five

24 1 0
                                    


Masaya ang buong maghapon ko kahit pa natapos na ang trabaho namin. Alam na rin lahat ng empliyado ang sorpresa ng manager namin, as well as the owner of the coffee shop.

Hindi na nawala ang matatamis kong ngiti hanggang sa nagsara na kami. At ito ngayon si Bryle, tinatawanan ako dahil baka mapunit na raw ang labi ko sa kangingiti ko.

“Heh! Sobrang saya ko lang kasi sa wakas, sa mahabang panahon na gusto kong makapunta ro’n ay palaging hindi natutuloy. Tapos ngayon, makakapunta na ako,” kinikilig ko pang sambit habang nakahawak sa braso ni Bryle at niyuyugyog ito.

Tumawa siya, “Ano? Let’s celebrate?” may pakindat pa siyang nalalaman habang sinasabi niya iyon.

“Celebrate talaga? Anong akala mo sa akin nag-graduate ng primary school?”
         
At dahil maaga pa naman at wala rin naman akong gagawin sa bahay. Hindi na ako tumanggi pa sa pagyaya niya.

Sumakay ako sa kotse ni Bryle. Ayaw ko nga sana dahil may dala naman akong motor kaso nagpumilit siya na sumabay na raw ako sa kaniya. Babalikan na lang daw namin ang motor ko mamaya pagkatapos naming kumain.

Nakarating kami ng maayos sa isang fast food chain because I suggested here. Dadalhin niya nga sana ako sa isang mamahaling restaurant pero sabi ko, mas gusto ko sa mumurahing pagkain dahil paniguradong masasarap pa at mabubusog ako. Hindi naman siya umangal.

      “Ito po ang available na pagkain namin ngayon, Sir!” sabi ng waitress sa amin.

     Pagkatapos itinuro ni Bryle ang mga order niya ay napatingin sa akin ang waitress.
          
“Gano’n din po ba ang order ng girlfriend n’yo po, Sir?” hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi ng waitress. Hindi na lang ako umimik pa.

     Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Bryle, “Yes please. Same lang kami ng order ng girlfriend ko.” At talagang pinanindigan ng mukong ang sinabi ng waitress. Nakakahiya na nakakainis pero nakakatuwa.

“Okay po. Anyway, you’re blushing ma’am. Ang cute mo. Bagay talaga kayo ni Sir.” Iyon ang sinambit niya bago nawala sa harapan namin.

Nakipag-apir pa siya kay Bryle na para bang pinagplanuhan nila ito.

Tuluyan na akong napayuko sa kahihiyan. Sino ba naman ang hindi mahihiya roon? Si Bryle ang kaharap ko at nasasaksihan niya ang pamumula ng pisngi ko.

Napaangat ako at tiningnan ng masama si Bryle nang tumawa siya. Pero ang walang hiya mas lalo pang tumawa. Nakakaasar siya.

“Manahimik ka nga, tatadyakan na talaga kita sa esophagus. Isa...” pananakot ko pa kaya napatakip na lang siya ng bibig at nagpipigil ng tawa. Namumula na nga siya.

Huminto lang siya sa pagtawa nang dumating na ang mga orders namin.

Alam kong hihirit na naman ang waitress na ito, “Here’s your order, Ma’am, Sir. Enjoy your date,” sinasabi ko na nga ba. Batuhin kita ng isang bowl na may lamang mainit na sabaw, e.

     Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at walang pakundangang nagsimulang kumain. Hindi pa ako nakaka-isang subo nang mapansin kong nakatitig lang si Bryle sa 'kin at hindi ginagalaw ang pagkain niya.

“Hindi gumagalaw nang kusa ang kutsara para susubuan ka kaya kumain ka na,” may puntong untag ko.

“Sana sinabi mo kanina pa lang na nagugutom ka para nabilhan kita ng pagkain,” sinserong aniya.

Napatingin ako sa harap ko. Akala ko nakaisang subo pa ako. Isang bowl ng fried rice na pala ang naubos ko.

“Kumain ka na lang diyan. Dami mong chikaness. Kakambal mo si Marites?” pilyong sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Malakas siyang tumawa kaya pinatid ko ang paa niya sa ilalim. Pinagtitinginan na kasi kami ngayon.

Mabuti  na lang at huminto na siya pero nahuhuli ko pa rin siyang laging nakatitig sa 'kin kaya naiilang na tuloy ako.

Pero dahil gutom pa ako. Binalewala ko na lang iyon. Bahala siyang maglaway. Biro lang.

Pagkatapos kumain at magbayad ni Bryle ay nauna na ako sa kotse niya. May binili pa siyang  pagkain para i-take-out para raw kay Jhana. Akala ko kapatid niya pero isa pa lang aso iyon. Ipinangalan pa talaga niya sa akin. Anong akala niya sa akin, tuta? Sunod-sunuran?

Sunod-sunuran rin naman talaga ako sa kaniya. Speaking of him. Hindi na siya nagparamdam sa akin simula pa kaninang umaga. Ano na kayang nangyayari sa lalaking iyon? I miss him so damn much. Excited na rin akong ibalita na matutupad na ang pagpunta ko sa Palawan. Sigurado akong matutuwa iyon.

Kinuha ko ang phone ko sa pouch at tiningnan kung may text o tawag ba. Pero nadismaya lang ako dahil wala kahit isang tuldok man lang. May gana pa kayang magparamdam sa akin ang isang iyon?

Tatawagan ko na lang siya para makapagpaalam na rin. Bukas na ng hapon pagkatapos ng trabaho kasi kami pupunta sa Palawan. Tatlong araw kami roon kaya dapat lang na makapagpaalam ako kay Liam.

Kaagad kong tinipa ang kaniyang numero, paulit-ulit ko iyong dinial pero out of coverage pa rin siya. Nakakainis.

Sinubukan ko na muling tawagan ang number niya pero, ‘The number you have dialed is out of coverage area. Please huwag ka nang tumawag pa. Tanga!’

Pero biro lang iyong last. Gusto ko lang makalimutan na parang binalewala na niya ako. Ayaw ko lang isipin na parang binitiwan na niya ako.

Padabog kong ibinalik ang cell phone sa pouch. Where is him right now? Palagi kayang may signal ang phone niya. Hindi siya iyong nag-o-off ng phone dahil alam niyang anytime tatawag ang mga magulang niya o hindi kaya ako. Unless, nasa mga magulang niya si Liam ngayon pero imposible naman iyon. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya kaya imposibleng naroon agad siya nang hindi nagpapaalam.

But, is it really impossible?

“Hey! I called you for the ninth times but its like you’re spacing out, what’s wrong?” si Bryle at pinitik ang noo ko. Hindi ko tuloy siya napansin.

Kanina pa pala siya nandito. Baka sabihin niyang nababaliw na ako dahil natutulala ako tapos galit na ekspresyon pa ang ipinapakita ko.

“I’m sorry may iniisip lang.” Pagdadahilan ko na lang at pilit na ngumiti

“If you have a problem, you can talk to me. You know that I will always be here for you. Is it because of him?” direstyahan niyang tanong. Nilingon ko siya at tumawa nang pagak.

“No—” naputol ang sasabihin ko nang sumabat siya.

“Hindi mo na kailangang magsinungaling, Jhan. Alam kong siya ang gumugulo sa isip mo ngayon,” napatitig ako kay Bryle, parang may kaunting pagkainis ang tono ng pananalita niya pero alam kong pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili.

“Tell me... why him?” seryosong sambit niya.

Kinabahan ako sa tanong niya kaya, “Huh?” na lang ang lumabas sa bibig ko.

“Tell me kung bakit siya ang iniisip mo. Nag-away ba kayo?” Hindi ko malaman kung nagagalit ba siya o naiinis na sa akin. Pero para saan naman kung magagalit siya?

I composed myself before I told him the real reason, “Sa pagkakaalala ko maayos naman ang pag-uusap namin kanina. Kaya hindi ko alam kung nag-away ba kami o kung anong kasalanan ko para hindi na siya magparamdam,” tuloy-tuloy kong pagtugon habang nakayuko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi maiyak sa harap ni Bryle.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin bigla ni Bryle kaya napasinghap pa ako. Hindi ko maintindihan ang sarili pero parang matagal na akong nangungulila sa mainit niyang mga yakap.


“Maaayos din ang lahat, Jhan. Maging matatag ka lang. Sumuko ka lang kung hindi mo na talaga kaya. Dahil hindi naman lahat ng sumusuko, mahina na. May sumusuko rin na nagpapalaya ng taong mahal niya para maging masaya ito sa kung saan siya mas sasaya,” hindi ko na napigilan ang sariling umiyak dahil sa mga sinasabi ni Bryle.

May mga bagay akong napagtanto.

May mga bagay akong gustong gawin.

This is not the right time to let go. But, it’s the right time to start fighting for myself, from being selfless and selfish.

The most painful thing came in to my mind. Na ako lang pala ang kumakapit sa aming relasyon. Ako lang pala ang lumalaban. Pero kaya ko pa naman, hangga’t may pinanghahawakan pa ako hindi ako susuko. Lalaban ako kahit ako lang mag-isa, ipapakita ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Bibitiw lang ako kung siya na mismo ang magsasabi na itigil ko na itong kahibangan ko. I will let him go, kung masasaksihan lang ng mga mata ko na hindi nga talaga ako ang nararapat sa kaniya.

    Basang-basa na ang damit ni Bryle dahil sa mga luha ko.

Masakit pala kapag minahal mo na tapos kahit na paulit-ulit ka na niyang sinasaktan at ngayon mo lang napagtanto kung gaano pala talaga kasakit ang ginawa niya.

Masakit pa rin pala.


“Umiyak ka lang. Ubusin mo lahat 'yan. Huwag mo lang kasanayan dahil parang binabalewala mo na rin ang mga taong nagmamahal sa ’yo dahil nasasaktan din sila kapag nakikita ka nilang lumuluha ng ganito.” Hinahagod niya ang likod ko dahil hindi pa rin ako tumatahan.

“Kapag nasasaktan ka. Lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako para sa'yo, Jhan. I will never leave you,” nararamdaman ko ang senseridad ni Bryle habang binibigkas niya iyon.

Mayamaya, kumulas na ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya at tinitigan ako sa aking mga mata.
       
Hindi ko alam pero hindi ko siya kayang titigan tulad ng ginagawa niya. Agad akong napayuko pero nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.

The Discretion of FateWhere stories live. Discover now