Chapter II

36 0 0
                                    

My hands are trembling and I can't make them stop.

Tapos na ang class ko and I'm glad I was able to still focus in class. Afterwards, pumunta ako sa SG office ulit para tapusin yung report and nag-aral na lang ulit ako ng ilang subjects. Pag sa bahay kasi ako nag-aaral tinatamad ako at mas gusto ko maglaro sa ps4 ni Liam kaya as much as possible pinipilit ko na sa school mag-aral.

Kai thought that I was angry because of what he said about Liam which I did not deny nor confirm.

Palabas na ako ng building at pauwi na sana. I'll just take a taxi or magbook ng ride once na nasa gate na ako.

"Ate Sel?"

When I heard someone call my name napalingon agad ako. Nakita ko kaagad si Kyline na mukhang pauwi na din.

"Kyline!!!" I hurriedly went towards her at niyakap siya. Gosh! I miss her so much!

"How are you? How's college life?" agad kong tinanong since kakarugtong pa lang niya as a first year college student. She's two years younger than Kai, me, Riley and Liam but she's still part of our barkada na binabebaby namin.

"I miss you ate! I'm fine" natatawa siya pero yumakap din siya sa akin.

Nagkamustahan lang kami about her first week sa class and sabay na kami naglakad palabas ng school.

"Kuya will pick me up, sabay ka sa amin?" Umiling ako. Magkaiba kasi ng way ang bahay namin. Madali lang naman sumakay ng taxi.

"Bawi na lang ako sayo next time..." ngumuso si Kyline na ikinangiti ko lang.
"Don't worry Kay, makakapag bonding na ulit tayo since we're back being in the same school"

"I wish we're all back in high school. I hate college" bulong niya.

I also miss our high school life. Sabay sabay kaming nauwi. Sabay sabay ang mga classes namin and lunch kahit si Kyline nakakasabay namin. College is entirely a different world.

"Madami ka makikilala dito and you'll see some guys too! Malay mo magka crush ka diyan"

"Ugh no ate. I have taste. Ang gusto ko lang makita ay yung crush mo" Nanlaki kaagad ang mata ko nung sinabi niya iyon. Napalinga linga ako kung may nakarinig sa kanya.

"Shh! Kyline, secret natin yon ah!" I said. Nakakatakot na may makaalam!

Tumawa lang siya.

"Chill ate, halos wala nang students 8pm na oh." Napa iling na lang ako. Manang mana talaga sa kuya niyang straight forward. Nakatitig lang sakin ang mga mata ni Kyline na parang binabasa ako.

"Don't tell me wala pa ring update? Sobrang slow mo naman ate!" Eto talagang mga Yuchengco kung magsalita! Napaka straightforward lang.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Tinawanan niya lang ako at sinabi niya na hindi iyon kasalanan ng kuya niya, na ako talaga may kasalanan which is totoo naman.

"Sobrang torpe mo naman sa crush mo ate, gwapo ba yan? Mas gwapo ba yan kay kuya Liam or kuya Riley?"

Dahan dahan akong napapailing. Hay Kyline kung alam mo lang.

"Tsk tsk Kyline. Isipin mo ganito, si Riley maduming kuko kaya hindi yon pogi, si Liam...well, of course super pogi non beshy ko yun eh...but si Zyd" kung pwede lang mag heart eyes nagawa na ata ng mata ko.

Naiimagine ko na tuloy ang mukha ni Zyd na nakatingin sa akin. Napakunot agad ang noo ko nang maalala na naman ang kagagahan na ginawa ko.

"He's the epitome of gwapo"

"Okay, kwento mo yan eh" pambabara ni Kyline. Minsan masarap ding hampasin to. Pasalamat siya ang cute cute niya! "Feel ko pinaka gwapo pa rin si kuya Riley"

When She Fell Beneath, Under and OverWhere stories live. Discover now