Chapter III

33 0 0
                                    

The club is getting wild.

Riley ordered a lot of expensive liquors. Nag-uusap sila ni Zyd and may mga ka-team sila sa basketball na mga lumapit din. Nung dumating si Sav ay lumipat ako sa kabilang couch at sila ni Thalia ang katabi ko, Thalia being in the middle. Si Kai at Liam naman ang nag-uusap.

Some friends of Riley tried to speak to us girls na hinarang kaagad ni Riley. He's definitely the king here since isang tingin pa lang niya, tiklop agad yung mga lalaki.

"Those three are off limits, so all of you.. back off okay?" Nakangiti pa siya nung sinabi niya pero mukhang natakot yung iba kaya walang kumausap na ibang guys samin.

There are a lot of people dancing already since it's the peak hour of the club. Padami na rin ang mga nakikita kong kakilala ko sa school. Some were shock seeing me here since hindi naman ako madalas dito.

"Let's dance!" sigaw ni Sav since maingay na din sa club. Pareho kaming tumango ni Thalia since kanina pa kami inom din ng inom.

"Hey not too far okay?" singit ni Kai which made Sav roll her eyes.

"yes po itay" she sarcastically replied. Napansin kong nag smirk si Riley though he's still looking at Zyd and their teammates. Kanina pa sila nag uusap! Di ko man lang makausap yung bebeloves ko! Kainis.

Though before I left the couch napatingin ako kay Zyd.

Our eyes met.

Umiwas kaagad ako ng tingin.

Ilang taon ko na siyang crush pero ngayon ko lang na experience na halos lagi ko siyang nakakasama at nakikita.

Dati rati pumupunta ako ng sports ground at kunyaring hinahanap si Riley para lang makita siya habang ngayon nakakasama ko na siya club AT naihatid na rin niya ako sa bahay.

In the near future, crush na ako nito, I manifest! Wag sana mag sawa si Zyd sa pagmumukha ko.

Sav, Thalia and I danced to our hearts content. Paiba iba ang mood nung DJ but it didn't stop us to dance together.

"Sav, balik na ako sa couch, nahihilo na ako mag-sayaw" reklamo ni Thalia since halos 30 minutes din kaming nasa dance floor. Tumango ako at sinabi kong pagod na din ako. Pinilit kong tanggalin sa isip ko yung mga aralin ko for tomorrow.

"Okay, I saw some guys I know there.." tinuro niya yung kabilang seat na halos mga taga ibang college dept. "Doon muna ako, I'll see you both in a few?" She winked at us.

"Hey! Uwi tayo ng 3AM! don't have too much fun!" Sigaw ni Thalia sa naglalakad na palayo na si Sav.

Umiling kami pareho and we linked our arms together at bumalik sa table namin.  Si Zyd at Riley na lang ang naabutan namin don.

Nang makita ni Riley na palapit kami ay sumeryoso ang kanyang mukha.

"where's the witch?"

Tumawa ako. "She's with some friends"

Napansin ko na lumipat si Zyd dun sa mas malawak na couch. "Liam's on his car sleeping, gisingin na lang daw natin siya pag pauwi na tayo"

Nakatayo pa rin kami ni Thalia. She also doesn't know where to sit.

"Kai's just..here...somewhere" palinga linga na dinagdag ni Riley pero hindi na rin niya nakita si Kai.

Uupo na sana ako sa tabi ni Riley nang tinulak niya ako ng mahina.

"Dun ka nga sa kabila umupo Sel" He said and blocked the couch using his arms.

I think Riley's a bit drunk sa sobrang dami naman kasing inorder na inumin! Parang siya na lang nag-uubos since napansin kong beer lang hawak ni Zyd.

When She Fell Beneath, Under and OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon