"Doon kayo nag . . . you know? GTKEA?" usisa pa rin ni Cheesedog.

Nagkapalitan ng tingin sina Aki at Carmiline. "Sa Sydney, right?" sabay pa nilang tanong sa isa't isa at natawa na lang.

Nagsisikuhan na sina Connor at Damaris dahil may masama talaga silang pakay pero ipinauubaya na lang nila kay Cheesedog ang lahat.

"Sydney?" tanong ni Cheesedog. "How come na from France naging Sydney? World Tour ba siya, Kuya Aki?"

"We had a project. It was an adaptation of an original comic book. From comic book, gagawin siyang animated series. Carmi was one of the showrunners and specialists of the show. Yeah, doon nag-start," paliwanag ni Aki.

"Ano yung mga nagustuhan mo kay Ate Chamee, Kuya?" sunod na tanong ni Cheesedog.

"Carlisle," saway ni Eugene.

"Sshh!" saway rin sa kanya ni Divine. "Ikaw, kontrabida ka." Hinarap niya si Cheesedog at sumenyas na magpatuloy ito sa pag-i-interview para makasagap din siya ng tsismis.

Kumindat lang si Cheesedog kay Divine at nginitian si Aki. "Ano yung answer mo, Kuya?"

Natatawa na lang tuloy sa kanila si Aki na nakakaramdam na rin sa ginagawa nila pero nakikisakay na lang.

"Passionate si Carmiline sa work niya. Sobrang dedicated niya sa craft niya. She wanted her own studio, and she told me her dreams about building it someday, so I told her na, we can do that. You don't have to wait nang sobrang tagal for that to happen. I . . ." Napangiti na lang si Aki habang nagkukuwento. "I supported her because I know, kaya niyang i-materialize ang dream niya any time with proper tools and right people for the right job."

"Wow . . ." Si Divine lang ang nag-iisang pumalakpak sa kuwento ni Aki na seryosong bumilib sa sinabi nito.

Samantalang tahimik naman ang iba nilang kasama dahil isa ang hindi pagsuporta ni Eugene sa plano ni Carmiline sa sinisisi nilang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Tandang-tanda pa nila kung gaano kadalas mag-away ang dalawa dahil gusto na ngang umalis ni Carmiline sa Pilipinas habang iba naman ang opinyon doon ni Eugene.

"Ako, I agree with you, Aki," bilang sabad ni Divine. 'Siguro, sa perspective ko lang na, yes, you can do it alone, but you can't do it for a very long time nang mag-isa ka lang. Kailangan at kailangan mo talaga ng support, especially mula doon sa mga taong naniniwala na kaya mo talagang gawin yung bagay na 'yon. Iba kasi ang nagagawa ng moral support."

"Yes, that's true," pagsang-ayon ni Aki.

"So, itong passion mo ang reason kaya ka nag-abroad, Carmiline?" tanong ni Divine.

"Yeah," simpleng sagot nito kay Divine. "I just didn't see myself growing here sa Philippines kaya nag-risk ako abroad." Pasimple pa siyang sumulyap kay Eugene na nasa bandang likuran lang nila.

"I think, good decision 'yon," mabilis na pagsang-ayon ni Divine. "Kasi sobrang underpaid and underrated ng animators dito sa bansa. Parang kahit gustuhin mo mang maging pioneer para doon sa field na 'yon, hindi mataas ang chance na maging successful ang risk. I mean, like you guys, I don't see your studio na magiging successful dito sa country sa ngayon kasi wala pang enough support from the public or enough respect sa craft compared sa ibang bansa. Opinion ko lang naman 'yan."

"I will agree with you," sagot sa kanya ni Carmiline.

"Good choice din ang pag-risk sa abroad. It was worth the risk," dugtong ni Divine. "Kasi, if you don't see yourself growing here, go beyond your comfort zone. Alis ka agad! Don't trap yourself sa lugar na puro limitations kasi sayang ang opportunities na puwede mo sanang ma-grab. Kudos sa pag-pursue ng dream mo. Deserve ninyong dalawa ang success."

Ten Times WorseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora