Kabanata 12

135 18 3
                                    

Kabanata 12

Maghapon nang lumilibot sa bawat store sa loob ng Avanzado Mall main branch si Echarri kasama si Rosie.

Kada turo ng amo, siya rin take notes ni Rosie.

Ang mga store owners naman ay panay ang ayos sa kanilang produkto dahil minamata ni Echarri ang lahat ng bagay sa loob. Makita lang nito ang hindi nakaayos na damit ay kaniya nang sisitahin.

"The store we visited just now... tell the owner to reassemble their items, it was so disorganized. Who in his right mind would want to buy something so expensive?" he commented.

Isang clothing brand ang tinutukoy nito. Sa lahat ng clothing line sa loob ay iyon lang ang natatanging nasa unahan ang pinakamahal na item. Kumpara sa iba na nag-ooffer ng 'buy 1 get 1' promo.

Numero uno iyon sa mababa ang sales kaya gano'n na lang matain ni Echarri. Talaga namang walang bibili ro'n kung mahal na presyo kaagad ang makikita ng customers pagpasok pa lang ng store.

Sunod itong huminto sa isang shoes store at umiling. Ni hindi na inabala ang sarili na pumasok sa loob. "That one sells outdated shoes," puna nito.

"Pagsasabihan ko rin po—"

"Nah. Don't bother."

Tumango si Rosie hanggang mapadpad sila sa isang fragrance boutique. Akala niya ay lalampasan lang nila iyon ngunit dumiretso sa loob ang kaniyang amo.

Agad na nilapitan sila ng sales associate na naroon. "Good morning, Sir. Good morning, Ma'am. Are you looking for a particular perfume? Maybe I can help you out with that." Nakangiting wika ng magandang sales associate.

Binigyan din iyon ni Rosie ng malawak na ngiti. "It's okay, don't mind us. We are just looking around," aniya.

Nilayuan nga sila ng associate pagkasabi niya no'n. Si Echarri ay abala sa pagtingin ng iba't-ibang pabango. He smells some of them. Pinagtataka lang ni Rosie kung bakit nasa woman's perfume ito nagtitingin.

"Do we have any more fragrance boutique here other than this store?" tanong ni Echarri.

Tiningnan ni Rosie ang listahan at binanggit ang ilan pang boutique na nasa loob ng mall. "Ano'ng pabango po ba ang hanap n'yo, Sir?" usisa ni Rosie. Maaari naman niya iyon hanapin online at i-add to cart para sa amo.

Walang sagot si Echarri sa tanong na iyon ni Rosie. Paano naman siya sasagot kung wala itong ideya sa pangalan ng pabango. He could only tell it had fruity and seductive smell.

"Let's go," aya nito.

Sinundan na lamang ni Rosie ang bawat lakad ni Echarri. Binisita bawat store na kaniyang nabanggit ngunit walang nabiling pabango ni isa ang kaniyang amo.

Bagkus ay tinuro lang ang huli nilang pinuntahan. "Their staffs doesn't know how to sales talk." Naiiling nitong puna.

Marahil nakaramdam ng pagod si Echarri nang magpasya ito na bumalik muna sa opisina. Habang nasa byahe ay paminsan na sinusulyapan ni Rosie ang nakapikit na amo.

Pansin niya ang kunot sa noo nito. Siguro ay nastress ito sa dami ng reklamo sa stores na pinuntahan nila ngayong araw.

Kaya imbes na kape, malamig na orange juice ang hinanda nito pagdating nila sa opisina. Iniwan lang niya iyon sa mesa ng amo na kasalukuyang may kausap sa telepono.

Nang magbalik siya sa cubicle, bahagya siyang sumilip sa area ni Fran. Wala ang kaibigan doon, malamang nasa career fair iyon bilang isa sa interviewer.

"Rosie..."

Gulat siyang napatayo nang bigla siyang tawagin ng kaniyang amo. "Yes, Sir?" sagot nito.

Sinusuot ni Echarri ang kaniyang light khaki zip up jacket na lumapit kay Rosie. "I'm not sure if I can go back in the office, but you may go home whenever," anito.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now