Kabanata 15

148 19 4
                                    

Kabanata 15

Kauumpisa lang ng Lunes ngunit hilatang naabutan ni Robby ang kaniyang ate. Maski ang kusina ay nagkalat ang mga can ng beer.

Kamot ulo nitong dinampot iyon upang ilagay sa supot ng basura. "Lumuwas lang yata ako para maglinis dito," bulong niyang reklamo.

Babad si Robby sa social media kaya naman alam nito ang nangyayari sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng kapatid. At bilang mabait na bunso ng pamilya Estabillo, iintindihin na muna niya ang kaniyang ate Rosie sa ngayon.

Tumawag siya sa kanilang Nanay upang magpaturo kung paano magluto ng arroz caldo para sa broken hearted niyang kapatid. Hindi naman ito pinanganak kahapon para hindi mapansin na may pagtingin ang kaniyang ate sa amo.

Basta nakinig lang ito sa step-by-step na tinuturo ng ina. Nang maluto ay pinatay na nito ang kalan. Inayos din nito sa refrigerator ang lutong ulam maliban sa Chicken Adobo na nais niyang iabot sa kaniyang Kuya Charri.

Nalingon nito ang pinto nang bigla iyon bumukas. Kung 'di lang nito kaagad nakilala si Fran ay baka bumunot na siya ng kutsilyo.

"Hoy Robby? Ikaw ba 'yan?!" Mulagat ang mata ni Fran pagkakita sa kapatid ni Rosie. "Tunay nga ang glow up! Akalain mong may igo-glow ka pa pala?" biro pa nito at humalakhak nang nakakaloko.

Isa sa pinagsisisihan ni Robby ay ang minsan nitong pagkagusto kay Fran. Natunghayan ni Fran ang pagiging jejemon at uhuging teenager ni Robby kaya hiyang-hiya ito kapag nagkikita sila ng dating crush.

It was an 8-year age difference, so it's only right that Fran treats him as her younger brother, aware of Robby's feelings for her. Rosie and Robby are undeniably sibs by blood... both have an unrequited crush.

"Parang kailan lang dinadalhan mo ako ng isang piraso na rosas kada Valentines. Ngayon lutong ulam na!" dagdag pang asar ni Fran.

Malakas na sinarado ni Robby ang pinto ng ref. "Lutong ulam para kay Ate Rosie."

Lumapit si Fran kay Robby na tila pikon sa presensya niya. She ruffles the hair of Robby like she does when he was younger.

She jokingly strangles Robby's neck with her arms. "Binibiro lang kita! Pikon ka naman kaagad." She even pinches his cheek. "Nasa kwarto ba Ate mo? Masermonan nga't walang pasabi kung umabsent." Bumitiw siya at diretsong pumasok sa kwarto ni Rosie.

Pigil hininga si Robby hanggang maiwan siya mag isa sa kusina. "Nagpakahirap ako na kalimutan ka tapos iisang iglapin mo lang ako? Malapit na akong maging piloto, hindi na 'ko uhuging bata. Ate Fran naman..." Kakamot-kamot nitong kausap sa nakalayo nang si Fran.

While Fran crosses arms looking intently at Rosie who's as messy as her room. Buntong-hininga nitong kinuha ang isang unan upang ihampas sa kaibigan.

Hugot nito ang buong lakas hanggang sa pagdapo ng unan sa likod ni Rosie. "Power punch!" hiyaw nito. "Gisiiiing Rosas!!" Sa tili niyang 'yon, aywan na lang kung hindi pa magising ang kaibigan.

She started counting to 10. No avail... "ah talaga ba, Rosas? P'wes, you are leaving me with no choice!" Pumunta sa paanan ni Rosie si Fran, inalis ang kumot sa mga paa ni Rosie at walang preno nitong kinikiliti ang talampakan ng paa ng tulog na kaibigan.

Nasisiyahan siya sa ginagawa hanggang tuluyang bumangon ang kaibigan. Kaso ay kilabot ang naramdaman nito pagkakita sa mukha ni Rosie. Her face is very swollen...

"TF? Napaaga yata itsura natin for halloween, friend? Sabog tayo today, ah!" kantyaw niya.

Akmang babalik si Rosie sa paghiga kaso mas mabilis ang kamay ni Fran na hatakin ang kumot na bumabalot sa katawan niyon.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now