two

18 1 0
                                    


Malapit na maghatinggabi pero nandito pa rin kami sa bahay ng kaibigan ni Liam. Nahihilo na ako at hindi ko na kayang uminom pa. Pero ang mga kasama ko, parang hindi tinatablan ng alak. Maliban kay Liam, lasing na lasing.
         
Gusto ko sanang malasing para madali akong makatulog pero kapag iniabot na sa akin ang basong may lamang alak ay inaagaw iyon ni Liam at siya ang umiinom. Kaya ito siya ngayon, tumba. Parang nakatulog na nga ito sa kalasingan. Kaya ko pa naman tumayo kaya niyaya ko na si Liam para magpahinga na.
         
Nabaling ang aking atensiyon kay Jason, kaibigan ni Liam nang narinig ko itong nagsalita. “Kaya mo ba talagang dalhin ang lokong 'yan?” nababahalang tanong niya.
         
"Hindi pa naman ako lasing kaya ako na ang bahala sa kaniya. Kaya ko ang isang 'to," sagot ko at inilalayan ko na si Liam.
         
Lumakad na kami bago magpaalam na mauna na kami sa kuwarto. Pasuray-suray kaming umakyat kung saan ang guest room na tutuluyan namin.
         
Kung sana lang na marunong akong magmaneho ng kotse, uuwi talaga kami. Pero sa kamalasmalasan ay hindi.

Ibinagsak ko si Liam nang nakapasok na kami. Tinanggal ko ang mga sapatos niya. Inayos ko rin ang pagkakahiga niya sa malambot na kama.
         
Tumabi na rin ako sa kaniya pero bago ako humiga, tinitigan ko muna ang maamo niyang mukha. Mahimbing siyang nakakatulog samantalang ako, hindi ako makatulog nang maayos dahil malakas ang paghilik niya. Umuungol pa siya ng pangalan ngunit hindi ko maintidihan. Pero alam na alam kong hindi ko pangalan iyon.
         
Hinawakan ko ang mukha ni Liam at bigla na lang akong napangiti nang may maalala. Kung hindi lang ako naging matapang, hindi kita maaangkin ulit. Minsan, ang paghihintay nang walang kasiguraduhan ay may magandang kapalit din pala. Sana pangmatagalan itong kasiyahang dulot niya.
         
Mula sa makakapal niyang kilay, mahahabang pilik mata at matangos na ilong ay naibaba ko ang paningin ko sa manipis niyang  labi. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-udyok na halikan ito.
         
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko habang nakapikit ang mga mata. Hinalikan ko ang labi niya at balak na sanang ilayo ang aking sarili nang bigla niyang hinawakan ang batok ko.
         
Naramdaman kong gumalaw ang labi niya. Kinagat niya ang ibabang labi ko para hayaan siyang ipasok ang dila niya. Dahil sa sensasyong nararamdaman ay tinutugunan ko na ang bawat halik niya. Mula sa aking beywang dahan-dahang dumadausdos ang kaliwa niyang kamay sa aking hita. Nakadagan na ako sa kaniya kaya ramdam ko ang pagkalalaki niya.
         
Mula sa marahan na paghalik ay pabilis nang pabilis ito hanggang sa nagkapalit na kami ng puwesto. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko.
         
Ilang sandali lang ay bumababa na ang kaniyang paghalik sa leeg ko. Habang ang isang kamay niya ay ginalugad ang aking kasilanan. Dahil sa ginagawa niyang iyon ay unti-unti kong binibigkas ang kaniyang pangalan. Tanda na nadadala na ako at hindi na namin mapigilan ang mga sariling huminto.
         
Iginapang niya ang isa pa niyang kamay para hubarin ang aking mga suot. Hanggang sa pareho na kaming wala nang mga saplot. Patuloy niya akong pinapaligaya at ganoon din ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi kami tumigil hanggang sa marating namin ang sukdulan.
         
Parang nalantang halaman ang aming mga katawan at nahiga na lang. Yakap-yakap niya ako sa mga oras na ito at ilang sandali ay dinapuan na kami ng antok. Ngunit bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko maiwasan ang mangamba at sisihin ang aking sarili. Sa isiping ginamit niya ako na walang kahit anong proteksyon. Kinabahan ako bigla. This is our first time doing that thing, I am not ready for whatever consequences I may face in the future.

Napatingin ako sa mahimbing niyang pagtulog. "Paano kung magbunga? Kakayanin ko ba?"

Kinaumagahan nagising akong wala ng katabi at wala na ang mga yakap na kinasanayan ko na. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at bumalikwas nang bumangon.
         
Ito ang hindi ko gustong maging scenario kapag nagkataon, na gigising ka na lang nang mag-isa. Wala na ang katabi mo sa pagtulog kasi nagising na. Nagising na sa katotohanan. Nagising na para iwan ka. Ganito na ako mag-isip nang ilang ulit niya na akong hiwalayan. Hindi ko na maiwasang mag-isip ng negatibo tungkol sa kaniya. Kahit hindi ko naman alam na iyon nga ang nararamdaman ni Liam. Hindi ko lang maiwasan mag-isip ng mga ganoong bagay, lalong-lalo na at paulit-ulit na niya akong niloloko pero ayos lang. Ang mahalaga ay itong kasalukuyan. Kaya sana lang walang magbago. Sana nga.
         
Mabilis akong naligo sa banyo at bumaba na pagkatapos kong magbihis. May mga extra naman akong damit sa bag ko kaya puwede na akong dumiretso sa trabaho, 7:30 ng umaga magsisimula ang duty ko at may 30 minutes pa ako.
         
Nadatnan ko sila na nagtatawanan sa kusina. Natahimik lang sila nang maramdaman ang aking presensya. Nginitian ko silang lahat at lumapit. Iminuwestra naman ni Liam ang katabing upuan. Umupo ako roon at pinagsilbihan niya ako. Na sana hindi na niya ginawa dahil tinutukso na tuloy kami ng mga kaibigan niya.
         
"Bakit hindi niyo na lang kasi ituloy 'yan sa kasalan. Doon naman ang punta n'yo," kantyaw nila sa amin.
         
Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at parang anytime mahihimatay na ako sa kahihiyan. Pero nagpanggap pa rin akong kalmado at pilit tinatawanan ang mga biro nila.
         
"Mga siraulo! May tamang panahon para d'yan," natatawang hirit ni Liam.
          
Nalungkot ako sa naging sagot niya pero hindi lang iyon ang dahilan kung  bakit mas lalo akong nasaktan.
         
"At saka hindi pa ako handang maging ama," iyon ang sinabi niya na nagpakirot sa puso ko. Ang hirap ngumiti ng peke, ang hirap nang magkunwari.

Hindi ko na kinaya pang manitili sa hapag na iyon. Kaya nagdahilan ako na magbabanyo muna. Pero pagkarating ko sa banyo agad kong sinara ang pinto at doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko.
         
Ang sakit-sakit lang malaman ng mga salitang iyon na parang wala lang sa kaniya, na parang walang nangyari sa amin. Masakit lalo na at galing pa mismo sa kaniya. Napahawak ako sa aking dibdib at napadausdos. Nahihirapan akong huminga. Ang sikip-sikip ng dibdib ko pero kahit ganoon pinilit kong kinalma ang sarili ko.
         
Marami na ang luhang naibuhos ng mga mata ko at ito na naman. Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Napasandal ako sa pintuan at napatingala. 
          
Mahal pa ba talaga niya ako?

Paano kung hindi naman talaga? At baka nasanay lang siyang ako ang lagi niyang kasama kaya siya bumalik. Paano kong panakip butas lang pala ako? Libangan habang hindi pa siya nakakahanap ng iba?
         
Pinilit kong pinapakalma ang sarili ko. Iwinaksi ko muna ang mga iniisip ko at lumabas na ng banyo.
         
Nagpaalam kami nang maayos sa mga kaibigan ni Liam bago umalis. Ihahatid niya ako sa pinagtra-trabuhan ko bago siya umuwi sa kanila. Dahil may mahalaga raw na ipinapaasikaso ang mga magulang niya sa kaniya.
         
Pagkarating namin sa pinagtra-trabahuan ko ay agad akong lumabas ng kotse. Ganoon din ang ginawa niya.
         
"Hindi muna kita masusundo ngayon babe, a. May ipinapagawa kasi ang daddy ko sa akin. Sorry!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang sinasabi niya iyon.
         
Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kaniya. Kailangan ba talaga buong araw? As far as I know, wala pa siyang posisyon sa company nila. Alam ko iyon kaya nagdududa ako. Gusto kong itanong iyon pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Ayos lang, babe. Kaya ko naman ang sarili ko e."
         
Lahat na lang ng bagay tungkol sa kaniya ay pagkukunwari. Kunwari ayos lang kahit ang totoo, hindi.

"Salamat sa pang-unawa, babe. You're really an understanding girlfriend," sabi niya at hinalikan ako sa labi.
         
Akma na sana siyang tatalikod nang tawagin ko siya. Huminto naman siya at napalingon sa akin.
         
Wala man lang, ‘I love you, babe. Mag-ingat ka habang wala ako. Hindi kita mapoprotekhan kasi wala ako sa tabi mo.’

Ang baduy man pakinggan pero wala talaga? Pero parang nakalimutan na niya iyon. O hindi kaya ay wala na talagang pagmamahal mula sa kaniya.
         
"W-wala. Mag-ingat ka," pagdadahilan ko na lang. Tumango lang siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo.
         
Hindi ko na lang pinansin ang mga bumabagabag sa aking isipan. Mga katanungan na alam kong ako lang ang masasaktan. Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok sa loob ng coffee shop.
          
“I know everything will be all right. Nasa kamay na lamang ng tadhana ang magiging hatol ko. Ang paratang  na lang ng tadhana ang magiging sagot kung bakit kailangan kong magkunwari. Ano man ang hatol niya ay  tatanggapin ko.”

“Sana kayanin ko!”

The Discretion of FateDove le storie prendono vita. Scoprilo ora