C1

18 2 0
                                    

Mahigit isang buan na ang lumipas mula noong namatay ang ika 23rd Hari ng Hiraya. Kaya't naghahanda ang lahat para sa pagmamana ng trono.

Sa Isang Silid kung saan abalang sinusuri ng bagong Hari ang mga papeles na kailangang aprobahan ay dali daling kumatok ang mayordomo para maghatid ng balita para sa Hari. Hatid nito ang impormasyon ng anim na mga dalaga na pagpipilian para maging Reyna niya..

"Pasok" saad ni Haring Lukas Habang walang pagbabago sa kanyang ekspresyon at tuloy parin sa pagbabasa ng mga papeles.

Agad agad namang pumasok Si Juan para Maghatid ng balita.

"Magandang Umaga Kamahalan, Nasakin na po ang impormasyon ng anim na babae. Lahat po ng kailangan ay naihanda ko na pati ang kanilang matutuluyan, Darating Sila sa palasyo sa susunod na buan." Napahinto naman si Lukas saka ito napatingin sa kay Juan.

"Kasama ba siya?" tanong nito

Dalidali namang yumuko si Juan at ngumiti. "Wag kang magalala Hari, Kasama po siya"

"Makakalis kana" habang tinaas nito ang kanyang kamay at nagpatuloy sa pagaasikaso ng mga papeles. Saka naman umalis si Juan.

Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi ang kababata niyang si Ayrie na matagal na niyang nakakasalamuha at ang kanyang pipiliin para maging reyna.

Hindi talaga gusto ni Lukas ang ideya ng pagpipili ng Reyna, para sa kanya ito ay isang walang kwentang bagay na mauuwi lang sa gulo katulad ng nangyari sa kanyang magulang. Ang dating Hari at Reyna. Sa labas man ay nakikita na maayos silang dalawa pero sila na mga anak ay alam kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng palasyo.

Ang dating Hari at Reyna ay may tatlong anak. Ang panganay na si Principe Riyan na ngayon ay 30 anyos na at may asawa't anak na kaya hindi na siya pwede para sa trono. Ang pangalawa na si Principe Silo na 26 anyon at may asawa't anak na rin. At ang bunso na ngayon ay Si Haring Lukas, 23 anyos at wala pang asawa.

Alalang alala parin ni Lukas ang bawat gabing iniyak ng Inay niya dahil sa Iba't ibang babaeng dinadala sa palasyo ng tatay niya. Kaya para sa kanya walang kwenta ang panandaliang emosyon na mararamdaman mo sa taong bago mo lang nakilala mas mabuti pang bumuo ng damdamin sa katagalan kung saan masisiguro mong maayos at tatagal ang inyong pagsasama.

Kaya wala talagang plano si Lukas sa pagpipili na yan. Simula palang ay alam na niya kung sino ang magiging Reyna, walang iba kundi ang kababata niyang si Ayrie. Kaya wilang bahala na ni Lukas ang limang babae at wala din siyang plano para maghalubilo sa ibang babae. Gagawing niya lang ang tungkulin bilang hari at iyon lang yon, walang halong emosyon at damdamin.

LUMIPAS ang isang buan at oras na para bumyahe sa palasyo. Sa Mansyon ng Magindara.

Nakaupo si Sera sa dressing table habang nakatingin sa salamin. Malalim nitong tinititigan ang sariling mata habang nilalaro ang kulot na buhok. Dahan dahan nitong ibinaling ang mata sa liham na nasa mesa. Ito ay ang liham kung saan iniimbitahan siyang pumuta sa palasyo.

Dahan dahan naman itinaas ni Sera ang liham na may halong ngiti sa mata. Hindi niya akalain na mapapasama siya sa pagpipilian, Iba talaga ang nagagawa ng pera, sigurado siyang may kung anong koneksyon nanaman na ginamit ang pamilya niya.

Dibali na ito ang gusto ng pamilya niya wala siyang magagawa kundi sundin ito, wala namang masama sa paghahangad ng mataas. Kung pagpipiliin ka sa tinapay o karne ay karne parin ang pipiliin mo diba?

Tinignan niya ulit ang sarili sa salami at lumabas na ng kwarto, sa labas ay nakita niyang naghihitay ang dalawa niyang kapatid at ang magulang niya. Dalidali siyang nilapitan ng nanay niya at niyakap na may halong pagaalala sa mukha.

SERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon