Chapter 42: Death

18 0 0
                                    

"Well, well,well." Nang marinig ko ang tinig na iyon ay napako ako sa kinatatayuan ko. Alam na alam ko na ang boses na 'yon.

Paglingon ko ay nandoon sina Violet at Yna may bandage na sa tainga kasama ang mga tauhan nila. Sapilitan nila kaming nilabas sa kweba. Paglabas namin ay nakaabang na ang mas maraming tauhan nila sa labas at nakatutok ang mga nagsisihabaang baril sa nga ulo namin.

"Ilabas ang mga bihag," sambit ni Y at ilang sandali pa ay meron nilabas si scar face na dalawang kulungan na hanggang tuhod ko lang. Nakita ko ang dalawang tao sa loob na may mga itim na plastik na nakabalot sa mga ulo nila at halata namang pinagkasya ang mga taong iyon sa loob ng kulungan.

Ano na naman bang pakulo ni Y ito?


"May mga pagkakataon na gusto na kitang patayin, Melody. Pero dahil matalino ako mas naisip ko na mas masakit para sa'yo kung makita ang mga mahal mo sa buhay na malagutan ng hininga sa harap mo?" Ngumisi si Y kaya kinilabutan ako.

Sa mga ganiyang tingin niya sigurado meron na naman siyang binabalak na hindi maganda.

"A-anong ibig mong sabihin?" Napalunok ako ng laway nang tinignan niya ako nang pailalim saka ngumiti nang hindi kumukurap ang mata.

Kinumpas niya ang kaniyang kamay at inilabas ni scar face ang dalawang tao na sa tingin ay zombie dahil napakaingay ng tunog mula sa kulungan.

"Sinundan namin kayo dahil meron kaming munting supresa kay Melody~" Pakantang sabi ni Violet saka pakaladkad na hinila ang zombie palapit sa puwesto ko. Malikot pa rin ang zombie kahit nakagapos ang mga kamay.

Hinawakan ni Violet ang buhok ng isang zombie saka iniharap sa'kin. Ganoon din ang ginawa ni Y sa isa pang zombie.
Nag-umpisang malamig ang mga palad ko nang makita kung sino ang mga iyon.

"Dylan, Arman!" Akmang lalapitan ko na sila nang bigla nilang ilapit ang mukha sakin at muntik na akong makagat. Mabuti at kaagad akong nahila ni Daphne.

"Hey, tsk stk. Chillax lang." Tila aso kung ituring ni sir Thomas sina Dylan at Arman habang hinahaplos-haplos pa ang mga ulo niya.

"Ayoko sanang gawin ito pero dahil sinuway niyo ako at tinali niyo pa sa puno ang asawa ko. Nilason niyo pa ang utak ng anak ko. Kaya naman-" Hindi niya tinapos ang pagsasalita at hinawakan ang buhok ni Arman saka walang kagatol-gatol niya itong ginilitan sa leeg.

Nangatog ang tuhod ko nang makitang bumulwak ang dugo ni Arman sa harap namin.

"Aww poor dog~" Pakantang ani Violet saka rin ginilitan ng leeg si Dylan. Tumalsik ang mga dugo nila sa paligid at kasabay ng pagbagsak ng mga katawan nila sa lupa ay ang mga palahaw ko.

Nangisay ang mga katawan nila at pilit pa rin silang bumabangon kahit halos mahiwalay na ang ulo sa mga katawan nila. Kaya ang ginawa ni Y ay pinagsasaksak sa bibig si Dylan samantalang tinaga-taga naman ni Violet sa puso si Arman.

"Tama na! Tama na!" Nagsisigaw ako habang nagpapadyak at umiiyak. Nanlumo ako at napaluhod sa lupa habang umahagulgol sa iyak.

"Mga anak kayo ng diablo! Mga hayop, wala kayong awa." Nangagalaiti kong sigaw. Dinaluhan ako ng mga kasama ko.

Hindi ko halos masikmurang panoorin ang ginagawang brutal na pagpatay ni Y at Violet kay Arman at Dylan.

Nang hindi na gumagalaw ang dalawa ay tumayo na sina Violet at Y at ni kahit katiting na guilt o awa ay wala akong nabakas sa mga mata niya.

"Arman! Dylan!" Humahagulgol na sambit ko hinawakan ang balikat nila at niyugyog. Pero hindi na sila gumalaw pa.

"Bakit? Bakit?!" Galit na sigaw ko sa mag-asawa. Lumuhod naman si mommy sa tabi ko at niyakap ako.

"Bakit niyo naman ginawa 'yon? Alam niyo namang kaibigan 'yon ni Melody," ani Jimmy.

"Because hatred lives in their heart," sabi naman ni Monic saka lumuhod din at niyakap ako.

Chaos in AregdonWhere stories live. Discover now