Prologue

38 0 0
                                    

(AN: Can't believe I'm writing again!!! College ko pa naisip ang concept na to and had it revised inside my head so I'm super excited to really finish this. Hope you guys like it!!)

SELENE POV

"Ano ba yan, ang init naman dito!" reklamo ko agad pagkapasok ng kwarto ni Liam, my childhood best friend.

Nasa gilid lang siya ng kwarto at nag-aaral. Napakasipag naman talaga ng bff ko na to kahit kakastart pa lang ng sem namin dami agad binabasa! Napepressure tuloy ako ng slight.

"Get out Sel" sabi niya habang nakatalikod sakin at patuloy ang pagbabasa doon sa libro niya. Nakaupo lang siya sa isang office chair niya and kalat kalat ang books sa desk niya. Akala mo naman nagwowork na pero college student pa lang naman.

"Liam Wesley Henderson!" napamewang na ako sa inis at tinawag siya. He sighed then closed his book at inikot ang upuan para humarap sakin. He pinched the bridge of his nose at halatang napipikon na.

"what do you want this time?" tanong niya pero rinig na rinig ko yung inis niya. Natawa na lang ako bigla at humiga sa malambot niyang kama.

Ang yaman yaman pero ayaw buksan ang aircon!

Binuksan ko ang aircon niya and switched on his tv.

"tara ps4?" aya ko sa kanya kasi pagod na pagod akong mag-aral eto na talaga ang break na kailangan ko.

"no" he simply said at nakakunot na kaagad ang mukha. Napaka inisin talaga netong best friend kong to.

"bilis na kasi"

"no Sel, I have some books to read"

"Pag di ka nakipaglaro sakin guguluhin kita nang guguluhin hanggang pumayag ka" ngumisi ako ng masama sa kanya.

Umiling siya at tumayo then tumabi sakin sa kama. Umayos ako at umupo na din. He grabbed his ps4 controls sa bedside table niya at inabot sa akin yung isang controller.

Liam and I are neighbors since childhood. Both of our moms are bestfriends kaya pati kami naging mag best-friend din. Bata pa lang close na talaga kami ni Liam since we grew up na laging magkasama.

I can comfortably go inside his bedroom and vice versa kahit na pareho na kaming 19 years old at hindi pinagbabawalan ng parents namin. Ewan ko ba sa kanila but I love them that they're trusting us too much

tho..

Napatingin ako kay Liam. Napaka pogi naman kasi ng best-friend ko kaya first crush ko to eh. Chinito, maputi tapos matangkad pa kaya ang daming patay na patay sa univ eh. But after that crush nung elem pa kami, I never had any romantic feelings towards him and he's the same towards me.

We treat each other as siblings and nothing more. Nung una yung mga parents namin gustong gusto na kami magkatuluyan pero napapailing na lang kami pareho because we both know it'll never happen though may pact kami na if we're not married until 40, then we'll marry each other and adopt some pets.

And that's it. Kahit dati nung highschool ang daming nagtatanong at nang-aasar na rin kung nafafall na daw kami sa isa't isa pero lagi namin sinasabi na we're like siblings. Although naiintindihan ko naman kasi halos araw araw na talaga kami magkasama.

"ew don't stare" biglang sabi ni Liam na kanina ko pa pala tinititigan, halos matalo tuloy ako sa laro namin.

"pogi mo kasi beshy"

He rolled his eyes. Napaka-arte!

"anyway, may chika ako..." I was about to start my story kaya lang napansin kong matatalo na ata ako.

When She Fell Beneath, Under and OverWhere stories live. Discover now