four

18 0 0
                                    

           Namumugto ang aking mga mata pagkagising ko. Hindi ko maiwasang umiyak kagabi dahil sa ginagawa sa akin ni Liam. Hindi ko namalayan ang oras na maghahating gabi na pala. Kahit tinatamad akong bumangon mabilis akong naligo at kumain. Hindi na ako nag-aksayang mag-ayos pa. Naghihintay rin ako ng tawag mula kay Liam pero ni kahit isang text man lang ay wala. Hanggang 'Good night!' lang siya kagabi pagkatapos hindi na nasundan ulit.

           Kaya ko namang magmaneho ng motor kaya ginamit ko ito para na rin mabilis akong makarating sa trabaho ko. Agad ko itong itinabi sa may parking lot at gumayak na sa loob pagdating ko sa Coffee Shop. Nadatnan ko roon ang mga katrabaho ko pati na rin si Bryle. Nang mapansin niyang papasok na ako. Agad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napangiti na rin ako sa kaniya.

         Naalala ko pa ang nangyari kagabi. Ayaw kong mag-assume pero nakakahalata na ako sa mga ikinikilos ni Bryle. Kanina noong hindi niya pa ako nakikita, nakabusangot siya at salubong ang mga kilay. Pero nang makita na ako, biglang kuminang ang kaniyang mga mata at naging maaliwalas na ang kaniyang mukha.  Hindi naman ako assuming pero hindi rin naman ako manhid.

           May inilahad siya sa akin at ilang sandali ko iyong tinitigan bago napaangat ang paningin ko sa kaniya na may nakakunot na noo, animo’y nagtatanong.

        “Ginawan kita ng coffee para mas lalo ka pang magising,” nakangising sambit niya.

        Kinuha ko ito at inilagay sa tabi, “Nag-abala ka pa pero salamat, Bryle.” Sabay ngiti sa kaniya. Kinuha ko ang uniporme namin at isinuot iyon.

       “Anything for you, Jhan,” napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya iyon ngunit hindi na siya nakatingin sa akin.

          Something is completely wrong.

       Abala na siya sa paggawa ng coffee dahil may nag-order na isang customer na babae. She’s indeed beautiful. At nilingon ko ulit si Bryle. Mukhang bagay sila. Napangisi ako sa naiisip pero kasabay niyon ang pag-iling ko.

        Bakit parang hindi ako sang-ayon na bagay nga sila? Alam kong mahal ko si Liam. Bryle is a good friend of mine. At hindi na lalampas ang pagtingin ko sa kaniya bilang isang kaibigan. Maaaring paghanga lang dahil sino ba namang hindi hahanga sa mala adonis niyang kabuuan? Aside from being a picture perfect, he is generous and gentleman. Mga katangian na hinahangad ng karamihan sa aming mga kababaihan.

      Isang patunay riyan ang customer na hanggang ngayon nakikipag-usap pa rin kay Bryle kahit na bitbit na niya ang in-order na kape.

      Nagulat na lang ako nang may bumulong sa tabi ko, “O, baka magkalasuglasog na ang katawan ng customer natin sa sama ng titig mo sa kaniya,”  kunot noong napalingon ako sa nagsalita.

     “Huwag kang mag-alala. Ang mga katulad ni Bryle ay hindi pumupatol sa kahit sinong babae,” nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. “He will only laid his eyes on you.” Tinapik niya ang balikat ko bago umalis.

          My workmates don't know my relationship status. Kaya ishi-ni-ship nila ako always kay Bryle.

          Sasagot pa sana ako pero nabigo ako dahil may kinausap na siyang customer. Nakakainis siya pero bakit naman ako maiinis? Ewan ko ba pero mas lalo akong nainis nang humingi ng number kay Bryle ang babae. Ibinigay naman agad ni Bryle ang number niya na tila sobrang saya pa.

       Bakit ko ba nararamdaman ito? Hindi ito maaari. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Ipinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim.

       Huwag kang maharot, Jhanna. Alalahanin mo, may Liam ka na kaya umayos ka. Mahal mo siya at kaibigan mo lang si Bryle. Period. Kumalma ka.

          Pagmulat ko nang dahan-dahan ay napaatras pa ako ng kaunti. Bumungad kasi sa akin ang nakangiting mukha ni Bryle malapit sa mukha ko na parang may sinusuri dahil sa ginagawa ko. Tatanungin ko sana siya kung bakit nasa harap ko siya pero naudlot ang pagkakataong iyon nang magsalita siya na labis kong ikinanganga.

          “She’s my half sister. Kapatid ko sa aking ama. Hiningi niya ang number ko dahil papaalis na siya bukas sa Italy for a long vacation,” biglang usal ni Bryle sa hindi malamang dahilan.

          Kaya pala magkahawig sila nang kaunti at yayamanin din ang babae. Akala ko pa naman kung sino na ang babae na kung makapag-usap kay Bryle, sobrang tagal na nilang magkakilala. Hindi lang pala magkakilala, magkapatid pa.

          Pero bakit naman sinabi sa akin ni Bryle iyon? Hindi kaya masyado na akong halata sa ikinikilos ko? At akala niya, nagseselos talaga ako kahit hindi naman?

           Sa mga napapansin ko sa mga ikinikilos niya, sabihin na natin na may gusto siya akin. Tapos akala niya nagseselos ako sa half-sister niya.  Kaya, nagpaliwanag siya kung ano nga ang totoo.  Ayaw kong masaktan si Bryle kung totoo man ang mga hinala ko. Habang maaga pa, dapat tatapatin ko na siya para hindi na siya umasa. Para hindi na niya itutuloy ang kung anumang maaari niyang gawin. Pero baka masyado lang akong advance mag-isip. Mapapahiya pa ako nito dahil sa kaharuan ko.

      Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan niya kaya naiwang nakanganga ang bunganga ko. Kailan ba ako bibigyan ng pagkakataong magsalita?

          “Bryle Augustine. Pinapatawag ka ng manager sa opisina niya. Right away!” tawag ng isa sa mga katrabaho namin.

          “Keep your mouth closed or else,” nahinto siya sa pagsasalita nang mapagtantong iba na ang lumalabas sa bibig niya.

           “Or else what?” mataray kong saad.

           Hindi kaagad siya kumibo at pinasadahan muna ang mukha ko bago napailing.

           “Nothing,” lang ang naging tugon niya at umalis na sa harapan ko.

          Ilang sandali lang ay nagpatuloy na ako sa aking trabaho dahil dumadagsa na naman ang mga customer. Hindi pa bumabalik si Bryle kaya napapagod na ako sa kaliwat kanang orders ng mga tao rito sa coffee shop. Pinagpawisan na ako nang malapot at naupo sa isang silya para magpahinga.

          “I’m sorry for making you tired. Pinatawag kasi ako ng manager natin at may sinabi na paniguradong ikatutuwa ng karamihan,” biglang sulpot ni Bryle at may iniabot na panyo at tubig. Dahil nauuhaw na rin naman ako ay kinuha ko ito at mabilis na ininom ang tubig at nagpunas ng pawis gamit ang panyong binigay niya.

          “It's okay. Ano naman ang sinabi niya sa 'yo?” curious kong naitanong sa kaniya.

           “Surprise, e. Reward daw ng may-ari sa mga employees niya dahil masisipag daw tayo. Lalong-lalo na tayong dalawa na barista. Kahit maliit pa lang daw ang coffee shop na ito hanggang sa lumago at nagkaroon ng iba’t ibang branch ay nanatili pa rin tayo. Isa raw tayo sa dahilan ng paglago sa business niya. Kaya bilang pasasalamat ay nais niyang bigyan tayo ng pagkakataong sumaya at makapagpahinga,” mahabang litanya ni Bryle habang nag-aabang pa rin ako sa susunod niyang sasabihin.

          “Pero dahil alam kong hindi mo rin naman ako titigilan, sasabihin ko na sa 'yo ang surprise ng boss natin,” huminto muna siya saglit at tumingin sa akin.

           “At sigurado akong matutuwa ka rito, Jhan.” Lumapit siya sa akin at may ibinulong.

          Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Parang nawala ang pagod ko bigla at gusto ko na ulit magtrabaho nang magtrabaho.

          For real? Makakapunta na rin ako sa Palawan? Oo, doon kami pupunta. Kaya ko namang pumunta roon pero hindi ko kayang mag-isa. Sabi ko nga never pa akong nakapunta sa malayong lugar dahil hindi ako sanay pero ngayon, gusto ko na agad lumipad doon. Lagi ko ngang hinihiling iyon kay Liam na samahan niya ako roon pero lagi naman siyang tumatanggi at sa susunod na lang daw. Pero kahit kailan hindi naman natutupad iyon. Hanggang sa mapagod na lang ako kaya kinalimutan ko na lang.

           Pagkatapos ngayon, makakapunta na ako roon. Bryle, knows it. He knows me very well. Alam kong siya ang may pakana na sa Palawan pumunta dahil alam niyang gustong-gusto kong pumunta roon.

          Mabilis lumipas ang oras pero sa bawat oras na iyon, magdamag na akong nakangiti. Para na akong tanga sa kakangiti kahit pagabi na at marami pa ring customers. I may sounds like ignorante or mababaw ang kasiyahan pero wala akong pakialam. Palawan is my dream tour destination when I was in highschool. Bryle and I both dream about that place and now here we are.

            Bryle is the best boy friend ever!

The Discretion of Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें