Chapter 5: Weapons

56 2 0
                                    

Ramdam ko ang malamig na kamay ng zombie sa binti ko. Pilit niya akong hinihila kaya napadaosdos ang katawan ko sa batuhan.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sinipa-sipa ko siya pero 'di siya bumibitaw. Umagos ang mga luha sa mata ko. Wala na, katapusan ko na.

Napapikit na lamang ako habang napahagulgol sa iyak. Kahit gaano kalakas ang singa ng zombie na 'yon, mas malakas pa rin ang tibok ng puso ko at paghikbi ko.

Umaagos ang mga luha sa mukha ko kasabay ng pagguho ng pag-asang mabuhay pa ako. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan pala ako mamatay. Sayang hindi ko pa naman natikman ang magnum at hindi ko pa na-re-receive ang scholarship ko. Higit sa lahat, hindi ko pa natupad ang pangarap kong mag-ampon ng isandaang stray dogs at cats.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Inay, itay waaaaaaaaaaaa mamatay na ako!" Hunahagulgol ako habang hinihila ng zombie ang paa ko.

Ramdam kong may humawak sa kamay ko. Mas lalo lamang akong napahagulgol. Isang zombie na naman ba 'to? Katapusan ko na talaga.

Inay, Itay...makakasama ko na po kayo.

"Bilis! Bilis!" Napadilat ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Hubert! Pagtingin ko sa zombie na humila sa'kin kanina ay nakahiga na siya sa batuhan at naliligo sa saring dugo. Parang manananggal ang hati niya pero pa-length twice ang hati.

Hinawakan niya ang kamay ko at itinayo. Kulang na lang ay buhatin niya ako para lang makasabay sa takbo niya. Parang nag-slow mo ang paligid ko. Nagawi ang tigin ko sa mga kamay naming magkahawak. The fact na bumaba pa siya sa kotse para lang iligtas ako. Napaka-fulfilling pala sa pakiramdam.

"Waaaaaaaaaaaaa! halimaw ikaw ba 'yan? Buhay pa ba ako?" Naiiyak ako sa tuwa. Niligtas ako ni Hubert. Totoo ba ito?

"Masyado pang maaga para mamatay ka, Unding. Isa pa, hindi ka tatanggapin sa langit dahil hindi p'wede ang mga mura nang mura doon at mas lalong wala kang lugar sa impyerno dahil mas matabil ang dila mo kaysa kay Satanas," ani Hubert.

Nakaabot kami sa kotse, naisara ang pinto kaso bago pa man namin maisara ang bintana ay may nakahabol na isang zombie at nasabunutan niya ang buhok ko.

"WAAAAAAAAAAAAAA! Bitawan mo ako punyeta ka." Sa takot at galit ko ay napamura pa ako. Rinig na rinig ko ang tunog niya na parang hayop. Tumutulo rin ang laway niya na may kasamang dugo sa batok ko.

Hinawakan ni Hubert ang kamay ko saka ako hinila. Parang mapupunit ang anit ko. Ang sakit ng pagkakasabunot ng zombie!

Pinilit naming isara ang bintana at mabilis din ang patakbo ni Sir Thomas kaya natanggal ang ulo ng babaeng zombie kasama ang dalawa niyang kamay at napasok sa loob ng kotse ni Sir. Tirik ang mata ng zombie at puro dugo ang leeg. Iyon nga lang para naman akong makakalbo sa sakit.

Nauntog pa ako nang umatras ako sa gulat. Huli na nang ma-realize ko na napakandong ako sa hita ni Hubert. Yuck.

"Kung isa ito sa paraan mo para akitin ako itigil mo na, Unding hindi ako naaakit." Inirapan ko siya. Ganoon din naman ang ginawa niya sa'kin.

"Ikaw ang kahuli-hulihang halimaw sa mundo na aakitin ko, Hubert."

Tinaga nila Daphne at Monic ang naiwang katawan ng zombie sa loob kaya nagtalsikan ang ilang laman at dugo niya sa mukha namin. Mabuti na lang at hindi natatalsikan ang mga sugat namin.

Napanuod ko kasi dati na kapag nadampian ng dugo ng zombie ang sugat ng isang tao ay ma-i-infect ito.

Hingal na hingal kaming lahat sa pagtakbo at sa pakikipaglaban. Nagkahalo-halo na ang amoy namin, amoy dugo at pawis. Pero 'di na namin inintindi. Siksikan kami sa loob ng kotse pero sa tingin ko ayos na lang 'yon basta makaalis kami sa lugar na 'to.

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now