Kabanata 13

140 17 3
                                    

Kabanata 13

"Rosie, kakain kami ni Zayn sa labas. Baka gusto n'yong sumama ni Frances?"

Fran was about to nod and get up, unfortunately Rosie refused. Matinding simangot tuloy ang sumilay sa mukha ni Fran at may kasamang dabog ang pagbalik ng upo.

"Are you guys sure?" May paniniguro na tanong ng kanilang amo. "Alright, then," aniya nang makatanggap ng tango no'ng dalawa.

Pag-alis ni Echarri ay siyang lapit ni Fran sa kaibigan. "Until when ka ba na mabubugnot ha, Rosas? Para naman makapag-alarm ako. Pakapangit mo kasi kabonding tatlong araw na."

"Hindi ko naman bitbit ang kaldero. 'Tsaka nariyan lang sa taas ang cafeteria kapag nagugutom ka."

Makapigil-hininga kung pigilan ni Fran ang pag-ikot ng mata sa narinig. 3 days pa lang ang bugnot ni Rosie pero sa palagay ni Fran ay sampung puting buhok na ang naipon niya dahil sa kaibigan.

"Kung kay Sir Charri ka naiinis, bakit pati ako damay? Akala ko ba we're all in this together? Naglilihim ka na sa akin, Rosas. Nagbago ka na," pagdadrama ni Fran.

Huminto sa ginagawa si Rosie upang bigyang atensyon ang kaibigan. "Hindi sa gano'n. Naiinis lang din ako sa sarili ko dahil hindi ko alam lumugar..." himutok niya.

Pumasok sa loob ng cubicle si Fran, hinawakan ang kamay ni Rosie at pinaupo sa swivel chair. Siya'y dumantay sa mesa.

"All ears ako. Ano ba kasi ang problema?"

Napalitan ng lungkot ang kaninang matapang na mukha ni Rosie. "I'm starting to get jealous, Fran. Nasasaktan na 'ko kapag mayroon siyang kasamang iba. I was getting attached with Sir Echarri... ano'ng gagawin ko?" She was tearing up as Fran rubbed her hand.

"Rosie, you like him from the beginning, so it's hard not to feel that way. You don't have to blame yourself for anything."

"Pero Fran, alam kong dumistansya dati. Alam ko 'yong limitasyon ng pagkagusto ko sa kaniya. Alam ko 'yong linya na hindi ko dapat tawirin..."

Fran heaved a sigh of concern for her friend. "I think I owe you an apology, Rosas. For telling you to go for it.
For the sulsol stuff I said to you," she said.

"Kasalanan ko naman kasi nagpasulsol ako. It's just that... sobrang hirap pigilan ng nararamdaman ko lalo kapag nakikita ko siya."

Fran pulls Rosie to give her a tight hug. Sa gano'ng sitwasyon, alam niyang kailangan lang ng kaibigan ang makikinig sa mga sentimyento nito. She doesn't need to speak up or give advice or anything.

"It's okay, you're good. It's okay." Paulit-ulit nitong hinahaplos ang likod ni Rosie. "It's okay..."

Mula no'n ay hindi na hinayaan ni Fran na magkasama nang sila lang sina Rosie at Echarri. Nakabuntot iyon palagi saan man sila magpunta. Pinapalusot na nais lang niyang makita kung paano magtrabaho ang employee's ng Avanzado Mall.

Ultimo sa sasakyan ay pinaghiwalay ni Fran ang dalawa. Si Fran imbes na si Rosie ang katabi ng amo sa passenger's seat.

Hindi man halata ngunit pinapatay ni Fran sa irap ang katabing amo. Kulang na lang ilibing niya ito nang buhay.

"Wala po kayong lakad, Sir?" Out of nowhere niyang tanong, pati si Rosie napasulyap sa likod. "Hinay hinay lang po baka habulin kayo ni konsensya," pabulong na dagdag nito.

"I'm sorry, Fran, say that again?" Takang tanong ng amo.

Peke itong tumawa at sadyang hinampas nang malakas ang kaliwang braso ni Echarri. Lahat ay lumingon dahil sa tunog no'n. "Ay halaaa... sorry, Sir, medyo napalakas!" sarkastiko niyang wika.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now