Chapter 13: Yakap

31 1 0
                                    

Napahagulgol ako sa iyak nang marinig si Daphne. Sabi niya ay nagkahiwa-hiwalay sila nila Jimmy at Monic. Ibig sabihin malaki ang bahagdan na isa sa kanila ay infected na.

Ayoko mang isipin pero para sa akin si Monic ang pinakalampa sa kanila. Minsan gusto ko siyang piktusan dahil nauuna ang sigaw at tili niya kaysa makipaglaban kaya naman naririnig siya ng mga zombie at siya ang inaatake.

Andito kami sa loob ng bahay at naka-lock ang mga pinto. Nakaupo kaming dalawa ni Hubert sa sofa, magkaharap kami sa isa't-isa.

"Huwag ka nang umiyak darating ang mga 'yon. 'Yong mga 'yon pa eh may sapusa ang mga 'yon. Mahirap silang mamatay ano ka ba." Hinagod niya ako sa likuran pero mas lalo lang akong napaiyak.

"N-natatakot l-lang n-naman a-ako da-dahil baka isa sa kanila ay infected na. H-hindi k-ko s-sila kayang saktan." Mas lalo akong napahagulgol.

"Kapag andito sila ayaw ka nilang nakikitang umiiyak. Tahan na. Ang mabuti pa mag-share na lang tayo ng mga drama sa isa't-isa para naman gumaan ang pakiramdam natin."

"May nabasa ako na nakakagaan sa bigat na nararamdaman kapag vino-voice out ang mga hinanakit sa buhay," dagdag niya pa. Parang wala naman akong nabasang ganon? Anyway, mukhang may sense naman ang sinabi niya.

"A-anong drama?" Tinignan ko siya.

"Drama...mga hinanakit sa buhay ganon, mga pagdaramdam, inis na pinakatatago-tago mo kasi ayaw mong magmukhang bastos o marupok." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha.

"S-sa to-totoo l-lang gusto kong murahin ang mundo kasi nagtataka ako kung bakit nangyayari sa atin ang ganito." Pinunasan niya ang luha sa mukha ko.

"Ako rin naman, eh. Sa isang iglap lang naglaho ang lahat. Paano na ang mga pangarap natin sa buhay? Makababalik pa kaya tayo sa pag-aaral?" tanong niya saka umayos ng upo. Parehas kaming naka-indian sit sa mahabang sofa at nakaharap sa isa't-isa.

"Speaking of pag-aaral, bakit mo naman naisipang mag-part time sa bakery namin?" Ito na ang pang-limang taon ko bilang baker sa bakery nila. Simula senior high school ako ay kasama na nila ako.

"Alam mo naman na patay na ang mga magulang ko at wala akong aasahan sa mga matapobre kong kamag-anak kaya naman wala akong magagawa kundi magtrabaho. Bakit kaya ganon kung sino pa ang kamag-anak natin sila pa ang unang manghihila sayo pababa," kuwento ko nang maalala ang hirap na dinanas nila inay at itay sa mga kamag-anak naming. Tinakwil nila kami dahil lang pinili kami ni inay.

Nagsimulang manubig ang mga mata ko habang naglalakbay sa isipan kung gaano ang hirap na dinanas namin sa kamay ng mga kamag-anak nila inay.

"Mahirap lang kami Hubert. Kaya kung malaitin kami ng mga ante at uncle ko ay ganon ganon na lang. May sinabi silang kasunduan sa akin noon na pag-aaralin nila ako at kapag nakapagtapos na ako ay ako naman ang magpapaaral sa mga pinsan ko. Hindi pumayag si inay kaya naman mas lalo lang nila kaming tinakwil." Napangiti ako nang maalala kung gaano ako pinagtanggol ni inay at itay nong mga panahong yon.

"Sabi ni inay, kapag pumayag kami sa kasunduan, magiging alila lang daw nila ako habang buhay. At once na ipagtanggol ko ang sarili ko, isusumbat nila sa'kin 'yong mga naitulong nila." Tumakas ang mga luha sa mga mata ko. Naalala ko kung panao nila kami tinakwil noon. Kung gaano kasakit ang mga salitang binitawan nila. At kung gaano nila yurakan ang pagkatao namin. Na kung magsalita sila parang kaya nilang bumili ng buhay.

"Nang mamatay ang mga magulang ko ay kulang na lang magpa-fiesta ang mga ante at uncle ko. May iniwan silang ipon sa akin kaya naman nakakapag-aral pa ako. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang ganon kalaking halaga ng pera. Ayokong gastusin ang perang iyon sa mga luho ko kaya naman nag-apply ako ng scholarship at namasukan sa bakery niyo." Naalala ko na naman nong unang pasok ko ron.

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now