Nang biglang nag popped out ang 3 messages from Delvin.

(Delvin; I ordered pizza. Want some?)

(Delvin; Are you sleeping already?)

(Delvin; I missed your bebenka!😭)

Napangiti ako sa huling message nito with crying emoji pa talaga.

That reminds me, mahigit isang buwan na din pala akong hindi nakagawa ng bibingka.

All of a sudden i felt sad when it reminds me of Lola Belen. Siya naman kasi talaga ang nagturo sa akin paano gumawa ng bibingka.

Kakaiba ang recipe na itinuro sa akin ng lola Belen at tanging siya lang ang may imbento noon na ipinasa naman niya sa akin.

Magta-type na sana ako para magreply kay Delvin pero nagdadalawang-isip pa ako.

"Rereplayan ko ba siya?"Napakagat ako sa aking daliri at napapaisip.

*Blurrp*

Napahawak ako sa aking tyan dahil sa tunog nito. Patunay na nagrereklamo na ang mga dragon sa tyan ko.

I'm hungry.

Titiisin ko pa sana iyon pero talagang nagugutom na ako. Kaya nagreply nalang ako kay Delvin para malaman kung gising paba siya or tulog na.

"May natira paba?"

Ilang minuto ako naghintay sa reply niya pero wala parin. Hanggang sa naisipan kong lumabas na sa room para maghanap ng makain sa kusina.

Sana lang talaga tulog na siya.

Saad ng isa kong diwa. Kaya dahan-dahan akong naglakad para hindi ako makagawa ng ingay.

Nakapaa nalang ako para siguradong wala akong malikhang ingay.

Daig ko pa ang magnanakaw sa sarili kong bahay. Sobrang dilim ng sala pero kinapa-kapa ko bawat madaanan ko.

Hanggang sa nakarating na ako sa kusina. Pero panay lingon parin ako sa likod ko at nakikiramdam sa paligid.

I open the refrigerator to find something to eat and then i saw a box of pizza.

I took it out without hesitation and open it right away. Mainit-init pa iyon, mukang bagong lagay lang sa ref.

Agad akong dumampot ng isang piraso deretso subo pero panay parin ang pakikiramdam ko sa paligid at nagbabaka-sakaling biglang lumitaw si Delvin.

Mahirap na, nakakahiya pag naabutan niya ako sa ganong situation.

Nakaubos ako ng tatlong piraso at sa sobrang pagmamadali kong kumain ay muntik pa akong mabilaukan.

"You'll tell him yourself. Something so important should be said in person."

Nataranta ako ng marinig ang boses ni Delvin kaya dali-dali kong ibinalik sa loob ng  box ang pizza.

Naramdaman kong papasok na sa kusina si Delvin kaya wala akong choice kundi pumailalim sa kitchen countertop.

Humalukipkip ako at tinakpan ang sariling bibig para di makagawa ng tunog or ingay.

Nanlaki ang mga mata ko ng buksan nito ang ilaw kaya mas lalo kong isiniksik ang sarili sa ilalim ng countertop.

Halos nasa harapan ko na siya at tanging binti at paa nito ang nakikita ko.

Parang may kinuha siya sa loob ng ref at pagkatapos ay pinatay na nito ang ilaw habang patuloy parin sa pakikipag-usap sa selpon nito.

"Oh. I'm good. I'm not interested. Forget i asked."

(R-18)A TASTE OF BEBENGKAWhere stories live. Discover now