,pag may umaalis,may dumadating.Heto na siguro iyon.Ano man ang rason kung bakit ngayon lang siya,alam kong may rason kung bakit muli itong bumalik at nagpakilala sa akin.

"Im Nevaeh Hernandez."Tinanggap ko ang pagkakamay nito."Ngayong dumating ka na,wag mo akong  iwan gaya ng ginawa nila ha."

Yakap ang tugon nito.

"Ate."

"Babawi si ate.Pangako."

STORY ABOUT YOU AND MEWhere stories live. Discover now