Kabanata 20 (spg)

185 18 0
                                    

Kabanata 20

"Alam mo bang memoryado ko na ang magiging tanong ko sa 'yo?" tanong ni Echarri habang minamaneho ang kotse pauwi sa kaniyang bahay.

Kasama nito si Rosie na bahagyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Pilit ng binatang h'wag muna pauwiin ang dalaga dahil baka sugurin siya ni Monica lalo't walking timebomb sa ngayon ang anak ng Mayor.

"Sasagutin ko lahat ng tanong mo." Mahigpit na humawak sa libreng kamay ni Echarri si Rosie.

Hinalikan ni Echarri ang kamay na hawak bago magsalita. "Why did you give yourself to me, Rosie? "Your pureness doesn't deserve a watermelon like me," he asked away.

"Watermelon?" Nagulumihanan na tanong ng dalaga.

Huminto ang sasakyan dahil sa traffic kaya naman mayroon pagkakataon si Echarri upang harapin si Rosie.

"The guys call me an ambulating watermelon. You know how green the outside of a pakwan is?" he asked which earned a nod from Rosie. "Once you cut it in half, you'll see how red its inside, right? It's how they describe me."

Hindi man sadya ay napabungisngis ang dalaga. Bagay na bagay nga iyon para sa kaniyang amo.

"So bakit nga? Bakit mo sinuko sa akin ang bataan? What did I do to deserve that?" usisa nito na dahilan ng pamumula ng pisngi ni Rosie.

Yumuko ang dalaga, "gusto kasi kita matagal na," sagot nito nang mahina.

"Ano? Can you say it louder? What's the reason again?" ulit na tanong ng binata maski huling-huli naman niya ang sagot.

"Sabi ko crush kita simula pa lang." Malakas at determinadong sagot ni Rosie.

Dahilan 'yon ng ngisi ni Echarri. "Matagal ka na palang may pagnanasa sa akin. Um... I salute your bravery that night, but what pushed you to do that? Did you get jealous or couldn't resist my charm or both?"

Ang katotohanan sa likod ng gabing 'yon ay babaunin ng dalaga sa hukay.

Sapat nang nahanap siya ni Echarri. Kung malalaman niya pati ang tungkol sa perang binigay ni Fran ay malaking problema 'yon.

"You provoked me by repeatedly asking me to book a hotel room for you, Mr. Avanzado. Puno na ang salop no'n kaya mayroong nangyari na wala naman dapat sa plano."

Echarri chuckles, "Pardon me for I didn't know your feelings for me before," he said.

"Kung pakwan ka, ako naman masokista." Nakaturo sa sarili na pahayag nitong nagpatawa kay Echarri bago paandarin ulit ang sasakyan.

PAGDATING nila sa bahay ng binata ay daglian nitong binigyan ng damit ang dalaga. "I don't have clothes your size." May pagkamot pa sa ulo na imporma sa dalaga.

"Malaki na 'to sa akin, top and bottom as one," ani Rosie sinusukat ang long sleeves ng binata.

Pinagbuksan siya ni Echarri ng banyo kaya siya niyang pasok sa loob. Half-bath lang ang ginawa ng dalaga kaya mabilis itong natapos sa pagligo.

Nang maisuot niya ang damit ni Echarri ay nagmukha siyang musmos na bata sa sobrang luwang no'n sa kaniyang katawan. She buttoned the chest part because if not, her bosoms might show up.

Iniwan nitong nakatali ang buhok bago lumabas sa banyo at sumilip sa may pintuan. Likod ni Echarri ang nasilayan niya sa kitchen counter. He's currently pouring wine into 2 tall glasses.

May hiya na nilapitan siya ng dalaga. "Um... do I look okay?" tanong na nagpalingon kay Echarri.

He checks her out. Rosie looks sexually attractive in his eyes, pasalamat ang dalaga 'pagkat kaya pa na pigilan ni Echarri ang sarili dahil kung hindi ay baka sinunggaban na niya si Rosie.

The Scent of You [Under Revision]Kde žijí příběhy. Začni objevovat