nine

19 0 0
                                    

  “Can we talk?” I begged for it. “Can I have you even just a moment?”

“Para saan pa? Wala na tayo, Jhanna. Kaya pakiusap ‘wag mo na kaming guluhin,” walang pakundangan niyang saad.

Wala na pala? Bakit hindi ko alam? Sabihin mo ang dahilan kung bakit mo ginagawa sa akin ito? Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko ginawa.

“Kahit ngayon lang, Liam. Makinig ka naman sa akin, please.” Bigla akong namiyok dahil alam kong maiiyak na naman ako.

Inalis ko ang luhang dumaloy sa aking mukha. Hindi siya umimik kaya pinagpatuloy ko ang gusto kong sasabihin sa kaniya.

“Pakinggan mo muna ang sasabihin ko. Gusto ko lang malaman mo na–”
   
   Kaya ko itong sabihin dahil ito na lang ang tamang oras na malaman niya ang totoo.

You need to be strong for your baby, Jhanna.

“Buntis ako at ikaw ang ama–” natigilan ako ulit nang bigla siyang sumabat.

“How come? Walang nangyari sa atin, kaya ’wag mong ipaako sa akin ang responsibilidad ng batang iyan. Hindi natin alam baka nakipag–” hindi niya naituloy ang nais niyang sabihin. Kahit ako ay nabigla sa nangyari. Biglang sinuntok ni Bryle si Liam sa mukha nito.

“Wala kang karapatang saktan siya sa pamamagitan ng masasakit na salita tungkol sa kaniya. Dahil ikaw mismo kilala mo si Jhanna. Hindi siya ganoong babae!” nanggagalaiting singhal ni Bryle habang nakayukom ang kamao.

“Talaga ba? Kung hindi siya ganoong babae bakit ibinigay–” natigilan siya ulit.

“Hon, why did you do that?” nagtatakang tanong sa kaniya ng babae.

“You lied to me. Sabi mo ako lang pero ano ito? Nakabuntis ka, Hon, buntis rin ako.” umiiyak na sambit ng fiancé ni Liam.

“What have you done? I hate you!” muling sambit ng babae bago naglakad palayo.

Napalingon ako kay Liam nang magsalita.

“Masaya ka na? Wala na tayo, Jhanna. Matagal na pero pilit mo pa ring pinagsisikan ang sarili mo sa akin. Hindi mo ba maintindihan. Hindi kita mahal at kailanman hindi kita minahal!”

Isang lagapak mula sa kamay ko ang dumapo sa mukha niya. I slapped him, he deserved it.

“Kaya pala hindi ka na nagparamdam dahil wala na pala? Ang husay mo naman palang magpaikot ng isang tao na ang tanging ginagawa lang ay magmalimos kahit kaunting oras mo lang. Naibigay mo nga yung kaunting oras na hinihingi ko pero hindi ko nakuha ang atensyon mo!”

   “Ano iyon, Liam, magic? Well, isa ka nga naman talagang salamangkero. Nauto mo na naman ako at nagwagi ka na naman na maloko ako kahit alam kong talo na ako,” tinulak ko siya dahil sa galit na nararamdaman ko.

“I’m sorry!” sarkastikong sambit niya pa.

“Will you stop saying that words if you don’t mean it!” sigaw ko.

Alam kong marami nang nakaririnig sa amin, ramdam ko ang mga titig nila.

“Lagi mo na lang akong sinasaktan at niloloko, Liam. Lagi mo na lang ginugulo ang buhay ko, ang daya-daya mo” nanghihinang usal ko.

I can’t take this anymore.

“Choice mo rin naman ’yon,” sabi niya na ikinagulat ko.

Sinuntok na naman siya ni Bryle. Hindi ito nakailag.

“Stop it, Bryle!” kita ko kung paano niya naiyukom ang kaniyang kamao.

“Stop? Ano? Hahayaan mo na naman ang gagong ito na harapan-harapan kang niloloko? Gumising ka, Jhanna. Huwag mong pairalin ang katangahan mo,” lumapat sa mukha niya ang palad ko. Sinampal ko siya.

“Wala kang karapatang pagsabihan ako nang ganiyan. Huwag ka nalang makisali, puwede ba?”

Napangisi siya at pagak na tuwa.

“Okay fine. I’m sorry for what I did. Pasensiya na kung gusto lang kitang ipagtanggol. Pasensiya na kung pakialamero ako. Simula ngayon hindi na ako makikialam sa ’yo. Pero ito ang tatandaan mo...”huminto siya at dinuro si Liam.

“Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kaniya dahil nararapat lang ’yon sa isang katulad. Hindi pa nga sapat yung ginawa ko sa kaniya sa pananakit niya sa taong mahal ko,” pagkatapos niyon ay mabilis siyang naglakad palayo.

“Bryle!”

“Jhanna, I’m sorry!” Hinawakan niya ako kaya sinampal ko siya ulit.

“Para ’yan sa pananakit at panloloko mo sa akin” At sinampal ko pa siya.

“At iyan para ilayo ako kay Bryle. Sa totoong nagmamahal sa akin,” seryoso kong sambit. “At sa taong mahal ko,” gulat siyang napatingin sa akin.

“Alam ko na ikaw ang nagpapadala ng pangbabanta sa akin. Dahil alam ko rin na may gusto ang kapatid mo kay Bryle,” napayuko siya dahil nalaman ko na ang lihim niya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

“Alam mo, galit na galit ako sa ’yo. Pero kahit ganoon ang ginawa mo sa mga mabubuting ginawa ko, ayaw kong maghiganti. Dahil hindi tama iyon, Liam.”

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago lumapit sa kaniya.

“Hindi pa huli ang lahat, Liam.” Niyakap ko siya. Yakap sa huling pagkakataon at sa huling sandali. “Itama mo ang dapat itama. Salamat sa lahat.”

“May oras ka pa para habulin siya. Ayusin mo ang gusot na ito para sa inyong dalawa. Mahalin mo siya pati ang magiging anak ninyo,” nakangiti ngunit naluluhang saad ko at tinapik ang kaniyang likuran.

Biglang nabuhayan ang mukha ni Liam. Hindi niya siguro akalain na ganito ang mangyayari. Pareho lang kaming naging biktima. Kaya pinapalaya ko na siya para makabalik na siya sa taong mahal niya at sa taong totoong nagmamahal sa kaniya.

“Thank you!” huling sinambit ni Liam at naglakad na palayo.

Maging maayos sana ang lahat sa pagitan nila.

Nakangiti kong pinagmasdan ang lalaking minsan kong pinaglaanan ng oras at pinagod ang sariling makuha ko ulit pero tama na siguro iyong nagawa ko. Kahit nagkunwari akong mahal ko rin siya noon, naging totoo iyon dahil sa mga ipinapakita niya. Minsan ng naging parte siya ng buhay ko, na akala ko ay siya na ang makakasama ko sa pagtanda. Na akala ko ay maibaling ko na ang pagmamahal ko sa kaniya.

Una pa lang alam kong hindi na tama ang naging desisyon ko. Hinayaan ko ang sariling magpadala sa pagsubok na siyang dahilan kung bakit nawala ang taong mahal ko.

Subalit ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko ay magsisilbing aral sa akin. Na dapat hindi ka sumusuko sa lahat ng bagay na alam mong kaya mong malampasan. Lahat ng mga pagsubok sa buhay na ibinibigay sa atin ay may malalim na dahilan. Nangyayari lang ito para masubukan ka kung gaano katatag ang pananampalataya mo sa kaniya. Dahil darating ang isang araw na iiwan ka ng lahat hanggang sa ikaw na lang mag-isa ang lumalaban.

Kaya nagpapasalamat ako kay Liam dahil kahit na masama ang naging intensyon niya ay hindi ako hinayaan ng Diyos para maghiganti. Marami akong natutunan sa kabila ng mga naranasan ko. At alam kong kaya ko na kahit tambakan man ako ng mga pagsubok dahil alam kong nandiyan lang Siya palagi.

Kung ito na talaga ang kapalaran ko ay tanggap ko na. Nawala na sa akin ang lahat. Pati ang taong mahal ko.

The Discretion of FateWhere stories live. Discover now