Kabanata 17

145 18 3
                                    

Kabanata 17

Hudson Buencamino is one consistent guy. Tanggihan man palagi ni Rosie ang alok niyang kumain sa labas ay parang wala lamang sa kaniya.

"Let's eat out."

Hayagan ulit nitong aya sa dalaga sa harapan pa ni Echarri, sa mismong loob ng silid ng huli.

Pinasadahan siya ng tingin ni Rosie. "Nasa trabaho po ako—"

"Papayag ka kapag inaya kita after work?" Nabuhayan ng loob si Hudson, pumapalakpak pati ang dalawang tainga.

Nakaw tingin kung lumingon si Rosie sa pwesto ng kaniyang amo at kumagat-labi na tiningnan si Hudson. Asking her in the presence of her boss pressures her.

Especially that there's a tendency for her to say yes just to make Echarri jealous, although she doubts it will happen.

"Busy po ako," sagot niya at humakbang para lampasan si Hudson na bigla na lang kumapit sa laylayan ng kaniyang uniform na parang bata.

"Go out with me for once. I'll be good to you. Huh? I don't just ask anybody. I'm serious." Halintulad ang itsura niya sa kawawang tuta.

"What an eyesore," bulong ni Echarri habang pinanonood ang kalandian ng kaniyang kaibigan na ngayon lang niya natunghayan sa tanang pagkakaibigan nila.

Naintindihan na niya ngayon kung bakit madalas dumalaw ang kaibigan sa opisina gayong wala 'yon kusa noon kung hindi pa pipilitin ni Zayn.

He knows that Hudson is being sincere. Dapat nga ay matuwa siya dahil sa wakas luma-lovelife ang kaibigan kaso naiirita lamang siya.

Rason kung bakit kaniyang dinampot ang stress ball at pinuntirya ang likod ni Hudson. "Stop disturbing her, dummy." S'werte ni Hudson at malambot na bola ang nahawakan ni Echarri.

Nakakuha ng pagkakataon si Rosie na layasan ang dalawa. Huminga nang malalim pagdating nito sa kaniyang cubicle.

Pahapyaw pa na tumingin sa bintana ng silid ni Echarri at nasilayan pa kung paano lusubin ni Hudson ang kaniyang amo.

"Stop disturbing Rosie," ulit ni Echarri na tumayo na mula sa kaniyang swivel chair bago pa man siya mahawakan ni Hudson. "Walang balak 'yong tao na patulan ka, bud," dagdag pa.

Kumunot ang noo nitong hinintuturo si Echarri. "Have you ever heard me say those words to you when you were dating women, plural 'yon, bro para dama mo. I don't think so since I always support you. Why can't you do the same for me? Maliban kung pareho natin siyang gusto, maiintindahan ko pa." Hudson rested his hands on his hips.

If others could see them, they might think the two men were fighting. Though they're only talking, confrontational beings.

"That's my secretary, man."

"You are being territorial. Pakiramdam ko binabakuran mo, e."

"Of course not. Nagmumukha ka lang tanga kakapilit mo sa kaniya. 'Di mo naisip na kaya ka tinatanggihan kasi may iba na siyang gusto?"

Sa loob-loob ni Echarri ay mayabang siyang sa kaniya may gusto ang babaeng gusto ni Hudson.

"Don't worry about me, Echarri. May pag asa ako hanggang wala pa siyang singsing na suot sa daliri." Tinapik ni Hudson ang balikat ng kaibigan.

Iba yata dahil nagpanting ang tainga ni Echarri at umigting pa ang kaniyang panga. Bagay na kataka-taka sa binata.

Nagpatuloy si Hudson sa pangungulit kay Rosie. Kaya isang araw habang kumakain sila ng kaibigan na si Fran sa cafeteria ay diniretsa siya nito.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now