CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Oh, isa rin iyan eh. Ang pag-iyak mong iyan. Diyan mo kami kuhang kuha eh. Napaka-plastik, naknang tupa." bakas ang pagka-asar sa boses niya pero wala akong nakikitang emosyon sa muka niya.

Huminga ako ng malalim upang pigilan ang pagluha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang hikbing gustong kumawala sa labi ko.

Wala akong masabi.

Lahat ng sinasabi niya ay talagang tumama sa akin. Para akong pinompyamg sa ulo tapos iyong masakit eh sa puso.

Hindi ako makahinga ng maayos. Ang sakit ng bawat tibok ng puso ko. Ang bigat bigat ng dibdib ko.

"Pero huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kanila ang lahat ng nalalaman ko dahil malapit na ang oras mo para magsabi ng totoo." sabi niya.

Nabibiglang nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Makukuha na namin mamaya ang hard drive ng CCTV, Angel. Malalaman na nila na kasalanan mo ang lahat kaya humanda ka. Iyong mga salita ko, mga ginawa ko sayo ay mas dodoble pa—hindi triple mo pang mararanasan iyon... sa kamay nila. Lalo na ni Chad." pagbabanta niya.

Umusbong ang pinaghalong kaba, takot, at lungkot sa dibdib ko.

Nanghina ang katawan ko at hindi ko nagawang umatras nang humakbang siya papalapit ng papalit sa akin at niyakap niya ako.

"Mahal na mahal kita pero hinding hindi kita mapapatawad. Mahal kita pero mas lamang ang galit ko sayo." bulong niya.

Dahil yakap niya ako ay hindi ako nakapalag ng nang ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko ay umangat at dumapo iyon sa leeg ko.

Mahigpit na sinakal ako ni Justin kaya hinawakan ko ang kamay niyang nasa leeg ko, hinawakan ko iyon hindi para alisin kundi mas idiin.

I deserve it.

"Justin..." bigkas ko sa pangalan niya dahil ramdam kong malapit na akong mawalan sa ulirat dahil sa kawalan ng malanghap na hangi.

Napasinghap ako nang malakas na itulak niya ako papalayo sa kaniya. Sa sobrang lakas ng pwersang iyon ay hndi ko nabalanse at nakontrol ang katawan ko dahilan para tumama ang katawan ko sa glass table at sa sobrang lakas ng impact ng pagkakahampas ng katawan ko doon ay nabasag iyon kasabay ng pagkalagapak ko sa sahig.

"Fuck! Anong nangyari rito? Anong ingay iyon—fuck! Angel?! Shit! Angel!" mula sa taas ay natatarantang bumaba ng hagdan si Carl at agad akong dinaluhan.

Marahan niya akong hinawakan sa kamay at inalalayang tumayo. Agad niyang tinignan ang kabuuan ko at galit siyang tumingin kay Justin.

"Ano na namang kagagohan 'to, Justin?" galit talagang tanong ni Carl kay Justin na hindi man lang kakakitaan ng kahit anong emosyon sa muka. Ni hindi natinag sa galit na pinakita ng lalaki.

"A-Ano Carl... nadulas lang ako." pigil ko sa lalaki nang akma niyang susugurin si Justin.

"Hindi naman ako tanga Angel, kung nadulas ka.. bakit naman sobrang sama ng lagapak mo? Hindi ka naman bobo para mangyari sayo 'yan, 'di ba?" puno ng diing sabi nito.

Nagulat pa ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Oo, nagagalit siya dati. Oo, nagsasalita siya ng mga ganiyang salita pero hindi ko pa siya narinig na magsalita ng ganiyan at ganiyan din kaseryoso.

O baka nakita ko na pero iba lang ang dating dahil si Justin ang kausap niya at ako ang pinagtatanggol niya? Siguro.. pero kahit na gano'n ay nakakapanibago..

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 12 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ