Chapter 28: Yungib

23 1 0
                                    

Napahawak ako sa pisngi kong basa na pala. Umiiyak na pala ako. Napahawak ako sa bibig ko nang dumaan si Monic sa pwesto ko. Mabuti at shunga siya kaya hindi ako nakita.

Parang biglang umurong ang ihi ko. Mabuti at may ilaw mula sa buwan kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang kataksilan nila. Huh, my hands were trembling in both pain and anger.

"Moni—Mahal!" gulat na sabi ni Hubert. Nanlalaki ang mala-koryano niyang mga mata at hindi mapakali. Pinagpapawisan din nang malala ang noo niya. Lalapitan na sana niya ako pero agad-agad akong lumayo.

"D-ding..."

"Kelan pa?" namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"N-narinig mo ba?" Kinakabahang tanong niya at tumango ako.

"Lahat ng kataksilan niyo narinig ko." Napapikit siya nang kinompirma ko.

"Mahal hindi 'yon gaya ng iniisip mo." Sinubukang hawakan ni Hubert ang kamay ko pero lumayo ako.

"Hindi ako pinanganak kahapon, Hubert. Naiintindihan ko kung anong sinabi ni Monic kahit pa englis 'yon. Anong us? Gaano niyo na ako katagal ginagago?" Napahikbi ako. Napayuko lang siya at namumula ang mga mata.

"H-hindi n-nga 'yon gaya ng iniisip mo," aniya at napahikbi. Sinubukan niya ako ulit hawakan pero tinabig ko ang kamay niya.

"Gago ka!" sigaw ko at napahikbi.

"M-mahal magpapaliwanag ako. Making ka muna," ani Hubert saka ako nilapitan at niyakap pero agad-agad kong nilayo ang mukha niya sa mukha ko.

"Ginago mo lang ako." Paulit-ulit kong sabi habang umiiyak. Si Hubert naman ay niyayakap lang ako habang umiiyak.

"Hayop ka! Layuan mo ako manloloko ka."

"Iiwan mo ako, ha?"

"Bakit? Sinong tanga ang mananatili pa sa relasyon pagkatapos malaman na ginagago lang sila."

"M-mahal, w-wag mo akong iiwan. Please m-mahal." Umiiyak na si Hubert habang pilit akong niyayakap.

"T-tama na Hubert. Tama na. A-ayoko na."

"M-mahal, ayoko. Mahal na mahal kita, Melody. Huwag namang ganito. Magpapaliwanag naman ako, e. Makinig ka muna." Pumiyok siya nang banggitin ang pangalan ko.

Hanggang sa makita ko si Monic na nakatayo na malapit samin at nagbabadyang bumagsak ang mga luha.

"M-melody, it's not what you think. Me and Hubert are actually—"

"Congrats, Monic. Well played," sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"M-melody." Malambing nilang tawag pero hindi ko pinansin. Tinignan ko pa sila nang masama saka umalis sa pwesto nila.

Pinupunasan ko ang mga luha ko habang papalapit sa jeep. Nakita ko kasi si Jimmy na nagising kaya ayokong makita niyang umiyak ako.

"O san ka galling?" tanong niya agad.

"U-umihi l-lang," napipilitan ang ngiting sabi ko.

"Sana nagpasama k—o sinamahan niyo si Melody. Haaay nakakakaba akala ko mag-isa lang niya," sabi niya nang dumating ang mga taong hinulma sa ahas.

Pumasok na ako sa jeep bago pa sila makalapit sa akin. Dahil baka mahawaan pa ako ng kakatihan nila. Kasingkati pa naman sila ng mga higad. Humiga ako agad at pinagkasyang ipagtalukbong ang jacket sa mukha ko.

"Melody, can we talk?" Ramdam ko pang hinawakan niya ang braso ko. Tinabig ko nga. Anong akala niya sakin makukuha niya ako sa mga ganon-ganon niya.

"Monic pagod ako," sagot ko na lang.

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now