CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE

Start from the beginning
                                    

Walang palag ang kayabangan ko sa mga baril na hawak nila. Kikilos lang ako ng mali ay alam ko na agad ang kakahinatnan ko. Malamang ay babarilin ako ng mga iyon ng walang pag-aalinlangan.

Mamamatay agad ako.

Ano kayang prenoprotektahan ni Tito Jack sa loob?...

Bakit parang nakaalerto ang lahat?

Pero wala naman akong plano na umalis na lang agad ng wala akong napapala sa pagpunta rito. Kailangan kung makita si Tito Jack para malaman kung nasaan ang anak niya, si Rosh... Sigurado ako na wala iyon dito ngayon at sa lugar kung saan alam kong pupuntahan niya.

Inilibot ko ang paningin ko at may nakita akong iilan na nakabantay sa likod. Malamang ay dahil napunta silang lahat sa harap kanina dahil sa akin.

Nang makita ko na walang nakatingin sa akin ay dahan dahan akong nagtungo sa gilid ng bakod at tinalon iyon. Nagsimula akong umakyat sa mataas na pader sa likod ng bahay nila kung saan walang masyadong bantay.

Mataas ito ngunit nakaya ko namang maka-akyat.

"Shit." napamura ako nang makita ko na hindi lang pala sa labas maraming armadong bantay.

Isa.. dalawa..

Nagsimula ko silang bilangin at umabot iyon sa higit trenta. Hindi ko pa sinali ang nasa loob mismo ng bahay.. kung susumahin.. singkwenta.

Hindi ko kayang pumasok at makipaglaban. Masyadong mapanganib.

Bababa na sana ako sa pader at handa na umatras nang tumunog ng malakas ang telepono ko. Lahat ng guwardiya ay agad na napatingin sa gawi ko at mabilis pa sa alas kwatrong tinutok nila sa akin ang baril.

May nataranta sa kanila at nakalabit ang gatilyo at natamaan ang pader na malapit sa akin, dahil na rin sa gulat ko ay nahulog ako. Hindi ako nakapustura kaya naman masama ang hulog ko sa sahig.

Napamura na lamang ako sa isip ko nang palibutan ako ng mga armadong guwardiya. Nakatutok sa akin lahat ang baril nila na para bang napakalaki kong banta.

"What's happening?! May nakapasok?! Mga inutil!" sigaw iyon ni Tito Jack at alam kong papalapit na siya sa gawi ko. Natawa naman ako dahil kahit tunog galit siya bakas ang taranta at takot doon.

"She's there, boss."

"Babae?!" pagalit na sigaw niya dahil sa narinig. "putang ina! Ikaw lang pala, Angel." para pa siyang nakahinga ng maluwag dahil ako ang nakita niya.

So, hindi ako ang dahilan kung bakit maraming guwardiya ngayon sa bahay niya..

Sila Chad kaya?

"Tss. Ang bobobo ng guwardiya mo." sabi ko at tumayo. Natawa na naman ako nang mag-atrasan sila palayo sa akin.

"Will, they know you. That's why." sabi ni Tito Jack kaya naman napangisi ako.

"You look scared.. did something happened, huh?" tanong ko.

"Si Rosh ba ang hanap mo? Wala siya rito kaya umalis ka na." sabi niya, hindi sinasagot ang tanong ko.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Tito Jack." natatawang sabi ko sa kaniya. Ngayon ko lang nakita si Tito Jack na ganito katakot. Siguro ay may nakabangga siyang malakas na grupo.

"Hindi mo na dapat malaman iyon." sabi niya, "kung ang anak ko ang hanap mo, sinabi ko na, wala siya rito."

"Okay. Aalis na ako." paalam ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now