Nang marinig iyon ni Fran ay nakaramdam siya ng hot flashes sa tiyan. Hindi naman bago si Fran sa alak, 'yon nga lang beer ang kaniyang tipo. Nagulat lang siguro ang kaniyang tiyan sa matamis na cocktail drink.

Sunod nilang inistorbo ang pananahimik ni Rosie. Sa sobra niyang mahiyain ay ginaya niya ang ginawa ni Fran. Bottoms up.

Lingid sa kaalaman ni Rosie ay dahilan 'yon ng mahinang tawa ni Echarri. Nasa dalaga ang tingin nito habang sumisimsim sa hawak na martini glass.

"What are you guys, a drunkard?" Gulat na wika si Zayn. "Well— labas ako kapag kayo mabilis tinamaan, ha. I made myself clear before you drink the whole glass." Nakataas ang kamay niyang dagdag.

Rosie wipes her mouth with the back of her fingers. Walang imik kahit nalasahan niya ang pait na lasa sa dulo.

Kinablit siya ni Fran. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. She knows that her friend can't hold her liquor. Pwera lang kapag malt-beverage at hindi lalagpas sa 5% ang alcohol content.

Tumango si Rosie kahit na nagsisimula siyang makaramdam ng ikot ng mundo. "'Wag mo 'kong alalahanin. Enjoy ka lang diyan," aniya.

Ngunit minabuti ni Fran na ilapit ang kaniyang upuan sa tabi ng kaibigan.

"We are just getting started, but—"

Fran cuts Zayn. "Maliit na bagay! Fill my glass up." Lakas loob niyang binigay at tinanggap ang puno nitong baso.

Ganoon din ang ginawa ni Zayn sa wala ng laman na baso ni Rosie. "Kaya pa ba, Rose?" He knocks on the table glass.

But like a knight in shining armor, Echarri came to the rescue. "Give her a breather. Mamaya na lang ulit siya." Nilayo ni Echarri ang baso sa kaniya nang mapansin na medyo namumula ang pisngi ni Rosie.

Naningkit naman sa tuwa si Fran dahil sa nasasaksihan na eksena. Bakit nga ba siya kinikilig sa love story ng kaibigan? May spark...

"Want a snack?" Agaw pansin ni Zayn.

"I want you..." And Fran doesn't realize right away what her mouth just spat out.

Kung 'di lang humalakhak si Zayn... "so, she wants me to be her snack, I suppose. You heard that, Echarri?"

Fran smacks her mouth. "Ang gusto kong sabihin ay— ay..." She couldn't find the right words to say.

"Don't make it a big deal. I'm just teasing you..." Napahawak sa leeg si Zayn bago umalis upang kumuha ng snack.

"It's okay, Fran. Maloko talaga 'yan si Zayn. Don't mind him," panigurado ni Echarri.

Napagtanto tuloy ni Fran na mayroon pa pala siyang hiya sa katawan. Akala niya rati ay wala.

Sabay sila ni Echarri na tumingin kay Rosie. Tumayo kasi ito bigla. "Excuse po, Sir. Restroom lang po ako..." paalam niya.

Muntik siyang alalayan ni Echarri nang pigilan siya ni Fran. "Don't worry, Sir. Magpapahangin lang po 'yan sa labas. Sundan ko na lang po kapag wala pa siya ng ilang minuto."

Balik sa pag-upo si Echarri at hinayaan na lang ang dalaga. "Okay, then." Si Echarri na rin ang umubos ng cocktail sa baso ng sekretarya.

Nakahinga naman nang maluwag si Rosie paglanghap nito sa sariwang hangin. Pinagsisihan pang nakipagsabayan siya kay Fran.

Sumandal ito sa barandilya at saka pumikit. May pangako pa sa sariling pakonti-konti na lang ang iinumin pagbalik sa loob.

"Was it you?"

Nagdilat ng mga mata si Rosie nang marinig ang boses na 'yon. She stood straight, effect of cocktail vanished. Bumalik ang kaniyang wisyo.

She was overpowered by the girl in front of her. It's Monica, the daughter of Mayor La Torre. Nakataas ang kilay nito habang tinititigan ang kabuuan ni Rosie.

"You were the one who sent me flowers, weren't you? You're Echarri's secretary." Masama ang tingin nito sa kaharap.

"Ako nga po. May kailangan po ba kayo sa akin?" Magalang na sagot ni Rosie.

"Where is your boss?"

Dalawang isip si Rosie kung sasagutin ba nito ang tanong na 'yon. Kung saan-saan na lamang kasi siya sumusulpot. Noong nakaraan ay sa opisina, pati ba naman sa bar ni Zayn?

"Ayaw po magpa-istorbo ni Sir Echarri. 'Tsaka ang alam ko po ay wala na kayo ni Sir. Kaya hindi po tama na guluhin pa siya, Ma'am." Magkahalong kaba at takot niyang pahayag sa anak ng Mayor.

"Huh? Coming from a lowly secretary? Do you even know who I am?" May inis na tanong ni Monica sa kaniya. "Do you think mayroon kang karapatan para tabuyin ako? Who do you think you are, huh?" May yabang sa boses nito.

Pinilit ni Rosie na itaas ang kaniyang noo. Oo, sekretarya lang siya ngunit marangal na trabaho 'yon. Pinaghihirapan niyang kitain ang pera na ginagastos sa araw-araw kaya hindi iyon basta-basta lang.

"Secretary po ako ni Sir Echarri kaya mayroon po akong karapatan na sagutin kayo. Hindi man po ako kasing-yaman ninyo pero alam ko naman pong rumespeto ng tao."

Monica chuckled. She was annoyed. She feels a sting from Rosie's words. She couldn't accept that she was told by a lowly being.

Bahagyang yumuko si Rosie bilang paalam kaya lang ay hinila siya ni Monica. Ni hindi inaasahan ang matatamo na sampal mula rito, sa harap ng nagdaraang mga tao.

Narinig nila kung gaano kalakas ang sampal na 'yon. Kung paano ang gulat sa mukha ni Rosie.

Nanunuyang ngiti ang pinakawalan ni Monica. "Oops. My hand suddenly got itchy... how daring of you to lecture me, you deserved that," she smirked. "And oh, I can also tell you like Echarri," she accused her.

Umiling si Rosie, inda ang sakit sa hawak na pisngi. She is fighting her own tears.

At iyon ang naabutang tagpo ni Echarri. Galit itong lumapit sa dalawa. "What do you think you are doing, Monica?!" singhal nito nang tuluyan siyang makalapit. "Did she hurt you, Rosie?"

Tanging pagpatak ng luha ni Rosie ang naging sagot sa tanong na 'yon. Kinuha ni Echarri ang kamay ng kaniyang sekretarya upang itago siya sa kaniyang likuran.

"She likes you." Monica said, loud and clear.

He beamed at Monica. "I was trying to understand you, Mon because I broke up with you. Kaso mali na idamay mo ang ibang tao. She's not doing anything wrong, so why do you need to hurt her? Monica naman!"

Monica's composure broke down when she was yelled at by Echarri. "Why are you defending that slut? I said she likes you, kaya ayaw niyang mag-usap tayo!"

"That's enough, Monica. You're going overboard." Pigil sa galit na turan ni Echarri.

Monica is getting hysterical. "Do you need me to bring you proof that she likes you more than a boss? Then, fine! I'll do everything in my power to show you I was right!" she screamed, and tantrums walked away.

All Rosie knows is that Monica didn't come to play.

And she might be doomed, possibly even worse.

The Scent of You [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon