six

16 0 0
                                    

Nagulat ako sa ginawa ni Bryle.

Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabog nang malakas ang puso ko. Hindi ako nakagalaw sa aking puwesto. Hindi ako makatingin sa kaniya.

Hindi ito maaari. Kasinungalingan. Kataksilan. Iyon ang mga salitang nasa isip ko. Biglang pumasok sa isip ko si Liam.
        
Humiwalay na siya sa akin pagkatapos niya akong halikan sa labi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Totoo nga ang hinala ko.

Sumandal ako at napahawak sa dibdib ko, "Ba-bakit mo ginawa 'yon?" mahinang sabi ko habang nakatingin sa labas.
       
Pinakiramdaman ko siya. He seems confused, hinilamos pa niya ang mga kamay sa kaniyang mukha.
       
“I’m sorry, Jhan. Hindi ko lang–”
       
“Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Bryle. Bakit mo ginawa ’yon?” napasigaw na ako sa kaniya. “Sagutin mo ako!”
       
“Because, I like you, Jhanna. Matagal na akong may gusto sa 'yo. Alam kong alam mo iyon dati pa. Simula pa lang noong first day of work natin, humahanga na ako sa ’yo. At dahil nakikilala na kita nang husto mas lalo kitang hinahangaan, mas lalo pa kitang minamahal...” malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Jhanna, I’m falling for you... I’m falling for you, again. I still love you, ikaw pa rin,” pagkasambit niya ng mga salitang iyon dumapo sa mukha niya ang palad ko.
       
“Kaya ba ginagawa mo ang lahat ng ito dahil diyan? Alam mong may boyfriend ako, Bryle. Ayaw kong mag-isip ng masama pero ikaw na rin ang nagbibigay ng dahilan para isipin kong gusto mong maghiwalay kami ni Liam,” asik ko sa kaniya.
       
Nagulat siya sa sinabi ko.

Nakita ko kung gaano siya nasasaktan. Pero hindi tama itong ginagawa niya. Mali ang mga ito
       
Napabuntong-hininga na lamang ako. “You know that I love him, Bryle. At kahit na paulit-ulit niya akong sasaktan. I will still love him. I will always accept him. At kahit na maghiwalay kami...” napatitig ako sa luhaan niyang mga mata, kaya ko itong sabihin, “hinding-hindi kita mamahalin dahil ang pagmamahal, hindi dinadaan sa masasamang balak katulad ng ginagawa mo, Bryle. Alam mo kung ano ang tunay na pagmamahal? Pinaghihirapan iyon kahit nasasaktan ka na. Ang tunay pagmamahal hindi hinihingi, pinaparamdam iyon. At ang totoong pagmamahal marunong maghintay.”

Akma na sana akong lalabas ng kotse niya pero may sinabi pa siya.
       
“Hindi ko naman hininihingi ang pagmamahal mo, Jhan. Hinihiling ko iyon. At handa akong maghintay. Maghihintay ako kahit na umabot pa ito ng pang habang buhay... Maghihintay ako hindi dahil pinangako ko... Maghihintay ako dahil mahal kita at wala ng magbabago... Maghihintay ako kasi alam kong iyon ang tama at wala ka nang magagawa roon... Maghihintay ako kasi nararamdaman kong babalik ka... Kahit 'di ko alam kung sa akin ba o sa kaniya..”
        
“Tandaan mo ito, hindi ako mapapagod at maghihintay ako. Hihintayin kita hanggang sa hindi ko na kaya. Hanggang sa huli kong paghinga. Hindi ako susuko sa iyo kahit itulak mo pa ako palayo.”
       
Agad niyang inalis ang mga luhang bumagsak mula sa mga mata niya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganiyan nang dahil ulit sa akin.
       
Bryle is my boy best friend before. Until we confessed to each others feelings. Nagtagal kami ng dalawang taon. Nagkahiwalay lang kami noong pumasok sa buhay ko si Liam. Naghiwalay naman kami ni Bryle nang maayos noon at akala ko naka-move-on na siya. Kaya hinayaan ko siyang makipagkaibigan sa akin. Sabi ko sa kaniya na, let’s stay as friends. Let’s start where used to be as best friends. Akala ko nauunawaan niya iyon pero hindi.


Habang nanginginig ang mga balikat ko dulot ng paghagulgol dahil naaalala ko na naman ang mga pangyayari noon na kahit ano pa ang ginawa kong paglimot sa kaniya, hindi ko pa rin magawa.
        
Paano ba naman madaling kalimutan ang relasiyon na limang taon kong iningatan at pinahalagahan?
        
Sino ba naman ang makakalimot sa taong nagpabago sa buhay kong puno ng pagkukulang?
        
Siya na naging dahilan kung bakit nabuo ako ulit at siya na bigla na lang pumasok sa buhay ko ngunit bigla ring naglaho.
        
Masakit. Sobrang sakit. Dahil ngayon wala man lang akong masasandalan sa mga oras na gusto ko ng karamay dahil lugmok na lugmok na ako.
        
At ang tangi ko na lang magagawa ay balikan ang mga alaala naming dalawa na sana...
        
Hindi ko na lang siya nakilala.
        
“Ayos ka lang ba?”
        
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi alintana ang mga luhang patuloy pa rin sa pagbagsak. Napatingin ako sa nakalahad nitong kamay na mayroong puting panyo.
        
Hindi ko sinagot ang lalaking mapangahas na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Kinuha ko na lang ang nakalahad na panyo nito.
        
Maaaring naramdaman nito kung gaano kamiserable ang hitsura ko ngayon.
        
“Magiging maayos din ang lahat. Magiging buo ka rin ulit. Dahil hindi Niya ipararanas ito sa ’yo kung hindi mo kaya.”
         
Pikit matang akong napatingala sa kalangitan.

Napabuntong-hininga ako at unti-unting minulat ang mga mata. Nais ko na sanang magpasalamat dito ngunit pagtingin ko sa kaniya nawala na ito.
        
Mapait akong natawa sa sarili.
        
“Lahat na lang madaling naglalaho. Lahat na lang biglang nawawala.”
        
Napapailing na lamang ako at napatayo. Dinadama ang hanging humahambalos sa aking katawan at napatingin sa mga nagkikislapang bituin.
         
Ayaw ko nang umiyak pero hindi ko mapigilan.
         
“Kung puwede lang magkunwaring hindi ako nasasaktan, matagal na kitang kinalimutan. Kaso kahit magkunwari ako, ganoon pa rin ang nararamdaman ko.”

Kinabukasan naghanap ako ng trabaho at dinala ako ng mga paa ko sa isang coffee shop. Hindi para mag-apply kung hindi para um-order ng kape.
        
Sasabihin ko na sana ang order ko nang mapahinto ako sa gulat. I saw him, the guy last night. He was shocked too when he found out na ginagamit ko pa rin ang binigay niyang panyo. Gusto kong lamunin ng lupa dahil bigla akong nahiya sa nagawa ko.

The Discretion of FateWhere stories live. Discover now