Hindi makatingin ng diretso ang dalaga sa lumayong kaibigan. May punto naman ito, alam niya ang pinanggagalingan ni Fran ngunit mahal niya ang pamilya at 'di nito kayang pabayaan sila.

###

Segundo lang ang itinagal ni Echarri sa ribbon cutting event. Pumunta lang yata ang binata upang magpakuha ng litrato sa sekretarya.

"Sir—" tawag pansin ni Rosie.

Dala ni Rosie ang jacket ni Echarri na siyang pinangtakip ng dalaga sa kaluluwang muntik nang sumilay noong gabi.

"Thank you po sa pagpapahiram." Sumagi na rin sa isip nito na magcash advance kung papayagan ni Echarri.

Akala niya tatanggapin ng amo ang nakaatang na jacket sa kaniyang kamay ngunit, "marami ako niyan kaya itago mo na lang para kapag umulan ulit, eh, may magamit ka," aniya.

Rosie is contemplating if she will ask him for a cash advance or just shut her mouth. Baka mapahiya lang kasi ito sa laki ng kaniyang hihingiin.

"Um, Sir—"

Natuon sa kaniya ang atensyon ni Echarri na kasalukuyang inaayos ang suot na kurbata. "May sasabihin ka ba?" Mahilig itong magrolyo ng laylayan ng damit kaya naman nawala sa wisyo si Rosie nang masilayan ulit ang mga ugat ng amo.

Rosie bit her lower lip.

"Is something the matter?" Tinapik ni Echarri ang balikat ng sekretarya.

May kung anong kumimbot sa katawan ni Rosie sa ginawang iyon ng amo. "Umuwi ka na kung masama ang pakiramdam mo. Ikaw na rin bahala pumili ng litratong ipapasa mo kay Chairman. Maiwan na kita," paalam sa kaniya.

Ibubuka pa lang sana niya ang bibig ngunit nakalayo na si Echarri. Dapat ay nilakasan niya ang loob no'ng tanungin ni Echarri kung ano kaniyang problema. Sayang!

Sa laki ng problema ni Rosie, tuloy nalimutan nitong nilapag pala niya ang DSLR camera sa kotse ni Echarri pagkatapos niyang kumuha ng mga litrato.

Tumakbo siya upang abutan pa ang amo ngunit nang matapat ang mga paa nito sa kinaroroonan ng kotse ay natuyo ang lalamunan nito sa naabutang eksena.

Echarri is rabidly kissing somebody she knows. Echarri's new milled rice, Mayor's daughter, Monica.

Malakas ang loob ng mga ito marahil akala nila'y sila lamang ang tao sa parking area. Marahas na ginapos ni Echarri ang babae sa pader at patuloy ang marahas din nilang mga halik sa labi na dahilan ng pag-ungol ni Monica.

May naramdaman itong kirot sa kaloob looban. Iba pala kapag mismong makita ng mata ni Rosie ang kaliluhan ng pantasiyang si Echarri.

Mabigat ang yabag nitong nilisan ang lugar kung saan dinig ang alingawngaw ng kanilang mga ungol.

Isang tulala na Rosie ang tumungo sa snack bar upang magtimpla ng malamig na kape, kape na punong puno ng yelo. Sinipsip niya ito tuloy-tuloy at gumuhit sa kaniyang lalamunan pati kalamnan ang lamig no'n.

"Uhaw 'yarn, Rosas?!" panggugulat sa kaniya ni Frances.

Ilang lagok lang 'yon hanggang sa wala na itong masipsip pa.

"Pumayag ba si boss Echarri sa cash advance?" usisa ni Frances.

Umiling ito. Mabigat ang loob ng dalaga. Nawala ito sa mood.

Tumikhim ang kaibigan, "ba't iba ang nasa-sight ko? Para kang galit na ewan."

Humigit si Rosie ng malalim na hininga. "Problemado lang talaga ako," palusot nito.

"Gusto mo ba'ng solusyunan ang problema mo? May ideya ako."

Mabilis pa sa alas kuwatro nitong nilingon ang kaibigan. Seryoso iyon, walang bahid ng biro sa ekspresyon ng mukha. "Anong ideya mo?" Nabuhay ang dugo ni Rosie dahil doon.

"Kasya na ba ang kalahating milyon sa problema mo?" tanong ni Frances at kaagad niyang tinanguhan.

"Sobra sobra pa 'yon, Fran. Kahit bayaran ko pa ng interes ay ayos lang!" masaya nitong wika.

Lumapit si Frances sa tabi nito at may kung ano ang ibinulong sa kaniyang tainga kung saan nanlaki ang kaniyang mata at nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan.

"Try seducing boss Echarri. Sleep with him, Rosas. Kapag nagawa mo 'yon, may kalahating milyon ka sa akin."

"Nababaliw ka na, Fran!" she hissed.

Tumayo ito upang talikuran ang kaibigan nang pigilan siya. "What? Win-win ka rito, Rosas. Matutupad na nga ang pantasya mo, maso-solve pa ang malaki mong problema. Saan ka pa?"

Pipiglas-piglas ang dalaga ngunit natakam ito sa nilatag na mungkahi ng kaibigan. Lalo pa noong ipakita ni Frances ang numero na mayroong limang zero sa ilalim ng pangalan niya.

"Isang pindot ko lang dito iyo na ang half million."

Umiling si Rosie upang layuan siya ng tukso. "Kaibigan ba talaga kita?" Taas ang kilay nitong tanong kay Frances.

"Kasi gusto kitang ipain kay boss Echarri? Excuse me lang Rosas ha, 'di naman siguro masamang pangarapin na matupad mo ang pangarap mo, ano? Sabi mo nga bente nuwebe ka na, ano ba 'yong maranasan mo 'yon sa lalaking gusto mo?" May pagdiin pang turan ng kaibigan.

"Ewan ko sa 'yo, Fran."

Lumayo siya ngunit bumuntot pa rin ang kaibigan sa kahit saan ito magpunta.

"Takot ka ba kasi wala kang karanasan? Tsk, hindi mo dapat problemahin 'yun, Rosas. Expert si boss Echarri, tuturuan ka no'n."

Mamula-mula na ang pisngi ni Rosie sa kabastusang lumalabas sa bibig ni Fran.

"My offer has an expiration date, bahala ka. Hanggang ngayong linggo lang 'to. Take it or leave it," pagsuko ni Fran bago ito lumayo.

###

Namamawis ang kamay ni Rosie kaya pinalipat-lipat nito ang baso ng wine sa kaniyang kamay. Madilim sa kuwarto at tanging dimmable lamp ang nagsisilbing ilaw sa silid.

Nakasuot ito ng manipis at kulay pulang robe. Hindi nito lubos maisip na papayag siya sa alok ng kaibigang si Frances.

At nang bumukas nga ng tuluyan ang pinto upang iluwa ang bulto ng lalaking bida sa kaniyang pantasya'y nanigas ang katawan nito.

"Did I make you wait long?" tanong ni Echarri.

Nalunok ni Rosie ang sariling laway dahil nasa kabilang kuwarto ang babaeng inaasahan ni Echarri. Wala itong kaalam alam na si Rosie ang makakaulayaw ngayong gabi lalo pa at tanging anino lang ang nakikita.

Agad na nakalapit sa kaniya ang amo, kinuha mula sa kaniyang kamay ang baso ng wine at nilagok 'yon nang minsanan bago siya nito siilin ng halik sa labi.

She tasted the wine through his tongue.

Pinutol ni Echarri ang pinagsasaluhang halik upang amuyin si Rosie. "You smell seductively nice," bulong ni Echarri habang sinisinghot-singhot ang kaniyang leeg.

Paanong hindi gayong nag-effort siyang humanap ng pabango na makakapagpa-akit kanino man.

Nanatiling tikom ang bibig ng dalaga ngunit impit itong humiyaw nang buhatin siya ni Echarri at dumapo ang kanilang katawan sa malambot na kama.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now