CHAPTER 11 - Teardrops On Her Guitar

71 2 2
                                    

*Blake's POV*

Kinabukasan, nasa class kaming lahat, habang nagdidiscuss si Mrs. Magda ay pansin ko ang pagiging tahimik ng buong klase, why? I think it's because they're all bored. Actually we all are. Tumingin ako kay Stephen, at ang sabi ko sa sarili ko ay "Best actor nga talaga itong bestfriend ko." Why? It's because he is wearing shades and pretending that he is listening to Mrs. Magda's discussion, but the truth is.... he is sleeping.

"Wui pre, bakit parang puyat na puyat yata itong asungot na'to?" Pabulong na tanong sakin ni Luigi na nasa likuran namin ni Stephen.

"I have no idea." Sagot ko sakanya na nakataas ang balikat.

"Let's find out!" Ang sabi ni Mia na nasa kabilang side din ni Stephen.

Kinuha nya ang cellphone ni Stephen sa bulsa, at iniscroll nya. Naghahanap ng clue kung bakit nga puyat at tulog ngayon si Stephen. And I realized na di tama yung ginagawa nya. So inagaw ko yung phone ni Stephen ng tahimik lang dahil baka mapansin nanaman ni Mrs. Magda na nagkakagulo kami.

"Hey, gimme that!" Sabi ko kay Mia at hinila ko ang cp.

I was about to lock Stephen's phone then I was shocked when I saw this:

"Hey, babe. Thank you for that very sweet and long conversation, I appreciate your call. See you tomorrow, I love you. Good night. Mwuaah!"

- From: Chloe Evangelista @ 3:46am

"Whaaat??" Gulat na reaction ko na pabulong lang.

"Hey, let me see that!" Sabi ni Mia at hinablot sakin ang cellphone ni Stephen na nasa gitna lang namin at tulog na tulog.

"Teka, mga brad, anong meron? Wag nyo sabihin na..." Sabi ni Luigi samin na pabulong din.

"Huh?! Pano nangyari? Magkausap sila ni Chloe til 3:46 AM!" Gulat na pabulong na sabi ni Mia.

"Huh? Patingin nga!" Sabi Luigi at kinuha ang cellphone kay Mia at nagulat din sya sa nakita nya. "Oh, haha. Sweet." Sabi nya at binalik nya ang cellphone sakin.

At binalik ko na ang cellphone sa bulsa ni Stephen.

Natahimik kaming lahat. Nagulat, paano nga nangyari yun? Paano nangyari na magkausap sila ulit ni Chloe at sweet. Alam kong nasaktan si Luigi. Yes, I know, I'm sure. Ilihim nya na sa lahat ang nararamdaman nya, pero sakin, alam ko. Yes, I'm always quiet, but I'm a good observer. I know how it feels, alam ko na mahal pa din ni Luigi si Chloe up until now.

Nagulat ako ng biglang nag snore si Stephen, aba, sobrang himbing na ng tulog. At tinapik ko sya para magising. Nagulat sya at napatanong...

"Hey, what time is it?" Tanong nya sakin.

"Huh? Why?" Tanong ko din sakanya.

Kinuha nya ang cellphone sa bulsa nya at tinignan ang oras. At nagulat sya ng tinignan nya ang oras.

"Shoooot! I have to go." Sabi nya at tumayo sya.

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ni Mia.

"Sa C.R.!" Sagot nya kay Mia.

"C.R.? Eh bakit kailangan mo pa tumingin sa orasan?" Tanong ni Luigi sakanya.

"Eh baka nakaschedule ang pagCR nya. Haha." Sagot ni Mia kay Luigi.

"Alis na ako." Sabi ni Stephen. At kinuha nya ang cap nya at sinuot.

At nagpaalam sya kay Mrs. Magda na magsi-CR. Hmmm.. San kaya pupunta yun? Alam ko naman na hindi sya magsi-CR. May ibang pupuntahan yun for sure. Hmm..

The Chorus PartWhere stories live. Discover now