seven

18 0 0
                                    

Kinabukasan bigla akong napabalikwas nang bangon dahil sa pagtunog nang paulit-ulit ang cell phone ko. Kaagad ko itong kinuha sa tabi at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pero laking pagkadismaya ko nang alarm lang pala ito

I sighed as I close my eyes. I thought it was him who called but it is just an alarm that I set to ring for this day.

Napabuntong-hininga na naman ako. Hindi pa rin pala siya nagpaparamdam.

Why are you doing this to me, Liam? Why did you always feel me like this? Palagi mo na lang akong sinasaktan. Do you still love me? Kasi ako, mahal na mahal pa rin kita. Namimiss na kita nang sobra.

Napasubsob na lang ako sa unan ko at doon ibinuhos ang lahat ng aking hinaing, iyak lang ako nang iyak. Mga ilang araw na rin pero hindi man lang siya nagparamdam. Kahit pag-text man lang kung nasaan siya para mapanatag ang loob ko, wala pa rin. Laging na lang nauuwi sa ganito ang lahat ng pagsasakripisyo ko. Lagi na lang akong nasasaktan sa tuwing pinipili ko siya. Lagi na lang akong luhaan kapag nagmamahal ako. This is too unfair kahit na ako ang pumili nito.

Ilang minuto pa akong napatunganga bago bumangon at naligo sa banyo. Pagkatapos maligo ay agad na akong nagbihis at nag-impake para sa tatlong araw na bakasyon namin sa Palawan.
Nagdala na rin ako ng iba pang kakailangainin ko roon. Nang natapos ko na siyang pagkasyahin sa malaki kong bag ay isinarado ko agad ito. Itinabi ko muna ito malapit sa table kaya napansin ko ang puting papel na nakatupi roon. Binasa ko ang nakasulat.

“Good morning, Jhanna. Don’t be late. ‘Wag kang mag-alala, mahal ka no’n. See you!”

Penmanship ito ni Bryle. Who wouldn’t know about it? May nilagay pa siyang nakangiting emoji na may heart na mata. Napailing na lang ako habang nakangiti. Wala talaga siyang pinagbago.

Maaga pala siyang nagising. Kaya pala nawala na lang siya paggising ko. Ite-text ko na lang siya mamaya.

Mamayang hapon pa naman ang biyahe namin. Iisang sasakyan lang din ang sasakyan namin. Maliban na lang papuntang airport. Syempre, magco-commute kami. Pero sa coffee shop pa rin kami magkikita-kita.

Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan mula sa cell phone ko. Its already 2:55 pm. At exactly 3:00 pm, gagayak na ako. May 5 minutes pa naman ako para makapagsuot ng damit. Bumaba na agad ako at nagpaalam na kina mama at papa.

Pagkalabas ko ay nag-abang agad ako ng taxi. Hindi naman ako nahirapan dahil hindi nagtagal, nakasakay na ako. Hindi rin naman malayo ang coffee shop mula rito sa amin.

Malapit na ako sa coffee shop at natatanaw ko na ang iba sa kanila. Parang ako na lang ang hinihintay. Huminto ang taxi sa tapat ng mga kasama ni Bryle. Pagkatapos kong magbayad sa taxi driver ay lumabas na agad ako. Mabigat ang dala kong bag kaya nahihirapan na rin ako.

“Let me help you.” Agad niyang hinila ang bag ko na walang kahirap-hirap. Hindi na rin ako nakatanggi.

Nauna siyang naglakad kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi pa kami nakakalapit sa mga kasamahan namin ay napahinto na kami ni Bryle.

Magkasabay pa silang kumanta, “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig–” panunukso pa nila na wari ay kinikilig. Ano ba itong ginagawa nila? Nakakahiya.

“You’re blushing, Jhanna. Don’t mind them.”

Napatingin ako sa kaniya nang nagsalita siya. Nasa harapan ko na pala ang isang ito.

“Hindi kaya. Naka-blush on lang ako,” pagdepensa ko pa. Kahit hindi naman talaga. Bakit kasi mahilig akong mamula?

Tumawa siya na parang ayaw maniwala. “As I’ve remember, you don’t even like putting something on your face kasi may allergy ka roon,” napapangisi pa siya. Hinuhuli niya ako. Nakakainis!

“E, ’di ikaw na. Bahala ka na nga r’yan.” Inismiran ko lang siya at nilampasan. Tumigil na rin naman ang mga kasamahan namin sa mga kalokohan nila.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa wakas nandito na rin ang manager namin.

“Good afternoon, Boss.” Sabay-sabay naming pagbati rito na ikinatango niya.

Nagsimula na kaming mag-alsa balutan pagdating ng sasakyan. Huminto sa tapat namin ang dalawang puting van. Akala ko magco-commute na kami, mahirap pa naman makasakay kapag ganitong oras. Buti na lang mayaman itong manager namin.

Nagkaniya-kaniya na kaming pumasok sa loob. Napatingin ako kay Bryle na bitbit pa rin ang bag ko. Kukunin ko na sana pero ayaw niyang ibigay. Bahala siya!

“Mabigat ito kaya ako na. Ayaw kong nakikita kitang nahihirapan,” seryosong saad niya pa.

“Sanay na akong mahirapan kaya ayos lang,” kukunin ko na sana pero umalis na siya.

“Ang tigas pa rin ng ulo mo,” aniya habang nakasunod ako sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinatulan.

Nasa loob na kaming lahat nang umandar na ang sasakyan. Dito pa lang sobrang na-e-excite na ako. Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Katabi ko si Bryle at sakto naman nakangiti rin siya paglingon ko.

Kami lang ata ang tahimik dalawa rito sa sasakyan. Iyong mga kasama namin ay nagkukwentuhan at nagtatawanan. Nag-uusap-usap sila kung magsusuot ba sila ng two piece o hindi.

“Jhanny, ikaw rin dapat magsusuot ka ng two piece para lahat tayo ganoon ang susuotin,” sabi sa akin ni Rhona. Isa sa mga katrabaho ko.

“Oo nga, Jhanny. Magsusuot nga ng two piece si April na sobrang sexy kuno,” sabat pa ni Dhebie. Ang aming Assistant Manager.

“Sexy ko kaya,” segunda ni April habang nagpo-pose.

Hindi naman masyadong mataba si April pero natatawa kami kung anong magiging kalalabasan kapag magsusuot na siya ng two piece.

Nabalot ng tawanan sa loob ng sasakyan. Hindi ko na rin mapigilan ang humalakhak.

“Hindi exempted si Ms. Ruth.” Dinamay pa nila sa kalokohan ang Manager namin. Tinawanan lang sila ni Ms. Ruth. Maganda at sexy kaya ang boss namin. Hindi nalalayo ang edad niya kay Royenn na pinsan ko. She is 23 years old. And they are best friends, too.

Napahinto lang kami sa tawanan nang makarating na kami sa airport. Hindi rin nagtagal ay maayos na kaming nakaupo sa sasakyang panghimpapawid.

Katabi ko pa rin si Bryle ngayon. Siya na ang nagdadala ng mga gamit ko simula pa kanina. Hinayaan ko na lang siya.

Ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng antok. Nahihirapan akong matulog dito, hindi ako komportable na nakaupo lang kapag matutulog.

“Dito ka na matulog sa balikat ko,” biglang usal ni Bryle. Tatanggi na sana ako kaso, “Huwag ka nang mahiya,” sabi niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Agad kong ipinikit ang mga mata ko at tuluyan ng nagpalamon sa antok. Malayo pa ang biyahe kaya susulitin ko muna ang oras para matulog.

Nagising ako nang maramdaman ko ang isang kamay na umaalog sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at hinanap ang taong gumigising sa akin ngayon.

“Nandito na tayo, Jhan,” narinig kong sambit ni Rhona.

Agad kong inilibot ang aking paningin baka sakaling makita ko si Bryle. Wala naman siya.

“Nasa baba na siya. Una niyang ibinaba ang mga gamit n’yo at kung hindi ka pa raw magigising ay bubuhatin ka  na niya. Kaya, magtulog-tulugan ka na dali.” Tili pa ni April. Wala na talaga silang ibang magawa.

“Mga sira talaga kayo. Tigilan ninyo ako sa mga kalokohan n’yo!” natatawa ko pang usal. Nagtawanan lang sila at bumaba na. Sumunod na lang din ako.

Pagkababa namin ay sinundo nga talaga ako ni Bryle. Naghihintay siya malapit sa may hagdanan. Nang makababa na ang dalawa ay bigla siyang umakyat at inalalayan ako.

Napangiti na lamang ako sa pinaggagawa ng lalaking ito. Dahil kahit na nagkasagutan kami noong isang araw ay wala pa ring nagbabago sa pakikitungo niya sa akin.

He is still the Bryle I’ve known before. Mabuti ka pa, hindi nagbabago.

Iwinaksi ko na lang ang aking mga iniisip dahil para sa akin ang araw na ito. Kahit hindi naman talaga. Gusto ko lang magpahinga muna bago isiping muli ang mga problema ko.

Lulan ng isang sasakyan patungong Palawan ay may napapansin ako kay Bryle. Simula noong sumakay kami sa taxi ay magkasalubong na ang kilay niya. Hindi siya ngumingiti kahit na kinukulit siya ng mga kasamahan namin. Parang galit siya.

Seryoso siyang nakatuon lamang ang atensyon sa kaniyang cell phone. Gusto ko pa nga sanang makita kung ano iyon pero nag-e-scroll lang naman siya sa pisbuk. Unless may nakita siyang post na nagpa-init ng dugo niya.

Hinayaan ko na lang siya at umidlip. Sakto namang paggising ko ay narating na namin ang Puerto Princesa, Palawan.

   The ambiance of the place makes me feel great.

The Discretion of FateWhere stories live. Discover now