Chapter VI

20 0 0
                                    

It went on for the next few days during weekdays, nasanay ako na hihintayin niya ako sa lobby at ihahatid pauwi. Hindi nawawala ang ngiti ko tuwing makikita ko siya sa lobby na naghihintay at tatango sa akin once makita niya ako. He always made sure to open his car door for me and he never fails to do so every single time.

Parang naeexcite na lang ako lagi umuwi.

After class, may meeting for student council aabutin kami ng 2-3 hours since nagpeprepare kami sa foundation day. Pag nagkikita kami ni Kai ay parang lagi siyang nakangiti pero pang-asar kaya mas naiirita ako sa kanya pag may meeting kami.

Then once matapos meeting nasa student office lounge lang ako para tapusin mga required assignments ko or projects, madalas mga SG students lang din nakakasama ako.

Hindi ko na masyado nakikita si Liam, Riley at Kyline. Bawi na lang ako sa foundation day.

Anyway...

I know I should not overthink things and just enjoy whatever this is pero hindi ko mapigilang magtanong. Bakit ginagawa to ni Zyd?

A notification came up from ig.

zfuego: what are you doing this weekend?

I bit my lower lip nung makita ko ang message niya. Kakauwi ko lang sa bahay at syempre inihatid ako ni Zyd kanina, I think may nakakapansin na sa amin na students but he doesn't seem bothered. 

Naalala ko ang message ni Sav kanina na she would like to stay over sa Saturday at dito sila matutulog ni Thalia. Bukas din around lunch time ay pupunta sila dito.

selLucero: Sav and Ta are coming over, sleepover kami haha

zfuego is typing...

Hinihintay ko ang message niya. Nakailang minuto rin pero nag stop siya. Tapos maya maya nakalagay ay typing ulit. Ano ba gusto mo sabihin Zyd???

zfuego: bahay lang kayo? not gonna drink at the club?

Grabe naman to si Zyd. Alam naman niya na sobrang busy ko this past few weeks na kulang na lang talaga ay sa school na ako matulog. Sa tingin niya ba gusto ko pang lumabas at mag-inom sa club?

Pero tama siya actually since initially yun ang request ni Sav. Atat na atat na siya mag club kaming tatlo pero lagi kaming busy ni Thalia. Minsan iniisip ko rin kung bakit nag college pa tong si Sav kung puro inom lang din ang alam. Though pareho kami ni Thalia na hindi pumayag kasi ongoing pa rin ang hell week at may mga quizzes and exams kami na hindi pwede ang mababang grade.

selLucero: judger ka grabe, dito nga lang sa bahay, sleepover lang.

zfuego: how about your guy friends? Are they coming too?

Napaisip ako. Iinvite ko din ba sina Kai at Riley? Kaso girls night out naman kasi ito.

selLucero: not sure, but Liam might drop by

zfuego: can I drop by too?

WHAT?! Bakit naman siya pupunta. Grabe naman! iisipin ko na lang ang clingy ni Zyd sa akin.

selLucero: Liam's my neighbor kasi and di ka ba busy?? Dami mo atang time lods

zfuego: not busy. i can make time

Napangiti na lang ako at napapikit sa kilig. Iba talaga ang crush ko sa lalaking ito. Feeling ko sasabog ako sa sobrang kilig!!!

selLucero: clingy mo :P

zfuego: will there be a problem?

Nagbilang muna ako ng one to three bago bumalik at mag type sa phone ko. Alam kong 11PM na and I should probably sleep since pagod na ako and sa tuesday na ang foundation day. Usually one week yon icecelebrate kaya sobrang daming preparations ng student council.

When She Fell Beneath, Under and OverWhere stories live. Discover now