Chapter 47: After Two Months

17 0 0
                                    

Two months na ang nakalipas mula nang madala namin sa Hospital si Daphne. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.

Tanging tunong lamang ng machine ang maririnig. Nandito kami ngayon at binabantayan siya.

Hawak ko ang kamay niya habang kinukwentuhan ng mga nangyari sa buhay. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas.

"Bibisitahin namin ang daddy at mommy mo mamaya. Sana magising ka na para makasama ka. Siguradong matutuwa ang mga 'yon kapag nakita ka," umpisa ko saka hinapkos-haplos ang buhok niya.

"Hanggang ngayon hindi pa kami pinapabalik sa school. Magulong-magulo pa rin ang Aregdon. Marami pa ring zombies. Pero alam mo gumagawa sina mommy at daddy ng paraan para gumaling na ang mga tao mula sa ZMB virus. Binibigay nila ang antidote sa mga infected nang libre. Kaso hindi pala ganon kadali ang lahat. Kailangan palang mahintay ng ilang buwan bago bumalik sila sa dati."

Kahit hindi naman niya ako naririnig ay nagkukwento pa rin ako.

Kumakain si Jimmy ng orange. Si Monic naman nagbabalat ng mansanas tapos I Hubert naka-cross lang ang mga braso habang nanunuod sakin.

"Sana magising ka na. Dadalhin kita sa farm. Masaya ron! Napakaraming pwedeng gawin. Pwede tayong manood ng cartoons, napakalaki ng TV sa kwarto ko sana makita mo. Saka binilhan ako ng maraming books ni dad tungkol sa zombies, mermaids, mga kwento sa wattpad at lahat 'yon ipahihiram ko sa'yo. Kaya sana magising ka na, ha?" Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa ulo.

"Nami-miss na kita," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting tumulo ang mga luha ni Daphne sa pisngi. Tumunog din nang mahabang beep ang machine na kung saan nakatusok ang mga tubo sa katawan niya. Kita ko ring lumapot ang dugo sa transparent na tube na nakatusok sa kamay niya.

"S-si Daphne, gumalaw!" sigaw ko.

Nabitawan naman ni Monic ang kutsilyo. Si Jimmy ay agad-agad lumabas at tumawag ng doktor.

Pinalabas kami ng mga doctor at inasikaso si Daphne. Pagkaraan ng ilang sandali ay tinawag na nila kami dahil meron daw mabuting balita.

"Gising na ang pasyente," umpisa ng doctor at napangiti naman ako. "Pero," bigla niyang sabi at naglaho ang mga ngiti ko.

"In-assess namin siya at ayon sa findings namin, wala siyang ibang maalala kundi siya si Daphne at nakatira siya sa underground lab. The rest hindi na niya maalala."

"Ano?! Pati ako?" turo ko sa sarili. "Wala siyang binaggit tungkol sa mga kaibigan niya, Ms. Melody." Sabi ng doctor at umalis na.

Pumasok kami sa kwarto ni Daphne at pagtasok namin ay nakita namin siya na may hawak na unan at handa nang ihampas samin.

"W-who a-are you?!" sigaw niya nang makita ako.

"Daphne...Daphne ako 'to si Melod-." Hindi niya ako pinatapos at pinaghahampas niya kami ng unan.

Hindi naman kami magkamayaw sa pag-awat sa kaniya.

"Let me go! Let me go!" niayakap siya ni Jimmy at pilit kinukuha ang panghampas na unan samin.

***

"T-that's impossible!" gulat na sigaw niya nang ikwento namin ang lahat sa kaniya.

Hindi niya maalala ang kahit na ano man sa kinuwento namin sa kaniya... Ang pagkakailala namin, ang outbreak, ang pagkakabaril niya sa ulo.

"I don't believe yu. You're making up stories so I can hate my parents."

"Promise, ganon talaga ang nangyari." Mabuti at nakakaintindi siya ng Filipino.

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now