Chapter 09: Always you

En başından başla
                                    

"I'm sorry earlier, Lenarj. I'm just... shocked."

"I understand, Ezra. I really regret that kasi hindi ko nasabe agad sayo yon noon." Natahimik ulit kami ni Lenarj. Marami na akong gustong sabihin sa kanya napapangunahan lang ako ng hiya at takot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot at nahihiya. "You don't need to feel guilty, Ezra. Hindi kita sinisisi. Don't make yourself na kasalanan mo ang nangyare." He grabe my hands and quized it gently.

"Lenarj..." nangangambang tawag ko sa kanya. "I don't really know you. Hanggang ngayon na ngangapa parin ako sayo. Halos lahat ng nasa paligid natin kilala ka, kilalang kilala ka. Ultimong girlfriend mo ako pero hindi man lang kita kilala ng lubusan? Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Maraming tanong. Hindi ko alam kung alin doon ang uunahin ko. Araw-araw na lang ba ako magugulat sa bagong madidiskubre ko sayo?"

"Hindi ko naman hinihiling na alamin mo lahat ng pagkatao ko. Hayaan mo akong ipakita ko sayo kung sino ako. Huwag mong intindi ang mga hindi mo alam sa pagkatao ko. Ako mismo, kusa kong ipapaalam sayo Ezra. Just stay with me. Just don't leave me." He look straight in my eyes with a sad eyes. I look away.

Nahihirapan din ako pero I need to be strong. I need to be patience. When I look at him again, I smile. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya para yakapin sya. Hinahagod ang likod, sinusuklay ang buhok gamit ang kamay ko.

"Promise me, Lenarj. Tell me everything. Don't try to secrets to me. Yan lang ang gusto ko." Tumango si Lenarj at ngumiti habang nakatingala sa akin.

---

"Look at the camera, Ezra."

Sinunod ko ang sinabe ng camera man tumingin ako rito habang hawak ang isang make-up product. Hindi ko alam na may panibagong shoot na tinanggap si mama. Now ko lang nalaman na may shoot kami sa isang make-up product. Ngumiti ako habang nakapose sa harap ng camera. After ng first shoot ay inayusan ulit ako ng buhok at panibagong set ng dress at make-up.

After kong ayusan ay muli akong tinawag para sa additional na picture. Paulit-ulit nalang ang pose ko hindi ko nga alam kung nagsasawa na ba yung mga tao sa mukha ko. Lagi nalang ako ang nakikita sa mga billboards, sa mga mall, sa mga poster, for sure ayaw na ayaw na nila sa itsura ko. Ganito ba namang mukha mauumay din ang mga tao.

After ng last shot ay nagpaalam na ako sa kanila habang nakangiti si Mama. Napabuntong hininga ako sa pagod. Agad ko namang kinuha ang phone ko at tinignan kung may message galing kay Lenarj. Napangiti ako ng makitang meron syang message.

Lenarj:
How's your day? Tapos ka na ba? Huwag mong pagurin sarili mo.

Napangiti ako habang binabasa ko iyon. Sinamaan ako ng tingin ni Mama ng makita nya na nakangiti ako. Pasimple akong umubo at tinago ang phone ko. Sumakay na kami sa taxi.

"Yung kikutain mo sa shooting mo kanina ipangbabayad natin yon sa tubig at kuryente, Ezra. Pinapaalala ko lang sayo."

"Wala na bang natira sa pera noong last na shoot Ma?"

"Aba wala na. Nagastos na natin, at ilang linggo kang tengga sa bahay at school? Wala tayong raket ng nagdaang linggo."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang sa sinabe ni Mama. Hindi ko alam kung magkano ba ang kinikita ko sa bawat pag indorse ng mga products. Lagi kasing 2K ang naabot sa akin ni Mama. Hindi ko namang matanong si Mama kung magkano baka magalit pa sya. Hinahayaan ko nalang sya ang mahalaga ay may binibigay syang allowance bukod sa sahod ko sa raket namin ni Mama.

Tahimik akong pumasok sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lenarj. Ilang ring bago sinagot no Lenarj ang tawag. Nakahiga na sya sa kama nya at patay narin ang ilaw ng kwarto nya.

Center of Attraction [Melody Series 1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin