"Yara, please..." he begged.

Parang paulit-ulit na nadudurog ang puso ko habang nakikita siyang ganito. Ito rin ba ang naramdaman niya, nang makita niya akong sirang-sira sa hotel? Ang sakit pala, para akong hindi makahinga sa sakit.

Ako na lang sana, kaya kong saluhin lahat ng sakit. Nagparaya nga ako, para lang mahanap niya ang kasiyahan niya, kahit hindi na ako kasama roon. Handa akong pagdaanan lahat ng sakit, basta masaya siya...

Hindi ko naiintindihan bakit walang nangyayari sa paraang gusto ko? Everything just doesn't go my way!

"H-Hindi na pwede ang ganito Caden... hindi ganito kadali ang gusto mo!" pilit kong nilalabanan ang nararamdaman.

Ako lang? Hindi niya kayang wala ako?

Pero bakit? Mukha naman siyang masaya. At kung tatanggapin ko siya, anong mangyayari sasaktan ko siya ulit? Magsasakitan nanaman kami?

Ayoko na, pagod na ako. Pagod na akong magbayad.

Hindi niya pa rin ako binibitawan. Kahit anong pilit ko hindi ko kayang tapatan ang lakas ko.

"We will make this work—"

"It's too late." putol ko. "It's too late, the damage has been done." Masakit kong balita.

Natigilan ito at natahimik, sinamantala ko iyon para makawala sa kanya. Mabilis akong umatras at lumayo bago pinalis ang luha ko.

"K-Kung ano man ang pinaniwaalan mong ginawa ko dati, 'yon na lang rin ang paniwalaan mo ngayon. Isipin mo lahat ng gusto mong isipin tungkol sa akin... pero wag mo na akong babalikan, kasi tama na..." patuloy ako sa pag atras hanggang makaabot ako sa pinto ng kwarto ko.

Nakaluhod lang ito habang pinapanuod ako. Bakas ang pagdaan ng sakit sa mukha niya.

Maniwala ka na lang na tinakbukan kita, na ayaw ko na sa'yo. Na pinaalis kita para makalaya ako sa'yo. Magalit ka na lang sa akin. Kung iyan ang daan para makalaya ka na. Kasi kung babalikan ko lang ako, masasaktan lang kita ulit.

Masaya ka na e, masaya ka na noong dinatnan kita sa New York. Kaya mo namang wala ako. Nakita mo lang ako sandali ganyan ka na agad? Kakalimutan mo ang tatlong taon na pinilit mong gamutin ang sarili mo at sumaya ulit?

Dahil gusto mo akong balikan?

Hindi na ako papayag Caden. Hindi na ako papayag na ako ulit ang sisira sa'yo. Na sasaktan kita ulit.

Simula umpisa, wala akong ibang ginawa kundi saktan ka.

Kahit wala akong ibang gusto gawin kundi ang mahalin ka, ang nararamdaman mo lang na galing saakin ay sinasaktan kita. Kaya tama na, mali na 'to.

Mahal kita pero tama na.

Mabuti nang tuluyan akong masira mag isa kesa dalawa tayo.

"U-Umuwi ka na... sana paglabas ko ng kwarto wala ka na. Tapos na tayo Caden, wala na tayong pag uusapan." Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto at nilock ang pinto.

Halos mapaupo ako sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ng dalawang kamay para hindi niya marinig ang pag iyak ko. Nagbuhusan muli ang mga luha ko. Nanginginig ang mga balikat ko sa lakas ng aking hikbi.

"I won't go Yara! I'll kneel till you forgive me!" rinig kong sigaw niya sa labas habang umiiyak ako sa loob ng kwarto.

Itigil mo na ito Caden. Tama na.

Hindi ako nakatulog buong magdamag at hindi rin akong lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung anong oras ako natapos umiyak. Pero iniyak ko na lahat kagabi, dahil sa nangyari mas lalo akong nagising sa katotohanan.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now