Chapter 44: Farm Life

19 0 0
                                    

Na-discharge na si Hubert sa Hospital samantalang si Daphne hindi pa nagigising. Kaya nag-decide sina mommy at daddy na umuwi muna ako bahay nila. Kailangan ko rin kasing makapag-relax kahit pansamantala lang.

Nandito pa rin daw kami sa Bagwisan, karatig-probinsya ng Aregdon. Thirty minutes na kaming bumabyahe gamit itong jeep mula sa Ospital na pinagdalhan namin kina Hubert at Daphne.

Si daddy ang nagdadrive tapos katabi niya si mommy. Tapos kaming apat nina Monic, Jimmy, Hubert at ako ay tahimik na nakaupo sa likod. Tapos sa likod namin isa pang sasakyan na sumusunod namin. Mga body guards daw namin ‘yon.

“Alam mo mas mukha pang mayaman ‘yong mga body guards kasi sa kotse sila nakasakay.” Natawa naman kami.

“Ayoko ngang sumakay sa kotse nakahihilo,” sagot ko naman kay Jimmy.

“E, bakit nong kasagsagan ng outbreak di ka naman nagsabi ng ganiyan.”

“Alangan namang magreklamo ako?”

“Si Monic nga puro reklamo sa pagkain.” Natawa na naman kami.

“Maiba ako, mommy mabuti hindi na tayo ni-quarantine ng mga taga-bagwisan. Diba may one week quarantine ‘yon kasi i-o-observe pa kung may sintoma ng zmb virus ang isang survivor?”

“No, darling. The governor is a great friend of mine and so I used that card to disregard you from being quarantined.”

“Ganon po ba.” Hindi ko alam kung magpapasalamat ako at marangya ang buhay ng mga magulang kaya hindi na namin kailangan pang sumailalim sa mga batas ng gobyerno.

Ilang sandali pa ay lumiko ang jeep sa isang kalsada na merong mga magkakahiwalay na mga bahay. Malalawak ang bakuran nila at maraming puno na nakatanim don. Marami rin akong nakitang mga manok, baboy, kambing, mga aso’t pusa.

Nakita ko ‘yong mga tao ron na nagwawalis sa bakuran nila. Hindi sila katangkaran, kayumanggi ang balat at kulot na kulot ang buhok. Ang gaganda nila, 'yan 'yong ganda na hindi nakakaumay tignan.

“Mga aeta,” sabi ko nang makilala sila.

“Yes, sila ang mga kapit-bahay natin.”
Pinagmasdan ko ang paligid, hindi ganon kaganda ang daan. Bako-bako at hindi pa sementado. Maraming mga puno sa paligid at iba’t-ibang uri ng halaman. May mga baka at kalabaw na kumakain ng damo. Napakatahimik din ng lugar to the point that it screams peace and abundance.

“Mommy bakit dito sa lugar na ‘to niyo naisipang manirahan? Hindi ba kayo natatakot?” tanong ko.

Hindi naman masukal at madumi dito in fact presko nga ang hangin walang mga nagtataasang building, walang makakapal at maiitim na usok ng sasakyan, walang mga pabrika. Medyo liblib nga lang dito at parang malayo sa kabihasnan. Meron pa palang parte ng Pilipinas ang ganito akala ko puro gusali na.

“Kahit liblib ang lugar na ito ay sagana kami sa pagkain na biyaya ng kalikasan. Napili naming mamuhay rito dahil kalahati ng buhay namin sa lab umikot. Nabibingi na kami sa sigaw ng mga human experiment na nasasaktan. Mga masangsang na usok. Mga nakakasulasok na gamot at kemikal,” kuwento ni daddy.

“Sawang-sawa na kaming magpanggap na ayos lang samin ang lahat. Halos buong buhay namin ginugol namin sa mundo ng sensya, pilit pinapatunayan ang sarili sa mga mayayamag bansa. Pagod na pagod na kaming mamuhay sa lab na punong-puno ng galit at kompetensya.”

“Kaya dito namin napili ng mommy mo na tumira. Simple lang ang buhay. Payapa ang kapaligiran. At alam kong hindi paghihinalaan ni Y na sa karatig probinsya lang ng Aregdon kami nakatira."

"Alam ko ang takbo ng utak niya kaya naman lahat ng mga ideyang alam kong papasok sa isip niya at tinataliwas ko. Pero kahit ganon, hindi namin pinapabayaan ang mga negosyo na tinayo namin na syempre sayo namin ipapamana.” Tinignan niya ako sa salamin at ngumiti kaya ngumiti rin ako.
Bumyahe pa kami ng thirty minutes tapos lumiko kami sa isang—

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now