Kabanata 28

132 12 0
                                    

Kabanata 28

"I'm happy for you," matabang na wika ni Hudson, labas sa ilong ang sinabi kay Echarri.

Nasa labas ng bar ang dalawa upang ayusin ang hindi nila pagkakaunawaan mga nakaraang araw.

Samantalang 'yong iba ay nagkakasayahan sa loob kasama ang magkaibigan na Rosie at Fran. Ang gabi na pag amin naman nila sa mga kaibigan.

"Alam ko bitter ka pa rin kaso advice lang naman, dude. Iba na lang gustuhin mo, h'wag si Rosie. Wala akong balak na bitawan siya."

Nagsukatan ng tingin ang dalawa hanggang si Hudson na ang sumuko. "I know when to stop, don't worry." At saka sinipa nito ang binti ni Echarri. "We're old enough to apologize to each other, dude. Let's just go back to normal and go back in," he sheepishly walked back in.

Napailing na lamang si Echarri at sumunod din sa loob. Kilala niya si Hudson: hindi mahilig sa words of affirmation ang kaibigan, action speaks louder than words ang forte nito.

Naabutan nila sa loob si Axel na kumukuha ng litrato gamit ang sariling cellphone. "Oh, guys! Bati na ba kayo sa wakas?" hiyaw niya't tinutok sa mga bagong dating ang camera.

Umamba ng suntok si Hudson kaya naman muntik pa mahulog ang cellphone ni Axel. Umamba rin ng suntok si Axel habang tumatakbo papunta sa harap ni Zayn.

"Tingnan mo si Hudson, nasaktan lang natuto nang manakit," aniya kay Zayn na abala sa paggawa ng mixed alcoholic drinks.

Sinusukat ni Zayn ang lemonade na kaniyang hinahalo sa vodka upang makagawa ng anim na highball glass spiked lemonade. Tutok ang kaniyang mga mata roon maski pag-garnish ng lemon slices sa ibabaw.

Tinaas ni Zayn ang isang baso at inalok sa nasa kaniyang harapan. Ngunit kakatwa dahil ang inaakala niyang si Axel ay naging si Fran.

"Disappointed much?" ani Fran nang mapansin ang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha ni Zayn. "Ito lang ang bakanteng upuan dahil napalayas ako sa tabi ni Rosie," paliwanag niyang nakaturo ang daliri sa hindi mapaghiwalay na lovebirds.

Nang hindi sumagot si Zayn ay nag desisyon na lamang si Fran na umalis ng haven room ni Zayn at mamalagi sa bar.

Paglabas niya ay punuan din ang bawat table maliban sa nag iisang seat sa corner. Umorder muna siya ng kaniyang usual Guinness drink at saka binitbit iyon hanggang marating ang sulok.

"Sakto. I'm one lonely girl in this happy place," kausap niya sa sarili, bagay na bagay nga yata sa kaniya ang loner seat na kinaroroonan dahil kasalukuyan siyang loner.

Nangalumbaba siya at malayo ang tingin sa labas. Sobrang saya naman niya kanina para sa kaibigan dahil napasakanya ang pangarap na lalaki.

Ngunit nang makita niya si Zayn ay nag iba ang kaniyang mood. Naguluhan siya. Sa tagal ng pag-iisip kung kaya niyang makipag-kompromiso ay gulong-gulo pa rin talaga siya.

"Bakit ka nag-iisa rito?"

Straight siyang babae kaya straight na lalaki rin ang hanap niya. Nakahanap nga siya ng lalaki na nagustuhan niya ngunit hindi pala straight.

Kung siguro hindi na lamang umamin si Zayn sa kaniya ay baka nililigawan na niya ang half-half na binata.

"Fran? Hey!"

Marahan na yugyog ang nagpabalik sa kaniya sa kabihasnan. Pagbaling niya sa harap ay naroon nakaupo ang leading man sa kaniyang isipan.

Sumimsim muna siya sa laman ng hawak na baso bago pansinin si Zayn.

"Bakit mo 'ko sinundan dito?" payak niyang tanong.

"Try this." Pinagpalit ni Zayn ang kanilang mga baso. "It's a spiked lemonade." Inubos nito ang laman ng baso ni Fran upang hindi na makahindi ang dalaga.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now