Chapter VIII

24 0 0
                                    

Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Kakarating lang nina mommy at daddy this morning. I tried to be nonchalant and told them na may darating akong bisita.

"Mommy, Dad...may bisita po ako later" they looked at me weirdly. Usually kasi pag may bisita ako ay sinasabi ko sa kanila the day before pero inunahan ako ng kaba kagabi kaya hindi ko nabanggit sa kanila.

"is this your friend hija? You could've told me earlier sana nakapagpaluto tayo kay manang?" Si mommy.

Umiling ako.

"No mom..he's uhhh...someone.." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang nagtinginan ang parents ko na parang may sariling pag-uusap.

"Someone huh" dad murmured habang nainom ng coffee niya sa dining table while me and my mom are on the couch. She's using her laptop while I'm holding some book.

"Who is this someone exactly Selene Cassiopea" I cringe nang binuo na ni mommy yung pangalan ko. They're suspicious of this person now.

"Kasi ano mommy...dad.."

"Ano? cat got your tongue?" nagtaas ng kilay si mommy na nahahalata na ako siguro.

"Hon, let our baby talk, kinakabahan magsabi sayo" si daddy yon habang seryosong nakatingin sa akin. I tried to give them a soft smile pero mukhang napangiwi lang ako.

"so..there's this guy...na.."

"a guy! is this a suitor Selene?" Tanong agad ni mommy pagkatapos ibagsak ang laptop niya sa couch na parang mas importante pa ang sasabihin ko kesa sa trabaho niya.

"y-yes mommy..and he'll be here in a few minutes" malakas na ang loob kong sabihin iyon. Nagmessage na din kasi sakin si Zyd na malapit na siya. Sinubukan kong hindi kabahan pero hindi ko mapigilan.

"my gosh this is new, kung alam ko lang na may manliligaw kang darating I could've called your kuyas to drop by!"

"Mom naman! They're insufferable! Sobrang protective ng mga yon and overbearing to any guy who tries to talk to me" agap ko kasi sobrang OA ang pagkaprotective ng mga kapatid ko. Both of them. That's why it's good that only my parents are here. Saka hindi ko pa naman boyfriend, mga next week pa siguro ganon. Saka ko na lang ipapakilala kina kuya.

"Anyway hija, what time is he coming? Tell him to have lunch here too" si mommy ulit na parang naaaliw na.

"Hon, what should I get to intimidate him?" I rolled my eyes nung nagtanong si dad kay mommy.

"Be nice hon, this is our baby daughter's first suitor! I mean...he's brave enough to meet us" ngumiti si mommy sa akin.

Kinakabahan pa rin ako.

So here we are a few minutes latee, both of my parents at the dining table pero wala pang nakalagay na pagkain since we're waiting. Zyd mentioned he's near so pinapaayos na lang ni mommy ang pagkain kay manang. Si dad sa kabisera, sa right side nakaupo si mommy while katapat niya ako.

Someone rang the doorbell.

I bit my lowerlip before standing up at tumingin sa kanila.

"I think he's here" sabi ko at hindi na hinintay silang magsalita.

I already sent a message to Zyd to dress casually and bring a simple car because I don't want my parents to know whose family he is from bago nila siya kilalanin.

I saw him standing with a boquet of flowers and some fruits.

"Nag abala ka pa" I smiled automatically when I saw him.

He's wearing a simple white polo, a black pants and white sneakers. Ang simple pero puro mga luxurious brands! His car is his Audi sedan.

I guided him inside and nang makarating kami sa dining ay inabot niya yung dala niya kay mommy and dad which they both received and binigay din kay manang. He shook their hands too.

When She Fell Beneath, Under and OverWhere stories live. Discover now