CHAPTER 7 - The Girl In The Music Room

77 11 2
                                    

*Chloe's POV*

Habang naglalakad ako sa campus with these twins at my back, pansin ko ang tingin sakin ng mga students. Of course, because I'm popular here at TSU. I know I'm pretty and talented, kaya ako ang idol nilang lahat. That's why I'm making sure na lahat ng activities dito sa university ay sinasalihan ko, and of course, dapat lahat ng contest ay ako ang winner. Ayokong madisappoint silang lahat sakin, especially my Mom. Oh, speaking of which, I have to call my Mom.

"Hello, Mom? Guess what, Stephen Bautista is finally here at- Oh, you're busy right now? Okay, I'm sorry. Yeah, sure, sure. I will defenitely call you back." Binaba ko na ang phone.

Nakakainis, sana naging blockmate ko nalang si Stephen para nababantayan ko sya at mafall sya ulit sakin. So yun, dumeretso kami sa paglalakad heading to the next class, and I know I'm 48 minutes late. So nang pagpasok namin sa room ay isa isa na palang nagpapakilala ang lahat papunta sa harap ng board. Umupo ako sa pinaka harap at si Harmony on my left, and Melody on my right. Tumayo ang isang cute guy sa pinaka likuran at pumunta sa harap ng board at nagpakilala.

"Hi, everyone. I am Nathan Cruz, I'm 19, and my hobbies are reading books, and hanging out with my friends, my talent is... Ahmm. I don't think I have talent." Sabi ni Nathan.

Nakita kong ngumiti si Harmony and I assume she has a crush on him. So I smiled at her.

"Next!" Sabi ng prof.

Biglang nagring ang bell. Which mean uwian na. Di natapos magpakilala ang lahat.

"Since di natapos magpakilala ang lahat, itutuloy natin bukas" Sabi ng prof.

-----------------

*Stephen's POV*

5pm. Nakauwi na ako ng bahay, nakahiga sa higaan ko. Sa kwarto ko, buti nalang at welcome ako tumita anytime sa bahay ni Tita Juliet. Kapatid ni Papa.

Narinig kong tinawag ako ni Tita Juliet.

"Tita, tinatawag mo po ba ako?" Tanong ko kay Tita Juliet habang pababa ako ng hagdanan.

Nasa baba si Tita Juliet at sumagot.

"Oo, iho, may bisita ka. Andito si Blake." Sagot ni Tita Juliet sakin.

Nabigla ako ng makita ko si Blake. Kasama ni Tita Juliet sa sala. Nakatayo sila.

"Thanks, Tita Juliet." Sabi ni Blake kay Tita.

"Walang anuman iho, teka, ngayon na dito na ulit nakatira si Stephen, mukhang mapapadalas na ulit ang pagpunta mo dito huh. O sya, dadagdagan ko ang lulutuin ko dahil tiyak, taob nanaman ang kaldero." Sabi sakanya ni Tita Juliet.

"Yowwn! The best ka talaga Tita Juliet." Sagot ni Blake at nakangiti.

Tumawa sila pareho at pumunta na sa kusina si Tita Juliet. Nakatingin lang ako sakanila sa hagdanan at tumingin sakin si Blake.

"Ano bro, tara!" Ang pag-aya nya sakin.

-----------------
*Blake's POV*

Naglakad lakad kami ni Stephen sa bukid, at nagusap.

"Naaalala mo nung mga bata pa tayo, lagi tayo naglalaro dito, tapos umaakyat tayo sa mga puno. The best talaga ang childhood natin." Sabi ko kay Stephen.

"Haha. Tama, sana nga maulit yun eh." Sagot nya.

"Bakit naman hindi? Mga bata pa din naman tayo. Diba ang sarap ng feeling kapag nagbubuhay bata ka? Wala kang problema, ang iniisip mo lang ay mga things na pwedeng ikasaya mo." Tanong ko sakanya, pero pansin ko na di sya talaga gaano nagsasalita. Kaya sinabi ko sakanya na, "I know there is something in you na takot mo nang ilabas, but bro, don't stop. Just continue. Life isn't about stopping when you get hurt, it's about continuing even there's so much obstacles in your way." Pagkumbinsi ko sakanya.

The Chorus PartWhere stories live. Discover now