one

42 1 0
                                    


"IT'S been a while..." I sighed as I stared at him.

"Kumusta ka na?" He asked while wearing his sweetest smile.

Kumusta na nga ba ako? How long have I been trying to forget this man in front of me? How many times do I have to suffer from multiple pains? Now, he's asking me like there's nothing happened between us.  Like he almost forgot what damage he had done?

Hindi ko nga alam kung bakit pa nakipagkita ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing lumalapit na siya nakalilimutan ko na ang mga ginawa niya. Hindi ko alam dahil kahit napakatagal na panahon nang wala na kami, mahal ko pa rin siya.

Mahal ko pa rin ang taong nanloko at nagpamukha sa katangahan ko. Mahal ko pa rin siya kahit na paulit-ulit na niya akong niloloko tapos ako, paulit-ulit lang din na bumabalik sa kaniya. Ano bang mayroon ang taong ito, bakit ang hirap kalimutan?

Namuo ang luha sa magkabilang mata ko nang maalala ko na naman ang lahat ng nangyari sa akin lalo na sa relasiyon namin. Nawala na naman ang galit ko dahil narinig ko na naman ang boses niya.

Mabilis kong naiyuko ang mukha ko para maitago ang luhang bigla na lang pumatak. Pinalis ko iyon bago siya hinarap.

"As long as you're here with me, ayos lang ako." Turan ko na siyang ikinatango niya.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Unti-unting napalitan ng malapad na ngiti ang iginawad niya sa akin.

He held my hand as if he was missing me without seeing each other for almost several months. I missed him, too.

Maayos na ulit kami. Lagi na lang ganito ang eksena namin. Pero hindi ako napapagod. Mahal ko kasi siya na para bang hindi ko kayang mawala siya. Iisipin ko pa lang na may kasama na siyang iba parang dinudurog na ang puso ko. Sobrang sakit nga noong malaman kong pagod na siyang ipagpatuloy ang aming relasiyon. Nang mga panahong sumuko na siya, pero ang mahalaga bumalik siya sa akin. Siya lang ang kasiyahan ko, ang tunay na nagpapaligaya sa buhay ko.

Ano'ng klaseng tao ba ako kung maikukumpara? Martir o baka sadyang tanga lang? Kasi alam ko naman na mali itong ginagawa ko pero tanggap pa rin ako nang tanggap sa kaniya. Hindi ko man lang naiisip ang sarili kong nararamdaman. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at tinanggap ko na naman siya sa ilang ulit niyang panloloko sa akin. Hindi na ako nadadala, katangahan pa rin ang siyang inuuna. Hindi ko kasi siya matiis. Ako lang ang siyang nakakaalam na mahal na mahal ko ang taong ito.

NAKATUNGANGA lang ako at nakatingin sa kawalan. Mahigit isang oras na ako rito sa Coffee Shop. Pagkatapos ng trabaho ko bilang isang barista dito rin mismo sa kinaroroonan koy nag-text sa akin si Liam, ang aking nobyo. Sabi niya hintayin ko siya rito dahil may pupuntahan kaming okasyon. Kaarawan ng kaibigan niya at gusto niyang samahan ko siya. Kahit pagod na ako sa trabaho ay hindi na ako nagdalawang isip na tumanggi.

Minsan na nga lang kaming magkasama kasi minsan lang din siyang magyaya. Kaya sumama na lang ako dahil matagal na ring hindi ako nakakainom.

Basta gusto ko lang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Gusto kong ipahinga ang isip ko sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraan. Kahit saglit lang maramdaman ko naman ang kaginhawaan sa estado ng puso ko. Sa paraang iyon ay makahinga man lang ako kahit pansamantala.

Inaantok na ako kaya sana ay dumating na siya. Naagaw lang ang atensiyon ko nang makaamoy ng kape. Napatuwid ako ng upo at napatingin sa harapan. Nakangiti ito sa akin nang may pag-aalinlangan. Hawak niya ang kape na umuusok pa sa init.

Napakamot siya sa ulo niya. "Gusto ko lang sanang ibigay sa'yo ito kasi parang inaantok ka na riyan sa kahihintay sa kaniya." Aniya at wari ko ay nahihiya pa siya. "Sana makatulong na magising ka nito."

Kung hindi ko lang katrabaho ang isang ito iisipin kong may kahulugan ang huli niyang sinabi.

Napangiti ako dahil hindi pa rin siya nagbabago. Kahit sinabihan ko na siyang huwag mahiya sa akin. Nahihiya pa rin siya. Hindi naman siya ganito sa ibang babae rito. Hindi siya ganito dati. Well, people change ika nga nila.

"Nag-abala ka pa. Maupo ka muna, Bryle. Tutal tapos naman na ang shift mo, samahan mo muna ako rito," suhestiyon ko. Malawak ang ngiting naipaskil niya bago umupo sa tapat ko.

Gusto ko siyang makausap. Para naman makakuwentuhan ko pa siya at makilala pa nang husto. Medyo malihim kasi ang taong ito pero magaan naman ang loob ko sa kaniya.

Umabot ng kalahating oras ang paghihintay ko kay Liam pero hindi pa rin siya dumarating. Ano kayang plano ng taong iyon?

Mabuti na lang nandito si Bryle at nakakalimutan ko ang inis ko. Tawang-tawa ako sa kaniya habang kinukuwento niya ang karanasan niya noong bata siya. Hawak-hawak ko ang aking tiyan nang biglang dumating si Liam.

"Mukhang masaya ka, a. Nakaka-isturbo ba ako sa inyo?" Makahulugang saad niya. Kahit pa ngumiti siya alam kong pinapahiwatig ang ngiting iyon.

Natahimik ako pati si Bryle hindi na nakapag salita. Napatingin ako kay Bryle nang bigla siyang tumayo. Kita ko sa mga mata niya ang pakiramdam na may ipinapahiwatig.

"Jhanna, mauna na ako sa'yo," paalam sa akin ni Bryle at mabilis na umalis.

Nagulat ako nang hinatak ako ni Liam patayo at biglang niyakap. Naramdaman kong nanginginig ang balikat niya kaya alam ko na umiiyak siya.

Hindi ako nagsalita pero hinahagod ko lang ang likod niya. Pakiramdam ko kasi may kasalanan ako kahit hindi ko alam kung ano.

"I’m sorry."

Humigpit ang yakap niya sa akin at mga ilang sandali lang ay kumalas na siya. Hinarap ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luhang nakakalat doon.

Masakit makitang umiiyak siya nang dahil sa akin.

"Ayos na ako, babe. Pasensya ka na kung napakababaw kong tao. Hindi ko lang kasi kayang..." suminghot muna siya bago nagpatuloy, "hindi ko kayang nakikita kang masaya sa ibang lalaki." Saad niya at naglakad palayo.

Hinabol ko si Liam at naabutan ko sa labas na sinusuntok ang pader at tinatadyakan ang gulong ng kotse niya. Mabilis ko siyang hinila.

"Tama na yan. Kahit naman tumatawa ako sa iba hindi ibig sabihin no'n masaya na ako."

Tinignan ko siya sa mata at hinalikan siya sa labi. Kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong sakit at lungkot.

"Mahal kita ’yan ang tandaan mo."

Hindi na kami nagtagal doon at tuluyan na naming nilisan ang lugar na iyon. May oras pa raw at makakaabot pa kami sa birthday ng kaibigan niya. Hawak niya ako sa kamay habang nasa biyahe kami. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ito iyong mga bagay na namimiss ko. Sana hindi na ito mawawala.

MABILIS kaming nakarating sa venue at sinalubong nila kami. Masaya sila dahil nagkabalikan na kami ni Liam. Botong-boto kasi sila sa amin. Simula pa lang noong kolehiyo pa kami. Hanggang ngayon gusto nilang kami pa rin. Tatlong taon na kami ni Liam, weve been in a relationship when were both fourth year college. Pero kahit ganon hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kasi mabuti pa sila tanggap nila ako para kay Liam pero ang magulang niya, hindi. Wala naman akong ginawang masama para ayawan at hindi nila magustuhan. Pero hindi dahilan iyon na magiging hadlang sila sa pagmamahal ko sa kaniya. Sa pagmamahalan namin ni Liam.


"Sana last na to, Liam. Huwag mo nang saktan ulit si Jhanna dahil kung hindi..." pabitin na sabi ni Jason at ngumisi pa siya para asarin si Liam.

"Kung hindi ano? Itong kamao ko gusto mong lunukin?"

Mabilis talaga mapikon ang taong ito. Pero never pa naman siyang nagalit sa akin. Nagtawanan sila at hindi na sila nagsalita. After that, nagsimula na kaming mag-inuman. Ang saya lang dahil pansamantala kong nakakalimutan ang mga problema ko sa buhay. Sana magtagal pa ito. Iyong nakikita kong tumatawa ang taong mahal ko sa aking tabi. Iyong nasasaksihan ko ang bawat kilos niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Liam at bigla siyang hinalikan sa labi. Nagtawanan na lang kami pagkatapos ng aking ginawa. Kaya kong gawin iyon sa harapan ng ibang tao. Kaya kong ipagsigawan na itong taong ito ang minamahal ko.

The Discretion of FateDär berättelser lever. Upptäck nu