Chapter 17: Arman

31 1 0
                                    

Nagising ako nang makarinig ng mahihina at halinhinang hagikhikan.

"Let's wake them up." Rinig kong wika ni Monic na nagpapakawala pa ng impit na tili.

"Mamaya na hayaan pa natin silang matulog." Rinig ko namang wika ni Jimmy.

"Ang sweet nila. Never kong naisip na darating ang moment na ito," ani Daphne at rinig kong napapasinghot pa.

Napagdesisyunan kong idilat ang mga mata dahil alam kong pinagmamasdan nila kami. Nang idilat ko ang mga mata ay nakita kong mahigpit akong nakayakap kay Hubert at ganoon din siya sa akin.

Ang lapit-lapit ng mga mukha nila sa amin. Para kaming mga ibedensya na masinsinan nilang ini-imbestigahan.

"Finally!" sambit ni Monic at pumalakpak pa.

"Ang iingay niyo kasi." Paninisi naman ni Jimmy sa dalawa.

Ilang sandali lang ay nagising na rin si Hubert. Hinalikan niya ako sa pisngi nang makabangon siya.

"Kasing ganda mo ang umaga Ding." Matamis na banggit niya. Nagtitili naman ang tatlo. Pati si Jimmy kilalakeng tao ang tinis ng tili. Siya pa 'yong pinakamatinis na tili. Garbe kilalakeng tao.

"Ang tamis! Ang daming langgam." Madramang wika ni Daphne at nagpagpag ng katawan. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Ang sarap magising kasinggwapo mo anghel Hal."

"Anong Ding? Anong Hal?" Napabuntong-hininga ako at pinaliwanag sa kanila ang lahat.

"Ding ang tawag niya sakin short for Unding at Hal naman tawag ko sa kaniya short for Halimaw. Pero maganda rin tawagan namin ang mahal, diba?"

"Kyaaaaaaaaa~Lord pahingi rin ako ng gwapong halimaw." Nagtitili silang tatlo ron parang mga timang.

"Lord pahingi rin ng kayakap matulog kyaaaaaaaaaaa~" Grabe makatili si Jimmy siya pinakamalakas.

"Lord can I have someone who'll kiss me under the shining moon kyaaaaaaa!" Grabe ang unan nalasog-lasog na. Paano hinahampas-hampas nila sa isa't-isa.

K-kiss? Nakita niyaa ba kami kagabi?

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na naming lumipat sa pinakamalapit na grocery store. Mga thirty minutes lang kung lalakarin. Kaya naman kinuha ko na ang bag ko na walang laman kundi tubig at umalis na kami.

Dahan-dahan ngunit maingat kaming naglalakad. Matutulin ang mga pagyapak namin sa sahig dahil baka marinig kami ng mga zombie. Wala naman kaming ibang makitang sasakyan kaya no choice kami kundi maglakad. 'Yong motor na nanakaw namin ni Hubert ay nubusan na ng gasolina.

Makipot ang kalsadang dinadaanan namin at sobrang kapal ng hamog. Palibhasa kasi ay ber months na kaya malamig na ang panahon. Dire-diretso lang kami sa paglalakad.

Paminsan-minsan ay nililibot ko ang paningin sa paligid dahil ang daming parte ng katawan ng zombie na nakakalat sa paligid. Marami ring naka-printang dugo sa mga pader at kalsada.

Paglipas ng higit sa limang minuto ay may mga zombie na pakalat-kalat sa dadaanan namin. Nasa higit sa trenta siguro sila. Pagkatapos ay biglang kong nasagi ang nakakalat na bakal sa lupa kaya agad-agad lumingon ang mga zombie sa gawi namin at mabilis na tumakbo.

Hinila ako ni Hubert at tumakbo kami nang mabilis. Naihiwalay kami kina Jimmy! Nang lingunin ko sila ay sa kabilang kanto sila dumiretso.

Nagtago kami sa isang malaking drum ng basura at hinayaan na malagpasan kami ng mga zombie. Sobrang dami nila! Maiingay ang mga singa nila at tabingi ang mga siko at binti. Pero kahit na ganon ay mabibilis pa rin silang kumilos!

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon